❂ CHAPTER 71 ❂

8 1 0
                                    

[Addison's POV]

Dahan dahan akong naglakad patungo sa kinauupuan ni daddy habang may bitbit bitbit na duguang sako. Huminga muna ako ng malalim bago ako tumingin kay daddy na na naghihintay lang rin.

Napatingin ako sa sakong dala dala ko na may lamang pugot na ulo. Pugot na ulo ng isa sa mga utusan namin.

Sana ay hindi mahalata ni daddy na hindi ito ulo ni Jace. Sana hindi niya tingnan ang loob ng sakong to dahil kapag gagawin niya yun, malalaman niya na hindi ito ulo ni Jace.

Hindi ko muna yun inisip at dire diretso lang ako sa paglalakad. Kung malalaman niya ang tungkol sa ginawa ko kanina, edi papatayin ko nalang siya para wala na siyang magagawa.

Palihim ko siyang tiningnan ng masama at napahigpit ang pagkakahawak ko sa sakong dala dala ko dahil sa mga kamao kong sabik na sabik na patayin ang taong minanipula at sinira ang buong buhay ko.

Pumikit ako para pakalmahin ang sarili ko. Hindi ko pa siya pwedeng patayin ngayon. Hindi ko pwedeng ipahalata sa kanya ang matinding galit ko kundi hindi lang si Jace ang mawawala sa akin.

Mapapatay ko rin siya, pero hindi pa muna ngayon. At kapag magagawa ko na yun, tatapusin ko na rin ang lahat ng sinimulan niya.

Napahinga ako ng maluwag nang naisip ko yun. Nang napansin kong malapit na ako sa kinauupuan ni daddy ay hinanda ko na ang sarili ko. Huminto ako sa harapan niya at inabot ko sa kanya ang duguang sako na dala dala ko.

"Here, dad. Jace Ralph Javier's head."

Sabi ko habang pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Huminga ako ng malalim habang nasa sako parin ang paningin ko.

"Are you sure that this is his head?"

Paniniguradong tanong niya kaya itinaas ko ang noo ko saka ko siya tinanguan na parang kumpyansang kumpyansa ako sa isasagot ko.

"Yes, dad."

Sagot ko kaya tumango naman siya. Kinuha niya ang sako mula sa kamay ko at tiningnan niya ito ng maigi. Akala ko ay sisilipin niya ang loob nito pero hindi niya yun ginawa kaya napahinga ako ng maluwag.

Inilagay niya yun sa gilid ng kinauupuan niya na para bang nandidiri. Napatingin siya sa mga kamay niya at pinahiran niya ang dugo na nandoon.

"I don't want to smell like a disgusting corpse now.  May bisita ako in a few minutes."

Sabi niya kaya nagtaka ako. Bisita? Sinong bisita?

"Sino pong bisita niyo dad?"

Tanong ko habang nagtataka. Nginisihan lang niya ako na para bang may binabalak kaya kinabahan na ako.

"You will find out later. But first, you must fix yourself. Tingnan mo nga ang sarili mo. Punong puno ng dugo ang damit mo at gulong gulo pa ang buhok mo!"

Singhal niya kaya napairap ako. Tumango nalang rin ako at umakyat na nga ako sa hagdan patungo sa kwarto ko. Naligo ako at nagbihis bago ako lumabas ng kwarto at bumaba sa hagdan.

Mula dito sa hagdanan ay kitang kita ko si daddy na may kausap na mayamang pamilya kaya kumunot ang noo ko dahil sa pagtataka. Sino sila? At bakit ngayon ko lang sila nakita?

Napatingin si daddy sa gawi ko at napangiti siya nang nakita niyang nandito na pala ako.

"Sapphire! My unikaiha! Come here!"

Dahil sa sinabi ni daddy ay bumaba nalang rin ako ng hagdan at lumapit ako sa kanila. Napatingin ako sa isa sa mga bisita niyang kanina pa nakatitig sa akin at tiningnan ko siya ng maigi.

Maputi ang balat niya at may pagka maskulado ang katawan niya. Nakasuot siya ng magarang damit at maayos ang pagkakaayos ng buhok niya. Nasa mga bente singko anyos na siya kaya alam na alam ko ang posibleng sadya niya at ng pamilya niya rito.

Ang pakasalan ako.

____________________________

THORNS OF FLAME (LOVE+WAR SERIES #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon