❂ CHAPTER 33 ❂

23 2 0
                                    

[Addison's POV]

"Punta tayo sa cafeteria!"

Muntik na akong mapatalon dahil sa gulat nang biglang may humawak sa balikat ko. Dali dali ko itong nilingon at nakita ko si Carl na nakangiti pa.

Palihim akong napairap at napatingin ako sa orasan. Kanina pa pala nagbreak time. Kakapasok ko palang kasi at late na late na ako dahil sa kabulastugan ni Jace at ng mga kagrupo niya. Bwiset talaga yang Black Phyton na yan.

Tinanguan ko siya ng bahagya kaya napangiti siya. Hinila pa niya ako patayo kaya no choice na ako kundi ang sumunod sa kanya patungo sa cafeteria.

Habang naglalakad kami patungo sa cafeteria ay nadaanan pa namin ang grupong Black Phyton na nakatayo lang sa hallway. Napatingin ako kay Jace at nang sinalubong niya ang tingin ko ay agad akong umiwas ng tingin.

Hindi nalang din namin sila pinakealaman at dumeretso nalang kami sa cafeteria. Pagpasok namin dun ay naghanap kami ng pwesto at nang nakahanap na kami ay doon kami umupo.

"Dito ka muna ah? Bibili lang ako ng lunch natin. Ano nga palang gusto mong kainin?"

Tanong niya kaya nag isip isip na ako. Maya maya ay napansin kong pumasok narin pala ng cafeteria ang buong miyembro ng Black Phyton kaya agad akong tumayo. Ayokong maiwan dito. Siguradong pagtitripan na naman ako ng mga yan kapag uupo lang ako dito ng tahimik.

"Ako nalang ang bibili. Dito ka lang."

Sabi ko sabay ngiti kaya nginitian narin niya ako. Bumalik siya sa pagkakaupo niya kanina habang ako naman ay palihim na tumitingin sa grupo nina Jace.

"Anong bibilhin mo?"

Tanong ko kay Carl kaya napangiti siya ulit. Nag isip isip siya saglit at maya maya ay hinarap niya ulit ako nang nakangiti parin.

"Gusto ng rice with chicken. Samahan mo na rin ng coke. Gusto ko kasing magpakabusog ngayon."

Sagot niya na natatawa pa kaya tumango nalang rin ako. Umalis na ako at pumila ako doon sa linya. Tahimik lang akong nakapila pero maya maya ay narinig ko ang pangalan ko sa mga babaeng nagchichismisan sa likod ko kaya kumunot ang noo ko. Pinag uusapan ba nila ako?

"Alam niyo na ba yung rumor?"

"Anong rumor?"

"Sila na daw ni Jace Ralph Javier at nung weirdo na babae!"

"Really? For real?!"

Anong—— Aba put—— Anong klaseng kalokohan to?!

Sa sobrang pagkagulat ko ay lumaki ang mga mata ko at napalingon ako sa kanila. Hindi nila ako napansin dahil busy parin sila sa pakikipagchismisam kaya nakinig muna ako ng maigi.

"Talaga?! Totoo?! Crush ko pa naman sana si Jace!"

"Me too! He's my type eh! Yung may pagkabadboy na pogi!"

"Paano niyo nga pala nasabi na sila na ng weirdo na babaeng yun?"

"May nakakita sa kanila na nagdate dun sa café na nasa labas nitong campus."

Napairap ako dahil sa narinig ko at palihim akong napailing iling. Pesteng chismis yan. Mga taong malisyoso at malisyosa naman talaga.

Hindi ko nalang din sila pinansin at nagpatuloy nalang ako sa pagpila. Maya maya ay nakaorder na ako kaya gumaan na ang loob ko. Dinaaanan ko nalang yung mga babaeng pinagchichismisan ako at hindi ko nalang din sila pinansin.

"Kainin mo yan o imumudmod ko yang mukha mo sa sahig?!"

Narinig ko ang pamilyar na sigaw na yun kaya kumunot ang noo ko. Napatingin ako sa pwesto namin ni Carl at nakita ko si Jace na nakatalikod sa akin habang inaapakan ang ulo ni Carl palapit sa sahig na may nagkalat na pagkain.

Napairap ako at napailing iling. Nandito na naman yang mayabang na yan. Kinuha ko ang isang carton ng gatas at binuksan ko ito saka ko ito buong lakas na itinapon sa likod ni Jace kaya nabasa ng gatas ang jacket niya.

Nagulat ang mga tao sa paligid namin dahil sa ginawa ko at napansin ko ring natahimik si Jace. Alam kong gulo na ang kasunod nito.

"I know that you will do this."

Sabi niya habang dahan dahang lumilingon sa akin. Nang nakaharap na siya sa akin ay napansin kong nakangisi pa siya kaya agad ko siyang iniwasan ng tingin. Napairap ako at napatingin ulit ako kay Carl na nakadapa parin sa sahig.

"Kanina ko pa hinihintay na gawin mo to eh. Na pansinin ako."

____________________________

THORNS OF FLAME (LOVE+WAR SERIES #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon