❂ CHAPTER 68 ❂

6 2 0
                                    

[Jace's POV]

Napansin ko na natahimik ang mga taong nagbabantay sa akin kaya nagtaka ako. Inangat ko ang ulo ko at nakita ko si Mr. Guevarra na may dala dalang remote control kaya kinabahan na ako. Alam ko kung para saan ang remote na yun.

Nginisihan niya ako at maya maya ay nagulat ako nang lumabas rin si Addison mula sa bahay niya na may dala dalang bat na puno ng tinik.

"Addison?"

Napatingin siya sa akin saglit pero agad niya rin akong iniwasan ng tingin. Inirapan niya ako kaya nagtaka ako. Galit ba siya sa akin? Kung ganun, bakit? May nagawa ba ako sa kanya?

"Sapphire anak, alam mo na kung ano ang gagawin mo. Tapusin mo na siya."

Nakangisi paring sabi ni Mr. Guevarra kaya nagtaka ako habang kinakabahan. Anong——

"Yes dad."

Nagulat ako dahil sa sagot niya at parang gumuho ang buong mundo ko. Susunod siya sa utos ng daddy niya? Tatapusin niya ako?

"Anong ibig sabihin nito, Addison?"

Tanong ko pero hindi siya sumagot at inirapan lang ulit niya ako. Maya maya ay may pumasok sa isip ko na siyang naging dahilan ng pagkawala ng lahat ng lakas ko. Ibig sabihin ba nito, pinagplanuhan nilang mag ama ang lahat ng ito?

Napatulala ako at pakiramdam ko ay parang binagsakan ako ng langit. Akala ko ay mahal talaga ako ni Addison. Akala ko pinagtatanggol niya ako mula sa ama niya. Pero hindi pala. Dahil bahagi lang pala yun ng mga plano nila.

Ang sakit. Sobrang sakit.

Hinawakan niya ng mahigpit ang baseball bat na puno ng tinik na siyang armas niya at dahan dahan siyang lumapit sa akin na nakagapos sa poste.

Napapikit ako at pinilit kong palakasin ang loob ko. Hindi ko pwedeng ipakita sa lahat na mahina ako. Ayokong maging mahina sa paningin ng iba.

Tiningnan niya ako ng masama pero nginisihan ko siya para maisip niyang hindi ako natatakot sa kanya. Napatingin siya sa mga kasamahan niya na nasa paligid namin saka niya ako tiningnan ulit.

"Jace Ralph Javier, pumili ka ng isa. Babayaran mo ang dalawang milyong utang mo o papatayin kita ngayon mismo?!"

Tanong niya at napansin ko na parang nag aalinlangan siya. Napatitig ako sa kanya pero nang napansin niya yun agad niya akong inalis sa paningin niya. Umiling ako bago ako sumagot.

"None of the above. I will never pay that debt and I will never die either."

Dahil sa sinabi ko ay mas hinigpitan pa niya ang paghawak sa armas niya at tinutukan niya ako nito kaya napalunok ako.

"Daughter, just kill him already."

Kalmadong sabi ng ama niya na kaya bumalik na naman ang kaba ko. Papatayin na nila ako.

Napatingin ulit ako kay Addison at napatitig ako sa kanya. Ewan ko kung bakit, pero kahit na alam kong niloloko at pinaglalaruan lang niya ako, hindi ko parin siya magawang pagbuntunan ng galit.

Ganito ba talaga kapag nagmamahal ka? Magpapakatanga ka narin?

Ipinikit ko ang mga mata ko saka ako yumuko. Kung mamamatay na talaga ako ngayon, tatanggapin ko. Pero dapat nasa paningin ko si Addison hanggang sa huling hininga ko.

"But dad——"

"I said just kill him already. I know that his life doesn't even worth a million but kill him anyways."

Naibuka ko ulit ang mga mata ko at napatingin ako kay Addison na hawak hawak parin ang armas niya na para nag aalinlangan parin. Nakatingin lang siya sa daddy niya na para bang nagdadalawang isip kung papatayin ba niya ako o hindi.

Maya maya ay mas hinigpitan pa niya ang paghawak sa armas niya at humarap ulit siya sa akin. Napapikit ako habang naghihintay lang kung kailan niya ako hahampasin ng hawak hawak niya.

"I said smash him! Durugin mo siya!"

Sigaw ng ama niya na parang galit na galit na. Maya maya ay naisip kong hahampasin na niya ako nito kaya pinakawalan ko na ang kaunting lakas na natitira sa katawan ko bilang pagtanggap sa kamatayang nag aabang sa akin.

Nag antay ako sa hampas niya pero wala naman siyang ginawa kaya nagtaka ako. Ibinuka ko ulit ang mga mata ko at nakita ko si Addison na nakayuko.


Ibinaba niya ang armas na dala dala niya at napayuko kaya mas lalo pa akong nagtaka. Anong ibig sabihin nito?

"Sorry dad. Hindi ko kaya."

____________________________

THORNS OF FLAME (LOVE+WAR SERIES #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon