❂ CHAPTER 98 ❂

11 1 0
                                    

[Addison's POV]

Nakangiti lang ako habang palabas ng building. Hindi ako makapaniwala na nagkaayos na kami ni Jace. After years, nagkausap na ulit kami.

Lalabas na sana ako ng tuluyan pero napansin kong umuulan pala kaya napatigil ako. Kukunin ko na sana ang payong na nasa bag ko pero nagulat ako nang biglang may humintong kotse sa harapan ng kinatatayuan ko.

Kumunot ang noo ko dahil sa pagtataka. Kung sino man to, bakit niya ako hinintuan?

"Addison, sumakay ka na dito. Sobrang lakas ng ulan oh."

Inangat ko ang paningin ko nang narinig ko ang pamilyar na boses na yun. Nakita ko si Jace na nakangiti pa kaya napangiti ako. Siya pala.

"Hindi na. Malapit lang nama——"

"Tsk. Pahindi hindi ka pa pero alam kong gusto mo rin naman."

Nakangising sabi niya kaya napairap ako. Ilang taon na ang nagdaan, pero hindi parin nawawala ang kapilyuhan niya.

"Fine."

Sagot sa kanya habang nakataas ang kilay kaya napangiti siya. Binuksan ko ang pintuan ng kotse niya at umupo ako sa tabi niya. Napatingin ako sa kanya at nakita ko siyang nakatitig sa akin kaya natawa ako.

"What are you staring at?"

Natatawa kong tanong pero tinawanan lang niya ako at nagsimula na siyang magmaneho.

"Nothing. I just noticed that you didn't changed at all. You're still the Addison that I met many years ago."

Napangiti ako at iniwasan ko na siya ng tingin. This guy.

Ilang minuto kaming tahimik na tahimik habang nakatingin lang sa labas ng bintana. Wala kasing niisa sa amin ang nagsimulang magsalita. Siguro ay dahil wala kaming pwedeng pag usapan.

"Have you remembered that time na kinuha mo ako mula doon sa basurahan at pinasakay mo ako sa kotse mo?"

Binasag ni Jace ang katahimikan kaya napalingon ako sa kanya. Inalala ko ng mabuti ang sinasabi niya at tumango ako habang nakangiti.

"Yeah. Why?"

Tanong ko at natawa siya ng mahina kaya nagtaka ako. Why is he laughing again this time?

"Do you know that I can file you a case because of what you did that time? Hinalikan mo ako noon kahit na tulog ako! That's a harassment!"

Natawa ako dahil sa sinabi niya ganun narin siya. Napailing iling ako dahil sa kalokohan niya. Tong lalakeng to talaga.

"But to be honest, that was the best ride I've ever had. I'm just disapponted that we didn't have enough time for you to ride me."

What did he——

This pervert!

Napalingon ako sa kanya at buong lakas kong sinuntok ang braso niya kaya natawa siya. Tong bastos na hinayupak nato!

"Manyakis ka! Eh kung kasuhan kaya kita dahil sa mga sinasabi mo?! Ha?! Abogado ka na nga ngayon pero napakamanyakis mo pari——"

Magsasalita pa sana ako pero nagulat ako nang biglang inihinto ni Jace ang kotse at hinalikan niya ang labi ko na walang pag aalinlangan. Lumaki ang mga mata ko dahil sa ginawa niya pero ilang saglit ay pumikit nalang rin ako.

Maya maya ay binitawan na niya ako at hinawakan niya ang pisngi ko. Nginitian niya ako kaya ganun na rin ang ginawa ko.

Napaisip ako dahil sa ginawa niya. Hindi naman niya siguro yun gagawin kung hindi na niya ako mahal.

But still, I still have things I need to clarify. Time passed by, and everything changed. And because of that, there is a possibility that his feelings for me also changed.

"Jace, be honest. Do you still love me? If I will give you a chance, would you court me to become your girlfriend?"

Tanong ko pero umiling iling siya. Nawala ang ngiti ko at napalitan yun ng pagkadismaya. What? Then why——

"I don't like you to be my girlfriend."

Napatulala ako dahil sa sinabi niya. Is that really true?

"Why? May mali ba sa akin? May nagawa pa ba akong mali maliban nung iniwan kita? Tell me."

Mahinahon na tanong ko pero nginitian lang niya ako sabay pinisil ng marahan ang pisngi ko.

"I'm a straight forward person. I don't want you to be my girlfriend because I want you to be my wife already. Let's get married right away."

____________________________

THORNS OF FLAME (LOVE+WAR SERIES #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon