❂ CHAPTER 56 ❂

13 3 0
                                    

[Jace's POV]

Naglalakad ako sa daan habang pinipigilan ko ang mga luha ko. Hanggang ngayon, sobrang sakit parin kasi. Hindi parin ako makapaniwala sa nalaman ko tungkol kay Addison, na siya rin palang si Sapphire.

I still can't believe that all along, nagpapanggap lang pala siya sa harapan ko. Minsan na nga lang ako mahulog at magmahal, lolokohin pa ako? Minsan na nga lang ako sumusugal, paglalaruan pa ako?

Napahawak ako sa noo ko at pilit ko yung inalis sa isip ko pero hindi ko kaya. Maya maya ay napansin kong nandito na pala ako sa harapan ng bahay namin kaya napahinga ako ng maluwag.

Bubuksan ko na sana ang pintuan pero narinig ko na parang may nabasag na bagay sa loob kaya napatigil ako. Anong nangyayari?

"Wala kang kwenta! Nasaan na ang pera ko! Give me back my money! Minsan nalang nga akong siniswelduhan nilulustay mo pa?!"

"Why do you care? Kasalanan ko ba kung bakit naghirap tayo?! Ako ba ang umampon sa malas at pesteng lalakeng yan dito sa pamamahay natin?! Simula noong dumating yan dito ay wala na namang nangyaring maganda sa atin eh! Malas yang batang yan! Malas!"

Parang may tumusok sa dibdib ko nang narinig ko yun mula mismo sa kinikilala kong ama. Hindi ko nalang itinuloy ang pagpihit ko sa doorknob ng pintuan at lumayo nalang ako kahit hindi ko na alam kung saan ako pupunta.

Naglakad ako ng ilang minuto bago ako nakarating sa sikat na bar dito sa lugar namin. Pumasok ako roon at bumili ako ng isang case ng alak para inumin.

Gusto kong magpakalasing ngayon para naman kahit papaano ay makalimutan ko ang lahat ng mga problema at sama ng loob ko. Ito lang ang naiisip kong paraan para makalimot kahit saglit lang.

"Sir, nine hundred fifty nine po lahat."

Sabi nung bartender kaya agad kong kinapa ang bulsa ko at nalaman kong wala pala akong pera. Tumango nalang rin ako sa bartender at nginitian ko siya.

"Mamaya ko na babayaran."

Nakangiti pang sabi ko kaya tumango nalang rin siya kahit na nag aalinlangan pa siya. Mabuti naman at mukhang naniniwala siya.

Pumuwesto na ako roon sa bandang gitna ng bar nato at sinimulan ko nang inumin ang mga alak na binili ko. Napatingin ako sa mga babaeng sumasayaw sa paligid at tinitigan ko sila ng maigi habang nagbabasakali na may makakakuha ng atensyon ko pero wala.

Inalis ko nalang din ang paningin ko doon at uminom nalang ako ng uminom hanggang sa umikot na ang paningin ko. Ibinagsak ko ang ulo ko sa lamesa habang hindi ko parin binibitawan ang bote ng alak na hawak hawak ko.

"Already dazed, huh?"

Nagulat ako nang narinig ko yun kaya nabalik ako sa katinuan ko. Inangat ko ang paningin ko at nakakita ako ng magandang babaeng nakangiti lang sa akin habang nakaupo sa harapan ng inuupuan ko.

Tinitigan ko siya ng maigi saka ko siya nginisihan. Mukhang nakaswerte ako ngayon ah.

"Hello there, gorgeous."

Sabi ko pa pero tinawanan lang niya ako kaya nagtaka ako. Bakit niya ako tinatawanan?

"Hey jerk, don't flirt with me. I'm your cousin for god's sake!"

Wait, what? Cousin?

Nawala ang ngiti ko at napalitan yun ng pagtataka. May pinsan ba ako? Sa pagkakaalam ko wala akong pinsan.

"I'm Sarah Patterson. You and Altheah Patterson's cousin."

Patterson? Yan ang apilyedo ng bagong asawa ni mama ngayon. Yung pesteng lalaking bumugbog at nanakit sa akin dati noong bata pa ako. Atsaka, Altheah? Siya ang kapatid ko na siyang umagaw sa lahat ng meron ako dati.

Napahawak ako ng mahigpit sa boteng bitbit bitbit ko dahil sa poot at galit. Napatingin na naman ako sa kausap ko ngayon at tiningnan ko siya ng masama.

"Anong kailangan mo sa akin, Sarah Patterson?"

Tanong ko at nginisihan muna niya ako bago siya sumagot.

"Kailangan kita para maging partner in crime ko as a robber and a murderer. I heard, may utang ka pa naman na dalawang milyon sa mga Guevarra kaya kakailanganin mo talaga ang tulong ko."

____________________________

THORNS OF FLAME (LOVE+WAR SERIES #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon