❂ CHAPTER 22 ❂

24 2 0
                                    

[Addison's POV]

Nagtaka ako dahil sa ginawa niya pero hindi nalang rin ko umangal. Palihim ko siyang tiningnan ng masama pero hindi niya yun makita dahil sa buhok na nakatabon sa mukha ko. Alam kong may binabalak siya. Sa tingin ko ay sasakalin niya ako mamaya kaya niya hinahawakan ang balikat ko.

"Let's go outside the campus."

Wait, what? Why?

Inangat ko ulit ang paningin ko sa kanya pero laking gulat ko nang bigla nalang niya akong inakbayan. What the hell?!

Aalisin ko na sana ang kamay niya sa mga balikat ko pero pinigilan niya ako at nagsimula na siyang maglakad kaya yun nalang din ang ginagawa ko.

Hindi ko alam kung anong kabulastugan na naman ba ang gagawin niya sa akin pero hindi ko nalang din siya pinakealaman. Hindi naman ako natatakot na bugbugin niya kaya okay lang yun.

Kagaya ng sinabi niya, lumabas kami ng campus habang wala parin akong ideya kung bakit kami lumabas pero sumakay nalang rin ako sa trip niya. Baka dahil niya ako pinalabas sa campus ay pupunta kami sa teritoryo nila at bubugbugin na naman niya ako.

Inangat ko ang paningin ko sa kanya at nakita ko siyang nakangiti pa habang nakaakbay sa akin na mas lalo ko pang ipinagtaka. Bakit siya nakangiti? Bakit parang ang saya saya pa niya?

Hindi ko nalang rin siya pinakealaman at inayos ko nalang ang buhok at ang hoodie ko habang naglalakad para hindi niya makita ang mukha ko. Isinuot ko ang hoodie ko pero nagulat ako nang kinuha niya ito mula sa ulo ko. Aba at——

Hinila ko ulit ang hoodie ko at itinabon ko ulit ito sa mukha kong natatabunan rin ng buhok. Hinawakan ko pa ito ng mahigpit para masigurado kong hindi na niya talaga ito mahihila mula sa ulo ko.

Maya maya ay pumasok kami dito sa isang café kaya mas lalo pa akong nagtaka. Bakit niya ako dinala dito? Dito ba niya ako bubugbugin?

Kumunot ang noo ko at napatingin ulit ako sa kanya na nakangiti parin. Bakit ba siya ngiti ng ngiti?

"Umupo ka muna dito. Oorder lang ako para sayo."

What?

Anong——

Bakit siya mag oorder para sa akin? Para saan? Eh wala naman akong sinabing gawin niya yun ah! Hindi ba niya ako bubugbugin?

Pinaupo niya ako sa upuang sinasabi niya saka siya umalis para mag order daw kaya sumunod nalang rin ako at umupo. Napatingin ako sa kanya na umoorder na nga ng maiinom at tiningnan ko ng maigi kung duduraan o lalagyan ba niya ito ng kung ano pero wala naman kaya nagtaka ulit ako.

Bumalik siya sa inuupuan ko habang may dala dalang dalawang kape kaya kumunot na naman ang noo ko. Para saan to? Anong ginagawa niya? Bakit niya ako binilhan nito?

"Ayan. Let's have a drink first. Masarap ang kape nila dito."

Sabi pa niya at ininom nga niya yung isang baso ng kape habang nakatingin parin ako sa kanya. Naguguluhan na talaga ako. Unang una, bakit niya ako dinala dito para lang painumin ng kape? Pangalawa, bakit parang ang bait bait niya ngayon? May sanib ba to o ano?

"Inumin mo na yan. Lumalamig na oh."

Utos niya habang tinititigan pa ako ng masama kaya sumunod nalang rin ako. Kinuha ko nga yung isang basong kape na inorder niya para sa akin saka ko ito ininom. Napangiti siya habang nakatingin sa akin na umiinom kaya palihim akong napairap.

"Actually, the reason why I brought you here is because I have something to tell you."

Something to tell me? Ano?

Napatingin ako sa kanya at nakita ko sa mukha niyang seryosong seryoso talaga siya kaya kinabahan na ako. Ano bang sasabihin niya at bakit parang ang seryoso niya?

"Go ahead."

Tipid kong sagot para magkaalaman na. Napayuko siya saglit at nang humarap na siya sa akin ay naging seryoso na ulit ang mukha niya kaya nagtataka na talaga ako. Ano ba talagang sasabihin niya?

"Umm. Can you...."

Can I? Can I what?

"Can you..."

What the——

Bakit ba niya pinuputol ang sinasabi niya? Tong lalakeng t——

"Can you lend me two million? Please? I badly need it right now."

____________________________

THORNS OF FLAME (LOVE+WAR SERIES #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon