❂ CHAPTER 49 ❂

10 3 0
                                    

[Addison's POV]

"You can tell everything to me. I will make you feel better."

Sabi ko kay Jace kaya nagulat siya at napalingon siya sa akin na halatang nagtataka.

"Why are you so different right now? Parang hindi ikaw ang Sapphire na nakilala ng lahat."

Sagot niya na nakakunot parin ang noo kaya natawa ako dahil sa sinabi niya. He's right. Hindi ako ngayon ang Sapphire na nakilala ng lahat.

Ang pagkakakilanlan ng lahat sa akin ko ay ang pagiging makasarili at ang matapang. Kilala rin ako dahil sa bukod sa anak ako ni daddy na isa sa mga pinakamakapangyarihang sindikato sa bansang ito, isa rin ako sa mga pinakamahusay na makipaglaban.

Ito ang unang beses na nakipag usap ako sa isang tao ng masinsinan at walang halong karahasan.

"Why am I so different? I think it's because I'm in love with someone. And they said that if you're in love, you will become a different person."

Sagot ko habang nakangiti. Napangiti narin siya dahil sa sinabi ko at tinanguan niya ako.

"I'm not expecting to hear that words from a mercyless and a fearless woman like you."

Natatawa pang sabi niya kaya tinawanan ko na rin siya. This guy.

"So, who's the lucky man?"

Nawala ang ngiti ko at napatitig ako sa kanya saglit. Nang napansin kong medyo napatagal na ang pagtitig ko ay agad akong umiwas ng tingin.

He is. He is the lucky man.

"He's just like me. Arogante, walang awa, mahilig gumawa ng gulo, at walang sinasamba. I thought that he is just the same from the other guys I've met, but no. He's different. Really different."

Sagot ko habang nakatingin parin ako sa araw na malapit na talagang lumubog. Napalingon ako sa kanya at nakita ko siyang nakangiti lang habang nakatingin sa akin.

"That man is so lucky for winning your heart."

Idiot. That lucky man is you, Jace.

Iniwas ko nalang rin ang tingin ko sa kanya at tumingin ako sa harapan namin. Natahimik kami saglit at maya maya ay napatingin ulit sa sa akin kaya ganun narin ang ako.

"Who's that man that you're talking about, by the way? I want to help you. Basta tutulungan mo rin ako kay Addison."

What the——

"No thanks. He already have someone else right now. May mahal na siyang iba."

Sagot ko habang pinipilit ko ang sarili kong ngumiti. Tumango tango nalang rin siya at nginitian nalang rin niya ako sabay tinapik pa niya ng marahan ang balikat ko.

Ang hirap ng sitwasyon ko ngayon. Sarili ko lang ang karibal ko at sarili ko lang din ang niloloko ko.

"I'm sorry to hear that."

Sabi pa niya saka siya bahagyang ngumiti. Nginitian ko nalang rin siya as a thank you saka ulit ako tumingin sa paligid.

"I know that it's hard loving someone who can't even repay your love. Addison is being numb to me all the time and she really hates me to the point that she will just push me away from her. It hurts, but I have no choice. I can't force her to love me."

But I love you.

Sasabihin ko na sana yun pero pinigilan ko ang sarili ko. Hindi ko pa pwedeng aminin na ako si Addison. Hindi pa niya pwedeng malaman na ako ang babaeng minamahal niya.

Bakit ba ang hirap nito? Sana pala hindi ko nalang siya pinakawalan dati. Sana pala lumipat nalang ako ng academy ng mas maaga para makaiwas ako sa kanya. Sana pala pinatay ko nalang siya diretso para hindi na ako mahihirapan dahil sa nararamdaman ko ngayon.

But it's too late. I can't kill him now.

I already fell in love with him now.

____________________________

THORNS OF FLAME (LOVE+WAR SERIES #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon