❂ CHAPTER 48 ❂

13 3 0
                                    

[Addison's POV]

Binuksan ng guards ang gate ng bahay namin kaya pumasok narin ako. Nakatulala lang ako habang naglalakad papasok sa bahay namin.

Napatingin ako sa lounge at napansin kong sobrang ingay doon. As usual naman. Siguro may guests na naman si daddy kaya nagpaparty na naman siya.

Hindi ko nalang rin yun pinansin at dumeretso nalang ako sa kwarto ko. Naligo ako at nagbihis saka ko inayos ang mukha at ang buhok ko. Pagkatapos ay lumabas na ako ng kwarto at bumaba na ako sa lounge.

Nang nasa lounge na ako ay magsusugal na sana ako pero nakakita ako ng lalakeng pamilyar na nakaupo lang habang nakayuko sa di kalayuan. Nakatalikod siya pero kitang kita ko parin ang mga tattoo niya sa leeg at sa braso niya kaya nakilala ko siya kaagad. Si Jace.

Napatingin ako sa mga bisita ni daddy at nginitian ko sila saglit saka ko nilapitan si Jace na nakayuko lang doon habang bumubuga parin ng usok mula sa sigarilyo niya.

"Busy?"

Tanong ko kaya napalingon siya sa akin. Akala ko ay sasagot siya pero iniwasan lang niya ako ng tingin at yumuko ulit. I think kailangan niya ng kausap. Parang may pinoproblema siya.

Napatingin ako sa labas ng lounge at naisip ko ang bench na nasa garden namin. Naisip kong pwede kaming mag usap doon kaya tumayo ako mula sa kinauupuan niya.

"Come with me. I think you need someone to talk to."

Sabi ko kaya nagulat siya at inangat niya ang paningin niya sa akin. Unang beses ko kasi tong ginawa. Unang beses akong naging concerned sa nararamdaman ng ibang tao.

"Come with you? Saan tayo——"

Bago pa siya makatapos sa pagsasalita ay hinila ko na siya palabas ng lounge kaya nagulat siya pero pinabayaan nalang rin niya ako. Dinala ko siya doon sa bench kung saan nasa harapan ito ng palubog na araw.

Umupo kaming dalawa dito habang nakaharap doon. Napatingin ako sa kanya at nakita ko siyang parang malalim parin ang iniisip.

"Why did you bring me here? Naalala ko tuloy siya ulit."

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Naalala? Sinong naalala niya?

"Who?"

Napatingin ulit siya sa araw na palubog na at napangiti siya.

"The girl whom I unexpectedly fell in love with. Addison."

Para akong napipi dahil sa narinig ko. Nakatulala pala siya dahil sa akin. Ako pala ang iniisip niya.

"I treated her rudely earlier. And I'm very sorry for that. Dapat hindi ko siya tinrato ng ganun."

Naalala ko ang nangyari kanina at tumango tango nalang rin ako. Sigurado akong tungkol sa nangyari doon sa café ang sinasabi niya. Noong binuhusan niya ako ng mainit na kape sa ulo.

"It's okay."

Nasagot ko yun bigla kaya nagtaka siya at napatingin siya sa akin na puno ng pagtataka. Napaisip ako dahil sa nasabi ko at nagulat ako. Why did I just——

"I mean, I think it's okay for her. I'm sure that she will just forgive you."

Sabi ko habang nakangiti kaya napangiti narin siya. Napatingin ulit siya sa araw na palubog na at tinitigan niya ito ng maigi.

"I hope so. Kilala ko siya. Hindi madali sa kanya ang magpatawad."

Tumango tango nalang rin ako at napatingin rin ako sa araw na tinititigan niya. Maya maya ay naalala ko ang sinabi niya sa akin kanina tungkol sa araw kaya napangiti ako.

"I'm like a sunflower and you're like a sun. I can't bloom without you."

Napalingon ako kay Jace na nakatitig lang doon at napatitig rin ako sa kanya saglit habang nakangiti lang. Hindi niya ako napansin dahil sobrang lalim parin ng iniisip niya.

Iaabot ko na sana ang kamay ko para hawakan siya pero may biglang sumagi sa isip ko kaya napatigil ako. Hindi ko nga pala yun pwedeng gawin. Si Addison lang ang makakahawak sa kanya.

Hindi ako si Addison ngayon. Si Sapphire ako ngayon. At hindi ako na si Sapphire ang babaeng minamahal niya. Si Addison.

____________________________

THORNS OF FLAME (LOVE+WAR SERIES #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon