❂ CHAPTER 62 ❂

12 2 0
                                    

[Addison's POV]

Bahagya akong natawa dahil sa naging reaksyon niya. Parang hindi talaga siya makapaniwala sa sinabi ko.

"Why? Why me? I don't deserve to be——"

Parang naiiyak na sabi niya kaya niyakap ko siya para pagaanin ang loob niya. Niyakap rin naman niya ako ng mahigpit kaya napangiti ulit ako.

"You deserved to be loved, Jace."

Sagot ko at binitawan ko na siya. Napatingin ulit ako sa kanya na umiiyak parin dahil sa saya at pinahiran ko ang mga luha niya.

"I just can't belive that someone actually loves me. This is the first time that I heard it from someone."

Napatigil ako sa ginagawa ko dahil sa sinabi niya. Nginitian ko siya ulit para pagaanin ang loob niya habang hawak hawak ko parin ang pisngi niya.

Maya maya ay napansin namin na may paparating na kotse sa gawi namin kaya napalingon kami sa likod ng kotse. Tiningnan ko ito na maigi at nang malaman kong si daddy pala ito ay nagulat ako.

"Bwiset. Nasundan tayo ni dad."

Sabi ko kaya nagulat rin si Jace. Agad kaming umayos sa pagkakaupo namin at inayos namin ang seatbelt namin. Pinaharurot ko ulit ng sobrang bilis ang kotse ko at napalingon ako kay Jace na nakatingin kay dad na sinusundan parin kami. 

Ibinalik ko kaagad ang atensyon ko sa minamaneho ko at nang nakita kong mababangga na kami ay nagulat ako. Napapikit ako pero nagulat ako nang biglang iniliko ni Jace ang kotse kaya naiwasan namin ang punong yun.

"Palit tayo ng pwesto."

Tinanguan ko siya at nagpalit nga kami ng pwesto. Siya na ang nasa driver's seat habang ako naman ang nasa tabi niya. Ilang saglit at napansin kong nabasag ang side mirror namin dahil binaril iyon ni daddy kaya nagulat ako.

Napalingon ako sa likod at kinuha ko ang dalawang baril na nasa bulsa ko. Binuksan ko ang bintana at binaril ko rin si daddy mula dito kaya natamaan ko ang salamin ng kotse niya pero hindi yun tumagos sa kanya. 

"Addison stop! Mapapahamak ka niyan!"

Sigaw ni Jace pero hindi ko siya pinakinggan. Kailangan kong patumbahin si daddy dahil sigurado akong hindi niya kami titigilan kapag hindi ko pa siya patutulugin!

Tumayo ako sa kinauupuan ko at inilabas ko ang kalahati ng katawan ko sa bintana. Binaril ko ng binaril ang salamin ng kotse ni daddy pero hindi talaga yun nababasag. Bwiset talaga!

"I said stop it!"

Sigaw ulit ni Jace pero kagaya ng ginawa ko kanina ay hindi ko parin siya pinapansin. Patuloy lang ako sa ginagawa ko hanggang sa naubusan na ng bala ang mga baril ko kaya napamura ako. Itinapon ko ang mga ito palayo saka ulit ako tumingin kay daddy na tinututukan na pala ako ng baril kaya nagulat ako.

Walang pag aalinlangang ipinutok ni daddy ang baril at tumama ang bala nito sa braso ko kaya napapikit ako dahil sa sakit. Bumalik ako sa loob ng kotse at isinarado ko ang bintana.

"I told you to stop! Look what happened to you!"

Sigaw niya pero napairap lang ako at napatingin ako sa sugat ko na dumudugo parin pero hindi ko ito pinansin. Napatingin ako sa dinadaanan namin at napansin kong malapit na kami sa dalampasigan.

Napalingon ako sa likod at nakita ko si daddy na sumusunod parin sa amin. Maya maya ay nakaisip ako ng paraan para hindi na kami matunton ni daddy kaya napangisi ako.

Tumingin ako kay Jace na nagmamaneho parin at umalis ako sa kinauupuan ko saka ako umupo sa mga hita niya. Inalis ko ang mga kamay niya sa manibela at ako ang nagmaneho ng kotse. Nagulat siya dahil sa ginawa ko at sinubukan niya akong paalisin pero hindi ko siya hinayaang gawin yun.

"Hey! What are you doing?!"

Gulat na gulat na tanong niya pero hindi ako sumagot. Napangisi ako nang napansin kong sobrang lapit na namin sa dalampasigan at wala pa doon ang yacht na sasakyan sana namin.

"What are you trying to do?! If you will gonna do this we will die!"

"I don't care!"

Sigaw ko bago ko mas binilisan ang pagpapatakbo ko sa kotse patungo sa pinakagilid ng dalampasigan. Nang nandito na kami ay pinatalon ko ang kotse kaya mas lalo pang nagulat si Jace. Bumagsak ang kotse namin sa dagat at lumubog kami sa tubig.

____________________________

THORNS OF FLAME (LOVE+WAR SERIES #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon