❂ CHAPTER 42 ❂

17 4 0
                                    

[Addison's POV]

Lumabas na ako ng campus at iniwan ko si Jace doon sa loob. Binuksan na ang pintuan kaninang madaling araw kaya nakalabas na ako ng classroom.

Habang naglalakad ako pauwi ay iniisip ko lang yung mga nangyari kaninang madaling araw. Pilit ko yung tinatanggal sa isip ko pero hindi ko magawa.

Totoo ba talagang mahal ako ni Jace? O sinasabi lang niya yun para pahiramin ko siya ng dalawang milyon?

Tsk. Bakit ko ba iniisip to? Kahit na mahal pa niya ako o pinagtitripan lang niya ako, wala na akong pake doon. May usapan kami ni daddy tungkol kay Jace at kung susuwayin ko yun, paniguradong sa sementeryo ang aabutin ko.

Napairap ako nang naisip ko yun at napalingon ulit ako sa gate ng campus namin. Hindi pa kasi ako nakakalayo dahil mabagal lang ang paglalakad ko. 

Napatitig ako doon saglit habang nasa isip ko parin si Jace. Hindi ko alam kung bakit ko siya iniisip kaya agad kong pinagising ang sarili ko. Hindi ko siya dapat na isipin. Kaaway ko siya. At dapat kaaway lang din ang tingin ko sa kanya.

Kaagad kong ipinikit ang mga mata ko at pilit ko yung inalis sa isip ko. Iniwas ko na ang tingin sa campus at nagpatuloy na ako sa paglalakad palayo. Kailangan kong lumayo. And I guess, kailangan ko naring lumipat ng eskwelahan.

Hindi pwede ang nararamdaman ni Jace para sa akin, kung totoo man yun. Magkaaway kami at may utang siya sa akin na dalawang milyon. Dapat niyang bayaran yun o papatayin ko siya.

Habang naglalakad ako ay napansin kong may mga taong nakatayo sa bandang malayo kaya kumunot ang noo ko. Inangat ko ang paningin ko at nakita ko ang mga kasamahan ni Jace kaya nagtaka ako. Bakit sila nandito ng ganito kaaga? Inaabangan ba nila ako?

"Tingnan niyo oh! Ang babygirl ni boss!"

Sigaw nung isa at nagtawanan naman yung iba kaya napairap ako. Hindi ko nalang rin sila pinansin at didiretso nalang ako sa paglalakad pero napatigil ako nang hinarangan nila ako. Ano bang gusto nila?

"Ang bango mo ngayon ah! Kaparehas kayo ng amoy ni boss! Ano bang ginawa niyo sa loob at naabutan kayo ng madaling araw?"

Napairap ako habang palihim na tinitingnan ng masama ang nagsabi ng lalakeng yun. Hinanda ko ang mga kamao ko at tinikom ko ito. Mukhang mapapalaban ako nito.

"Tigilan niyo ako."

Mahinang sabi ko pero tinawanan lang nila ako. Lumapit sila sa akin at aakbayan na sana nila ako pero agad ko silang sinipa at sinuntok kaya lumayo sila kaagad mula sa akin. Wag nila akong lalapit lapitan!

"At may lakas ng loob ka pa talagang saktan kami? Ha?!"

Sigaw nung isa at uumungan na sana ako ng suntok pero agad ko siyang inunahan at sinuntok ko ang ilong niya. Dahil sa ginawa ko ay nawalan siya ng malay at nagulat ang mga kasamahan niya dahil sa ginawa ko.

"Aba at—— Gaga ka!!"

Nilapitan naman ako ng isa sa kanila at may humawak rin ng magkabilang kamao ko kaya hindi magawang lumaban. Mas lalo pang uminit ang ulo ko at inikot ko ang mga brasong nakahawak sa magkabilang mga kamay ko kaya napasigaw sila dahil sa sakit.

Nang napansin kong kaunti nalang sa kanila ang nakatayo pa ay napangisi ako. Kayang kaya ko to. Sabay sabay nila akong nilapitan kaya agad ko rin silang nilabanan. Sinuntok ko sila sa mga sensitibong parte ng mga katawan nila kaya agad rin naman silang natumba.

Akala ko ay tapos na ang lahat pero nagulat ako nang biglang may humila sa hoodie at buhok ko kaya napalingon ako sa taong nasa likod ko. Nang nakilala na niya ako ay agad niya akong binitawan at tumakbo siya mula sa akin kaya nagulat ako. Hindi siya pwedeng makatakas! Sisirain niya ang plano ko!

Tumakbo rin ako ng mabilis na mabilis para lang maabutan ko siya. Nang malapit na ako sa kanya ay kinuha ko ang backpack ko at buong lakas ko itong ibinato sa kanya kaya natumba siya sa kinatatayuan niya.

Agad ko siyang nilapitan at tinapakan ko ang dibdib niya para hindi na siya makabangon.

"Sasabihin ko kay boss ang tungkol sayo! Hindi mo siya pwedeng——"

Hindi ko na siya pinatapos sa gusto niyang sabihin at tinapakan ko ang ulo niya ng paulit ulit para makasigurado akong mamamatay na talaga siya. Nang tapos na ako ay ibinaba ko ulit ang paningin ko at nakita ko siyang nakadilat pa ang mga mata habang duguan ang ulo kaya napangiti ako.

"Good. Wala nang makakabulgar sa sekreto ko."

____________________________

THORNS OF FLAME (LOVE+WAR SERIES #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon