❂ CHAPTER 66 ❂

7 1 0
                                    

[Jace's POV]

Nakarinig ako na parang may sumigaw ng pangalan ko kaya nagising ako. Binuksan ko ang mga mata ko at nakita ko si Addison na nakahiga sa sahig habang walang malay kaya nagulat ako. Anong nangyari sa kanya?

"Yan ang dapat sa traydor na katulad mo."

Napatingin ako sa daddy niya na may bitbit bitbit na pangkuryente kaya nagulat ako. Siya ba ang may gawa nito sa sariling anak niya?

"Kunin niyo yang babaeng yan at dalhin niyo sa kwarto niya. Wag niyong kalimutang itali para hindi makawala."

Nagulat ako dahil sa sinabi niya at lalapitan ko na sana si Addison pero naramdaman kong parang may mga bagay na nakalagay sa katawan ko. Tiningnan ko ang mga ito at kumunot ang noo ko. Para saan to? Bakit nila ako nilagyan ng ganito?

"Pakawalan niyo ako!"

Sigaw ko kaya nabaling sa akin ang atensyon ni Mr. Guevarra. Napangiti siya nang nakita niya ako pero tiningnan ko lang siya ng masama.

"Mabuti naman at gising ka na pala. You've been sleeping for ten hours."

Sabi pa niya habang nakatingin sa wrist watch niya. Napatingin ulit siya sa akin at nginitian niya ako na para bang nang aasar.

"Ano to?! Alisin niyo to!!"

Sigaw ko ulit habang pinipilit kong makawala sa mga bagay na nilagay nila sa ulo at katawan ko. Natawa siya dahil sa tanong ko at may kinuha siya na parang remote kaya nagtaka ako. Para saan yun?

"Tinatanong mo ba kung ano yang mga yan?"

Tanong niya habang unti unting lumalapit sa akin. Hindi ako sumagot at napatingin ako kay Addison na kinakarga na ng mga utusan nila palayo dito.

Maya maya ay napansin kong kay pinindot si Mr. Guevarra mula doon sa remote na dala dala niya kaya nagtaka ako. Magsasalita na sana ako pero naramdaman ko na parang dinudurog na ang buong katawan ko ng mga bagay na nakakabit sa akin.

Napasigaw ako dahil sa sakit at pinilit kong makawala mula sa mga ito pero hindi ko kaya.

"Torture devices yan. Gang leader ka pero hindi mo alam kung ano ang mga yan?"

Natatawang tanong niya at binitawan na niya ang remote kaya tumigil na rin ang mga device na ikinabit niya sa akin. Huminga ako ng malalim habang pinipilit ko pang habulin ang paghinga ko.

"Oo nga pala, hindi ka na nga pala leader ng Black Phyton. Masyado ka kasing nagpakabaliw sa unikaiha ko kaya ayan tuloy."

Napatigil ako dahil sa narinig ko at napatingin ako sa kanya. Anong sinabi niya? Hindi na ako ang leader sa Black Phyton? Paano——

"Hindi na ako ang leader ng Black Phyton?"

Tanong ko pero tinawanan lang niya ako. Napailing iling siya kaya kumunot ang noo ko.

"Hindi mo alam? Inalis ka na ng mga kagrupo mo mismo dahil ilang araw ka nang hindi bumabalik sa hideout niyo. Pinalitan ka na nila at iba na ang leader ng gang na dating pinamumunuan mo."

Napatulala ako dahil sa sinabi niya. Hindi. Hindi ko yun matatanggap. Ilang taon kong pinamunuan ng maayos ang gang na yun tapos ganun ganun lang nila ako kung palitan?

"Kawawa ka talaga. May utang ka pa nga ng dalawang milyon, inalis ka pa sa samahan niyo. Kung ako sayo mas gugustuhin ko nalang na mamatay."

Sabi pa niya na para bang nang aasar. Tiningnan ko siya ng masama pero nagulat ako nang pinindot niya  ulit ang remote na dala dala niya. Napapikit ulit ako dahil sa sakit na nararamdaman ko at napasigaw ako.

"Iho, may iaalok ako na pabor sayo. At kapag gagawin mo to, papakawalan na kita at kakalimutan ko na rin ang tungkol sa utang mo."

Binitawan niya ulit ang remote na dala dala niya kaya napahinga ako ng maluwag nang naramdaman kong nawala na ang sakit ng katawan ko. Napatingin ako sa kanya at tumango ako ng bahagya.

"Anong pabor yan?"

Tanong ko habang nanghihina parin. Nginisihan niya ako at lumapit siya sa akin bago siya nagsalita.

"Layuan mo ang anak ko."

Utos niya na para bang nagbabanta pero nginisihan ko lang siya kahit na nanghihina na ako. Hindi ko magagawa ang sinasabi niya. Hindi ko lalayuan si Addison.

"Pasensya na, pero hindi ko magagawa yan."

____________________________

THORNS OF FLAME (LOVE+WAR SERIES #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon