❂ CHAPTER 61 ❂

10 3 0
                                    

[Addison's POV]

Nakasakay ako ng kotse habang katabi ko si Jace na wala paring malay. Tahimik lang akong nagmamaneho at mabagal lang ang pagpapatakbo ko ng kotse dahil malalim na ang gabi. Masukal kasi ang dinadaanan namin patungo sa daungan.

Balak ko ngayong sumakay ng yacht para makalayo na sa lugar nato. Hindi ko hahayaang sasaktan ni daddy si Jace. Ayokong madagdagan pa ang mga hinanakit niya. Wala akong pake kahit na sariling kadugo ko pa ang kakalabanin ko.

Napalingon ako sa kanya at napatingin ako sa mga sugat at galos niya na dumudugo parin. Naisip ko na baka mas lalo pang lalala ang mga sugat niya kapag hindi ko yun gagamutin kaagad kaya itinigil ko muna ang pagmamaneho ko.

Kumuha ako ng mga bondage at gamot mula sa likod ng kotse ko para gamutin ang mga sugat niya. Mabuti nalang at nadala ko ang mga ito. Inalis ko ang seatbelt ko para makalapit ako sa kanya ng maigi. Hinubad ko muna ang fur jacket ko para makagalaw ako ng maayos.

Hinawakan ko ang braso niyang merong malaking sugat at nilagyan ko ito ng alcohol kaya napasigaw siya dahil sa hapdi. Napatingin ako sa kanya na nakapikit parin at agad kong hinawakan ang kamay niya para kahit papaano ay gumaan ang pakiramdaman niya.

"I'm sorry."

Sabi ko at alam kong hindi niya yun narinig dahil hindi parin siya nagigising. Napatingin ulit ako sa sugat niya at binitawan ko muna ang kamay niya para lagyan ito ng bondage.

Habang naglalagay ako ng bondage ay hindi ko ito masyadong idiniin para hindi siya masaktan. Paulit ulit ko ring tinitingnan ang mukha niya para makita ang reaksyon niya.

Nang tapos na ako sa ginagawa ko ay ang mga sugat naman niya sa mukha niya ang ginamot ko. Nilagyan ko ito ng band aid dahil hindi naman masyadong malaki ang mga sugat niya dito.

Maya maya ay tapos na ako sa paggamot sa kanya kaya nilayuan ko na siya. Tiningnan ko muna ng maigi ang katawan niya para malaman kung may iba pa ba siyang sugat pero wala na naman kay ibinalik ko na ang mga gamot at bondage sa likod ng inuupuan namin.

Babalik na sana ako sa pagmamaneho pero nabaling ko ulit ang tingin ko sa kanyang tahimik lang na natutulog. Napatitig ako sa mukha niya at lumapit ulit ako sa kanya para hawakan ang pisngi niya.

"I'm sorry for hurting you and making you suffer like this, Jace."

Sabi ko kahit na alam kong hindi naman siya nakikinig. Nginitian ko siya ng bahagya habang hindi ko parin binibitawan ang pisngi niya.

"I didn't mean to fall for you, but I never regret it."

Patuloy ko at napatingin ako sa labi niya saka ako pumikit. Dahan dahan akong mas lumapit sa kanya at hinalikan ko iyon habang tulog parin siya. Hindi pa naman siguro siya magigising.

Maya maya ay naramdaman kong hinawakan niya ang likod ko kaya agad ko siyang binitawan at nilayuan. Nagulat ako dahil sa ginawa niya at napatingin ako sa kanya na gising na gising na.

"You're awake?"

Gulat na gulat na tanong ko kaya napangiti siya. He chuckled softly bago niya ulit ako hinila palapit sa kaniya.

"Yes bitch, I am."

Sabi niya at siya naman ang humalik sa labi ko. Pinabayaan ko nalang siyang gawin yun at yumakap ako sa leeg niya.

Ilang saglit ay binitawan ko na siya at napatingin ulit ako sa kanya na nakangiti lang habang nakatitig sa akin. Hinawakan ko ulit ang pisngi niya saka ko siya nginitian pabalik.

"I love you."

Dahil sa sinabi ko ay nawala ang ngiti niya at tumulo ang mga luha niya. Tiningnan niya ako na para bang hindi siya makapaniwala sa narinig niya at nginitian ko naman siya. 

"You do?"

____________________________

THORNS OF FLAME (LOVE+WAR SERIES #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon