❂ CHAPTER 18 ❂

21 1 0
                                    

[Addison's POV]

Tahimik lang akong naglalakad patungo sa bahay namin. Dahan dahan ako sa bawat hakbang ko dahil sobrang sakit ng buong katawan ko. Binugbog kasi ako ni Jace kaninang umaga at sinakal pa niya ako ngayong hapon.

Mabuti nalang nga at naisipan pa niyang pakawalan ako kundi baka sementeryo na ang inabot ko. Bwiset talaga yang lalaking yan.

Maya maya ay napansin kong nandito na pala ako sa bahay ko kaya napahinto ako. Hindi ko namalayan kanina na malapit na pala ako. Ang dami ko kasing iniisip.

Nang nakita na ako ng guards namin ay dali dali nilang binuksan ang gate para papasukin ako. Dahan dahan akong pumasok at maya maya ay parang may naaamoy pa akong something na mabaho kaya kumunot ang noo ko. Saan nanggaling ang amoy na yun?

Hindi ko nalang rin yun pinansin at nagpatuloy nalang ako sa paglalakad. Habang papalapit ako ng papalapit sa pintuan ng bahay namin ay napansin kong may mga nakahilata na mga patay na tao sa lounge namin kaya tumango tango ako. Kaya pala ang baho.

Dumeretso ako sa loob ng lounge at nakita ko si daddy na nakaupo lang habang naninigarilyo. Napatingin ako sa kamay niya at napansin kong may bitbit bitbit siyang baril.

Bago ako nagtanong kay daddy ay inalis ko muna ang hoodie ko at inayos ko ang buhok ko na nakatabon sa mukha ko.

"What happened here dad? Bakit ang daming patay? Bakit hindi mo pa nililigpit yang mga yan? Ang baho kaya."

Tanong ko kaya napatingin si daddy sa akin at napangiti siya.

"You're here na pala my unikaiha. I killed them all. We gambled together earlier and we bet our lives and then natalo sila kaya ayan. Mamaya ko nalang sila ililibing sa backyard. Mamayang hatinggabi pa naman dadating ang Black Phyton para bayaran ang utang nila."

Nagulat ako dahil sa sinabi ni daddy tungkol sa Black Phyton kaya lumaki ang dalawang mata ko.

"Wait, magbabayad na sila ngayon? Hell no! Gusto ko pa silang pahirapan!"

Sigaw ko kaya napatingin ulit sa akin si daddy at pinakalma niya ako.

"Don't worry, I'm sure that they forgot about the interest. Hindi nila alam ang rule natin kapag may magkakautang sa sugalan natin."

Kalmadong sagot ni daddy kaya kumunot ang noo ko. What is he talking about?

"What interest dad? What rule? Bakit wala akong kaalam alam sa mga ganyan?"

Pagtatakang tanong ko kaya natawa ng mahina si daddy.

"Actually the reason why I killed some of the people that have a debt to us is that they didn't follow our rule. And our rule is that kapag aabot ng isang araw ang utang mo na hindi mo nabayaran ay dodoblehin ko ito. Clever, right?"

Nakangising sagot ni daddy kaya natawa ako. Ang talino talaga ni dad. Quick and easy way to earn money.

"That's actually genius."

Sagot ko kaya napangiti siya. Napatingin ako sa taas ng hagdan patungo sa kwarto ko at naisip ko yung ginawa ko kay Blake kahapon.

"Dad, inayos mo na ang bintana sa kwarto ko?"

Tanong ko at tinanguan naman ako ni dad bago niya tinapon ang sigarilyong nasa bibig niya at sinindihan niya yung isa.

"Yeah. Pati narin si Blake, niligpit ko na. Pinalagay ko siya sa gilid ng kalsada para sabihin ng mga magulang niya na nasagasaan lang siya. I also payed the autopsy workers para hindi mabulgar ang totoong ikinamatay niya. Bakit mo naman kasi siya pinatay? Now I have to find another wealthy man to be your husband."

Parang naiinis na sabi ni daddy kaya natawa ako. Maya maya ay tumunog ang cellphone niya na nakapatong lang sa lamesa kaya kinuha niya ito. May tiningnan siya dito saglit bago siya tumayo mula sa kinauupuan niya.

"Black Phyton is on the way now. Medyo napaaga sila. Get ready, Sapphire."

____________________________

THORNS OF FLAME (LOVE+WAR SERIES #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon