❂ CHAPTER 92 ❂

6 1 0
                                    

[Jace's POV]

Tumatakbo pa ako habang papunta sa university. Ayokong maabutan ako ni Addison. Ayoko nang makita siya. Ayoko na.

Hindi siya bumisita o kahit na nagpakita manlang sa loob ng sampung taon tapos ngayon babalik siya pabigla bigla sa buhay ko nang ganun ganun lang?

Isang taon na mula noong nakalaya ako pero sa tingin ko ay hindi manlang niya ako hinanap. Hinanap ko siya, pero hindi ko rin siya nakita. Hindi ko nga ba siya nakita o ayaw lang talaga niyang magpakita? Itinaboy na nga niya ako sa bahay niya pati narin sa buhay niya dati.

Huminga ako ng malalim at hindi ko nalang muna inisip yun. May exam ako mamaya, at kailangan akong pumasa. Hindi pwedeng may bumabagabag sa utak ko.

Tumingin ulit ako sa likod ng dinadaanan ko at nang napansin kong wala na siya ay napahinga ako ng maluwag. Mabuti naman at mukhang nilubayan na niya ako.

Binagalan ko na ang paglalakad ko habang hinahabol ko pa ang hininga ko. Kanina pa kasi ako tumatakbo. Napatingin ako sa relo ko at nang nakita kong maaga pa ay napahinga ako ng maluwag.

Pumasok ako sa fast food chain na palagi kong pinupuntahan sa tuwing nagugutom ako. Sobrang aga pa kasi para pumasok kaya mag aagahan muna ako.

Nag order muna ako ng sabaw at kanin bago ako umupo sa isa sa mga upuan. Kinuha ko ang hoodie mula sa ulo ko at inayos ko rin ang buhok ko.

Napatingin ako sa mga libro kong nagkatupi tupi na at ang malala pa ay ang iba sa mga ito ay nabasa pa dahil sa pagkakahulog nito sa semento. Malas talaga tong araw nato.

"Bwiset."

Palihim akong napamura habang tinitingnan ko ang mga ito. Pinakalma ko ang sarili ko at maya maya ay dumating na ang mga inorder ko kaya napangiti ako.

"Salamat po."

Pagpapasalamat ko sa waitress at nginitian naman niya ako saka siya umalis. Kinuha ko ang kutsara at nagsimula na akong kumain dahil gutom na gutom na ako.

Habang kumakain ako ay malimit akong tumitingin sa labas ng bintana na nasa gilid ng kinauupuan ko. Napatingin ako sa paligid at nang napansin kong may pamilyar na babae na nakaupo doon sa bench ay napatigil ako.

Habang ngumunguya ako ay nakatitig lang ako doon. Ilang saglit ay nakilala ko na kung sino siya kaya agad ko siyang iniwasan ng tingin. Nandito na naman pala si Addison.

Bumalik ang galit at poot na kanina ko pa nararamdaman pero hindi ko nalang rin yun pinansin. Sa tingin ko hindi naman niya ako makikita dito. Medyo malayo kasi ang kinauupuan niya mula dito sa kung nasaan ako.

Napatingin ulit ako doon at nakita ko siyang nakaupo parin. Napansin kong parang may hinahanap siya doon sa bag niya kaya nagtaka ako pero hindi ko nalang rin yun pinansin at inubos ko nalang ang kinakain ko saka ako lumabas.

Isinuot ko ulit ang hoodie ko habang nakatingin lang ako sa kanya na tahimik lang na nakaupo. Maya maya ay napansin ko na may humintong tricycle sa tapat niya at pasasakyin sana siya nito pero tumanggi siya.

May hinalungkat ulit siya sa bag niya na para bang may hinahanap kaya napaisip ako. Siguro wala siyang pera para pamasahe kaya nakaupo lang siya doon at hindi siya sumasakay.

Lalampasan ko nalang sana siya pero nang napatingin ulit ako sa kanya ay napansin kong umiiyak na siya habang nakayuko.

Napatitig ako sa kanya saglit pero agad ko rin siyang inalis sa paningin ko. Nakaramdam ako ng awa kaya napagpasyahan kong tulungan siya, pero nang hindi niya alam. Hindi ko siya magagawang pabayaan nalang dito.

Oo galit ako sa kanya, pero lalamunin naman ako ng konsyensya ko kapag may mangyayaring masama sa kanya dito.

Kumuha ako ng isang libo mula sa bulsa ko at tahimik akong dumaan sa gilid ng inuupuan niya. Hindi niya ako napansin dahil nakayuko parin siya habang umiiyak.

Sinadya kong inihulog ang isang libo sa gilid ng inuupuan niya pero hindi niya ito napansin. Siguro napapansin niya rin yun mamaya.

Nilampasan ko na siya at pinigilan ko ang sarili kong lumingon sa kinaroroonan niya. Ayokong nang makita siya ulit. Ayoko nang magbalik siya sa buhay ko dahil alam kong masasaktan lang ulit ako.

____________________________

THORNS OF FLAME (LOVE+WAR SERIES #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon