❂ CHAPTER 25 ❂

20 2 0
                                    

[Addison's POV]

Inirapan ko siya saka ko siya nilayuan. Nakakairita na kasi talaga siya. Sa tingin ko ay nagbabait baitan lang naman yun para mabigyan ko ng dalawang milyon.

Naglakad ako palayo at maya maya ay narinig ko na ang buzzer ng eskwelahan namin kaya napatigil ako. Tapos na pala ang klase. Hindi ako nakapasok dahil sa pesteng Jace na yan. Dinala dala pa ako sa café na nasa labas ng campus para lang hingan ako ng dalawang milyon?

Napailing iling ako at dumeretso nalang ako sa paglalakad. Unti unti nang nagsilabasan ang mga estudyante sa campus nato kaya inayos ko kaagad ang buhok at hoodie na nakatabon sa mukha ko.

Ilang saglit ay naramdaman ko na para bang may sumusunod sa akin kaya napatigil ako. Napalingon ako sa likod at nakita ko si Jace na nakabuntot parin pala sa akin kaya napairap ako. Hindi ba talaga niya ako titigilan?

"Umalis ka na."

Tipid kong utos sa kanya habang iniiba ko ang boses ko. Pinilit ko ang sarili kong itago ang inis ko saka ko siya tiningnan ulit. Napansin kong wala talaga siyang balak na umalis sa kinatatayuan niya kaya uminit ang ulo ko.

"Ang sabi ko umalis ka na!"

Sigaw ko nang punong puno na talaga ako pero tinawanan lang niya ako habang nakatayo parin. Hindi ko nalang rin siya pinansin at dumeretso nalang ako sa paglalakad.

Habang naglalakad ako ay nararamdaman ko paring sunod parin siya ng sunod sa akin kaya napairap na naman ako. Sa tingin ko hindi talaga siya titigil hanggang sa hindi ko siya pinapahiram ng dalawang milyon.

Huminto ulit ako sa paglalakad at humarap ulit ako sa kanya habang tinitingnan siya ng masama pero nginitian lang niya ako.

"Bakit mo ba ako sinusundan?"

Tanong ko habang pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Nakakainis yang lalaking yan.

"Kasi gusto kita. I mean, gusto kitang sundan."

Napairap ako dahil sa sinagot niya at tumalikod nalang ulit ako. Napailing iling ako saka ako tumingin sa paligid para maghanap ng lugar kung saan hindi na niya ako masusundan.

Napatingin ako sa women's toilet at napangiti ako nang palihim. Sigurado akong hindi na didiretso tong Jace nato sa loob.

Pumasok ako doon at tiningnan ko sa likod ko kung nakabuntot parin ba sa akin si Jace. Nang napansin kong wala na siya ay napahinga ako ng maluwag at pumasok na ako sa isang cubicle. Mabuti naman at mukhang tinigilan na talaga niya ako.

Habang nasa loob ako ng cubicle ay narinig kong nagsisigawan ang mga babae dito kaya kumunot ang noo ko. Anong meron? Bakit sila nagsisigawan?

Hindi ko nalang rin pinansin yun at nagpatuloy nalang ako sa ginagawa ko. Nang tapos na ako lumabas na ako ng cubicle saka ko napansin na ako nalang pala ang nandito sa loob ng CR kaya nagtaka ako. Anong——

"Women's comfort room smells better than men's, huh."

Nagulat ako nang nakita ko si Jace na kakalabas lang mula doon sa isang cubicle habang isinasarado pa ang zipper ng pantalon niya. What on earth is he——

"Sana pala dito nalang ako nag CR dati. It's very comfortable here."

Sabi pa niya sabay hinga ng maluwag habang nakatingin parin sa akin na nagtataka parin kung bakit siya nandito.

"Anong ginagawa mo dito? Para sa mga babae lang to!"

Sigaw ko pero tinawanan lang niya ako at inayos niya ang nagulo niyang buhok saka niya ako nilapitan. Anong ginagawa niya? Bakit niya ako nilalapitan?

"It's called gender equality. Hindi lang kayo ang may karapatang gumamit ng malinis at mabangong CR nato."

Napatingin ako sa kanya at napairap ako ng palihim. Gender equality my ass.

"And also, I'm here because I love fooling around you all the time."

____________________________

THORNS OF FLAME (LOVE+WAR SERIES #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon