❂ CHAPTER 6 ❂

34 2 0
                                    

[Addison's POV]

Lumapit sina Jace sa gawi namin kaya pinilit kong tinago ang galit at inis na kanina ko pa nararamdamdaman. Dapat kong itago sa kanya na ako yung babaeng pinagtripan nila kanina kaya dapat akong magpanggap na natutuwa habang nakikita siya.

"What's up, señor?"

Nakangiti pa niyang bati kay daddy kaya palihim akong napairap. Hindi ko nalang din sila pinakialamanan at inayos ko nalang ang buhok ko.

"I'm fine iho, as always. By the way, how's your gang now? I heard that you guys did a lot of troubles in this city. You guys really did a great job scaring people."

Natatawa pang sabi ni daddy pero napairap ulit ako. Isa ako sa mga pinagkatuwaan nila kanina kaya syempre galit ako.

"Yeah. That's actually why we came late. May pinagkaabalahan pa kasi kaming gawin."

Sigurado akong ako ang sinasabi niyang pinagkaabalahan nila. Ako lang naman ang last na pinagtripan nila kanina.

Tahimik lang akong nakatayo at maya maya ay napansin kong nakatitig pala sa akin si Jace kaya nagtaka ako. Napalingon ako sa kanya at napangisi siya habang nakatingin sa akin.

"Who is this gorgeous woman right here?"


This rascal.

Hindi manlang niya ako nakilala. Well, mabuti narin yun. Makakaganti na ako sa kanya ng patalikod.

Napatingin sa akin saglit si daddy at ibinaling ulit niya ang atensyon niya kay Jace. Natawa siya habang nakatingin sa kanya kaya nagtaka siya.

"She's Sapphire, my daughter."

Sagot niya kaya napangiti si Jace at napatingin ulit siya sa akin. He smirked at me bago niya kinuha ang kamay ko at hinalikan niya ito.

"It's very nice to meet you, Miss Sapphire."

Nginitian ko nalang din siya saka ako tumango. Binitawan na niya ang kamay ko habang hindi parin niya inaalis ang paningin niya sa akin.

Maya maya ay naramdaman kong may kamay na humawak sa bewang ko kaya napalingon ako para malaman kung sino ito. Nakita ko si Blake na tinitingnan ng masama si Jace kaya palihim akong natawa.

"Watch where you're staring at. Wag mong titigan ng ganyan ang pagmamay ari ng iba kundi baka maging katapusan mo na."

Kitang kita ko ang pagkagulat sa mukha ni Jace kaya natawa na naman ako ng palihim. Napalingon ako kay Blake saka ko siya nginitian ng pagkatamis tamis kaya kitang kita ko kung paano siya napangisi.

"Why? You guys are already together?"

Tanong ni Jace at umiling iling naman si Blake sa kanya.

"No, we're not. But I'm the one who will gonna marry her."

Naging estatwa ang mukha ni Jace pero maya maya ay bigla nalang siyang tumawa kaya nagtaka kami. Bakit siya tumatawa?

"That's so funny. A weakling like you will marry her? Are you serious?"

Natatawang pang aasar ni Jace kaya napairap na naman ako. Kayabangan again.

"Anyways, I would like to say that I also want to marry her. I'm sorry but, I don't think that a weak ass man like you will gonna marr——"

Hindi na pinatapos ni Blake si Jace sa gusto niyang sabihin at sinuntok niya ito sa mukha. Napansin kong galit na galit na talaga si Blake dahil sa sinabi ni Jace pero pinabayaan ko nalang din siya.

"Can't accept the truth huh?"

Natatawang tanong ni Jace habang hawak hawak ang pisngi niya at uumbungan na naman sana siya ng suntok ni Blake pero agad siyang pinigilan ni daddy.

"Don't ever try to make a mess here. Ayokong magkaroon ng nakakasulasok na amoy ng dugo at lamang loob ang bahay ko."

Sabi ni daddy kaya agad namang nagsitigil yung dalawa at pinilit nila ang sarili nilang kumalma. Ang hirap talaga kapag maganda ka. Nagkakagulo ang mga lalakeng nasa paligid mo.

Napatingin ako sa kanilang dalawa at maya maya ay may naisip akong something na exciting kaya napangisi ako. I'm sure that this idea will settle everything.

"You guys really want to own me, right?"

Tanong ko sa kanila kaya agad silang napalingon sa akin. Tahimik nila akong tinanguan kaya napangisi ako.

"Pipili ako ng isa sa inyong dalawa. But this time, we will do it by gambling."

____________________________

THORNS OF FLAME (LOVE+WAR SERIES #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon