❂ CHAPTER 4 ❂

45 3 0
                                    

[Addison's POV]

Binuksan ko ang mga mata ko at napansin kong nandito parin pala ako sa loob ng library. Umupo ako sa kinahihigaan ko at tiningnan ko ng maigi ang paligid. Wala pala talagang niisang tumulong sa akin dito. Mga walang kwentang nilalang.

Napairap ako at napatingin ako sa labas ng bintana. Napansin kong gabi na pala kaya naisipan kong tumayo na mula sa kinauupuan ko para makauwi na ako.

Akala ko ay magiging maayos lang ang lahat hanggang sa bumangga ang ulo ko sa balde na punong puno ng itim na pintura na kanina pa nakabitin sa itaas ng kinauupuan ko.

Bumuhos sa akin ang isang baldeng pintura kaya hindi ako nakagalaw dahil dun. Napatingin ako sa damit ko na basang basa na at sobrang dumi na rin saka ako napairap.

Peste talaga yung Jace na yun. Gagantihan ko talaga siya kapag magkaroon lang ako ng pagkakataon. Napairap ulit ako at hindi ko nalang rin pinansin ang dumi ng hitsura ko saka ako umalis sa kinatatayuan ko.

Pumunta ako sa pintuan palabas ng library at bubuksan ko na sana ito pero hindi ito bumubukas. Kumunot ang noo ko at pinihit ko ulit ang doorknob pero ayaw talaga nitong bumukas kaya nasuntok ko ang pintuan dahil sa inis.

Bakit ba nila ginagawa sa akin to? Mga taong walang kwenta! Kung wala lang sana akong pinagtataguan at pinoprotektahan ngayon matagal ko na sana silang napatay!

Napairap ako ng naisip ko yun. Napatingin ulit ako sa paligid ng library nato at napatitig ako sa mga pinintura nilang mga logo ng gang nila ni Jace saka ako napairap ulit.

Pakiramdaman niya ang taas niya kung makatrato siya sa akin. Eh di hamak na mas mataas naman ang posisyon ko kaysa sa kanya bilang isang makapangyarihan na sindikato.

Naisip kong wala na naman sigurong tao dito kaya hinubad ko ang hoodie ko na puno na ng itim na pintura at tinapon ko ito sa malayo. Inalis ko ang nakatabon na buhok sa mukha ko at sinuklay ko rin ito.

Pagkatapos ng ginagawa ko ay napatingin ako sa mga bintana. Napansin kong medyo nabukas yung bintana sa may di kalayuan kaya napahinga ako ng maluwag. Mabuti naman at may pwede pa akong daanan para makauwi.

Lumapit ako sa bintana na yun at inakyat ko ito. Lumabas ako mula doon kaya naging kampante na ako hanggang sa naramdaman kong parang may malamig sa paa ko.

Tumingin ako sa baba at nagulat ako nang napansin kong may isang palanggana na puno ng itim na pintura pala doon kaya napairap ako. Paandar na naman to nung jejemon na mga gangster na yun.

Iiwasan ko sana ang palanggana na yun pero hindi ko sinasadyang mabitawan ang kinakapitan ko kaya bumagsak ako sa palanggana na yun. Nabasa na naman ang damit ko dahil dun sa itim na pintura kaya napairap ulit ako dahil sa inis.

Sobra na to! Wala ba talaga silang balak na tigilan ako? Ang gusto ko lang naman at umuwi na! Letse!

Hindi ko nalang din inalintana ang dumi at ginaw ko saka ako tumayo. Paalis na sana ako pero napansin kong may sobre pang nakapatong doon sa gilid ng palanggana kaya napatigil ako.

Lalapitan ko na sana yun pero napahinto ako nang naisip kong baka patibong na naman yun. Napairap ulit ako at hindi ko nalang rin inisip yun. Pinulot ko ito mula sa sahig at pinakiramdaman ko ang buong paligid pero wala namang nangyaring kakaiba kaya napahinga ako ng maluwag.

Binuksan ko ito at napansin kong sulat pala ang nasa loob kaya napairap ako. Ano na naman bang kalokohan to?

Dear baby girl,

I hope that you had a great day after all you've been through this day. I bet you look horrible and messy right now. Hahaha!

-Black Phyton Leader, Jace.

____________________________

THORNS OF FLAME (LOVE+WAR SERIES #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon