❂ CHAPTER 36 ❂

17 3 0
                                    

[Addison's POV]

Tahimik lang akong naglalakad habang nakasunod naman sa akin ang mga guests ni daddy na mga anak daw ng presidente at ng mga senador. Wala naman kasi akong choice kundi ang pakisamahan sila kasi marami silang pera.

"So, Sapphire. Do you have a boyfriend or a fiancé right now?"

Tanong nung isa kaya agad naman akong lumingon sa kanya at pilit ko siyang nginitian kahit na hindi naman talaga ako natutuwa.

"Nope. I'm single."

Nakangiting sagot ko kaya napangisi yung mga ugok na nakasunod sa akin. Narinig kong nagbubulungan pa sila at alam ko kung anong pinag uusapan nila. Napangisi ako ng bahagya at hinanda ko na ang kamao ko. Mukhang mapapalaban ako ngayon ah.

"Really? So is it okay if...."

Hinawakan nung isang lalake ang balikat ko pero agad kong inalis ang kamay niya dito. Basta basta nalang kasing humahawak ng hindi nagpapaalam. Tsk.

"Don't touch me."

Sabi ko habang nakataas ang kilay ko. Napangisi lang naman silang lahat at nagkatinginan sila sa isa't isa.

"Oh come on, I'm sure that you will enjoy——"

"My body is not for your enjoyment."

Natahimik silang lahat at napairap ako. Mga manyakis. Magpapatuloy na sana ako sa paglalakad pero nagulat ako nang biglang tinabunan ng isa sa kanila ang ilong at bibig ko. Nagtawanan silang lahat bago nila ako dinala sa masukal na bahagi ng garden namin habang todo piglas parin ako. Mga bwiset!

Habang parating na kami doon sa lugar kung saan nila ako binabalak na dalhin ay nadaanan namin si Jace na naninigarilyo lang pero ako lang ang nakakita sa kanya. Hindi rin niya ako nakita dahil abala siya sa pagbuga ng usok mula sa bibig niya.


Nang nawawalan na ako ng hangin dahil sa pagkakatabon nila sa bibig at ilong ko at humugot ako ng lakas at siniko ko ng malakas ang tiyan ng taong may hawak sa akin. Napasigaw siya dahil sa sakit at nabitawan niya ako kaya kinuha ko na ang pagkakataon na yun para makahinga ako ng maayos.

Nilapitan naman ako nung isang kasama niya pero agad ko siyang sinuntok at tinulak palayo kaya hindi siya nakalapit sa akin. Natumba siya sa kinatatayuan niya at saka ko pa napansin na pinalibutan na pala nila akong lahat kaya napairap ako. Bwiset.

"Sapphire! Catch!"

Narinig kong may tumawag sa akin mula sa malayo kaya napalingon ako doon. Nakita ko si Jace na dala dala ang baseball bat na puno ng tinik na siyang armas ko kaya nagtaka ako. Anong ginagawa niya?

Hinagis niya ang baseball bat ko patungo sa akin kaya hindi nalang rin ako umimik at sinalo ko nalang ito saka ko nilapitan ang mga pesteng lalake na nakapaligid sa akin ngayon. Buong lakas ko silang pinaghahampas at dinurog gamit nito kaya agad rin naman nila akong nilabanan.

Napansin siguro ni Jace na sobrang dami ng mga kailangan kong patumbahin kaya lumapit na siya akin at tinulungan niya akong patulugin ang mga lalakeng to sa pamamagitan ng pagbaril sa kanila. Hindi ko nalang rin siya pinakelaman at pinabayaan ko nalang siya sa ginagawa niya. Hindi kami pwedeng mag away ngayon dahil baka pareho lang kaming mamamatay.

Ilang saglit lang ay naubos na namin silang lahat kaya napahinga kami ng maluwag. Tiningnan ko ng maigi ang mga duguang katawan ng mga lalaking muntik akong pagsamantalahan kanina at napangisi ako. Napatingin naman ako sa duguang bat ko saka ako tumingin kay Jace na hinihipan ang usok na nasa bukana ng baril niya.

Tiningnan ko siya ng masama kaya napatingin rin siya sa akin na para bang nagtataka.

"Why are you looking at me like that? Tinulungan na nga kitang patulugin tong mga to pagtatarayan mo pa ako?"

Tanong niya pero inirapan ko lang siya at iniwasan ko siya ng tingin. That guy.

____________________________

THORNS OF FLAME (LOVE+WAR SERIES #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon