❂ CHAPTER 52 ❂

12 3 0
                                    

[Addison's POV]

"Addison nagawa mo na ba ang assignment natin?!"

Napatingin ako sa pintuan at nakita ko si Carl na hinihingal pa habang naglalakad patungo sa akin. Tinanguan ko lang siya bilang sagot kaya napangiti siya.

"Pakopyahin mo ako please! Nakalimutan kong may assignment pala tayo! Ang tanga tanga ko talaga!"

Sabi niya at umupo siya sa tabi ko habang kinakamot pa ang batok niya. Natawa ako dahil sa kanya at kinuha ko nalang din ang assignment na sinasabi niya.

Ibinigay ko ito sa kanya kaya sobrang sumaya naman yung gago. Nginitian ko nalang rin siya at kinuha na niya ang assignment na hawak hawak ko.

"Thank you Addison! The best ka talaga!"

Natawa ako ng mahina dahil sa sinabi niya. Ewan ko ba sa kanya.

"Isauli mo yan kaagad sa akin. Ayokong bumagsak."

Sabi ko kaya agad naman niya akong tinanguan habang nagniningning pa ang mga mata. Sinimulan na niyang kopyahin ang assignment ko habang tahimik na tahimik parin akong nakaupo.

"Addison Sapphire Guevarra pala ang totoong pangalan mo?"

Malakas na sabi ni Carl kaya nagulat ako. Agad akong lumingon sa kanya at tinabunan ko ang bibig niya kaya nagtaka siya dahil sa ginawa ko.

Bakit niya sinabi ng malakas ang buong pangalan ko? Kapag may nakarinig nun ay mabubulgar ang totoong pagkatao ko!

"Ano ulit yun, Carl?"

Mas lalo pang bumigat ang nararamdam ko nang nalaman kong narinig rin pala yun ni Jace. Hindi. Hindi niya yun pwedeng malaman. Hindi niya pwedeng malaman ang totoong pangalan at pagkatao ko.

"Addison Sapphi——"

Mas hinigpitan ko pa ang pagtatabon sa bibig ni Carl kaya nagtaka siya pero hindi muna ako umimik. Napatingin ako kay Jace na punong puno parin ng pagtataka ang mukha. Maya maya ay nagulat ako nang bigla siyang tumayo at hinablot ang papel ko na hawak hawak ni Carl.

Agad kong binitawan ang bibig ni Carl at babawiin ko na sana ang papel na yun mula sa kanya pero hindi niya ako pinayagang gawin yun.

"Ibigay mo sa akin yan! Hindi mo yan pwedeng makita!"

Sigaw ko at hindi ko sinasadyang maalis sa mukha ko ang buhok at hoodie ko. Napatingin si Jace sa mukha ko at kitang kita ko kung paano siya nagulat.

Napaatras siya ng ilang hakbang kaya agad kong tinabunan ulit ng buhok at hoodie ang mukha ko kahit na alam kong huli na ang lahat. Nalaman na niya kung sino ako.

"Sapphire? Ikaw yan?"

Parang gulat na gulat at hindi makapaniwalang tanong niya kaya dahan dahan rin akong tumingin sa kanya. Lumapit ulit siya sa akin at inalis niya ang buhok at ang hoodie na nakatabon sa mukha ko. Pipigilan ko sana siyang gawin yun pero hindi siya nagpapigil sa akin.

Hinawakan niya ang pisngi ko at tinitigan niya ng maigi ang mukha ko bago niya ako binitawan. Napailing iling siya habang pinipigilan niya ang mga luha niya saka siya lumabas ng classroom.

"Jace, wait!"

Sigaw ko at sinundan ko siya patungo sa labas ng classroom. Nagtaka ang mga kaklase namin at tahimik na tahimik silang lahat habang nanonood pero hindi ko sila pinansin. Hinabol ko rin si Jace sa hallway habang sigaw parin ako ng sigaw para tawagin siya.

Maya maya ay huminto na siya sa kakalayo sa akin kaya napahinga ako ng maluwag. Huminto ako sa harapan ng kinatatayuan niya at napayuko ako.

"I'm sor——"

"Addison, Sapphire, or whatever. All along pinaglalaruan mo lang pala ang nararamdaman ko?"

Tanong niya habang umiiyak kaya naiangat ko ang paningin ko sa kanya. Humakbang ako ng isang hakbang palapit sa kanya pero umatras rin siya ng isang hakbang palayo sa akin.

"Jace, I didn't——"

"May paadvice advice ka pang nalalaman tapos ngayon malalaman na iisang tao lang pala kayo ni Addison? Yung Addison na kinababaliwan at minamahal ko?!"

Napatabon ako sa mukha ko at doon ako umiyak. Ayokong magalit siya sa akin. Ayokong mawala siya sa akin.

"Jace, I'm really sor——"

"Bakit mo ginagawa to? Para palagi mo akong masusundan kahit na saan pa ako pumunta? O para patayin ako dahil hindi pa ako nakakabayad sa utang ko?!"

Bakit niya iniisip yan? Wala akong intensyon na ganun! Mahal ko siya! Yun lang ang intensyon ko!

Umiiyak siya habang nakatingin sa akin pero maya maya ay pilit niyang pinakalma ang sarili niya. Huminga siya ng malalim bago niya ako inalis sa paningin niya na para bang iniiwasan na niya ako.

"Don't worry, magbabayad na ako ng dalawang milyon sa lalong madaling panahon. Yan ay para wala na akong utang sa inyo, at para narin maputol ang kaugnayan natin, Addison Sapphire Guevarra."

____________________________

THORNS OF FLAME (LOVE+WAR SERIES #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon