❂ CHAPTER 15 ❂

23 1 0
                                    

[Addison's POV]

Tahimik lang akong naglalakad habang hinihila parin ng classmate namin ang braso ko. Hindi nalang din ako nagsalita ng kung ano at sumunod nalang ako sa kanya papuntang clinic.

Maya maya ay nakarating na kami roon pero napansin naming sarado ito kaya napatigil kami. Napatingin ako sa kanya na para bang iritado habang kinakamot pa ang batok niya.

"Hindi pala bukas ang clinic ngayon. Si prof kasi ang na asign na magbabantay dito dati kaso nga lang nagresign na siya."

Sabi niya habang nakatingin sa akin kaya tumango nalang rin ako bilang sagot. Tumingin ulit ako sa malayo para maiwasan ang tingin niya.

"Wait lang ah, kukunin ko muna yung bag ko na nasa classroom. May first aid kit kasi ako doon kaya yun nalang ang gagamitin ko."

Nakangiting sabi niya kaya tumango na naman ako. Nginitian niya ako saglit bago niya binitawan ang braso ko at bumalik siya sa dinaanan namin kanina para kunin sa classroom ang bag niya.

Nag antay ako ng ilang segundo bago siya nakabalik. Nang nakabalik na siya ay nginitian na naman niya ako at hinawakan niya ulit ang braso ko.

"Tara, doon nalang kita gagamutin sa court. Walang tao ngayon doon kasi class hours pa naman. Wala kasing ibang lugar dito sa campus na pwedeng doon tayo magstay kasi syempre class hours pa."

Napatingin ako saglit sa kanya at tinanguan ko lang siya bago kami umalis. Hindi ko alam kung bakit ang bait bait niya sa akin pero pinabayaan ko nalang rin siya sa ginagawa niya. Siguro naman kasi matulungin lang talaga siya.

Naglakad kami ng ilang minuto bago kami nakarating sa court. Pinaupo niya muna ako sa bleachers bago niya binuksan ang bag niya at may hinalungkat siya rito. Maya maya ay kumuha siya ng bulak at alcohol pati narin ng band aid mula sa loob.

"Buti nalang nadala ko tong mga to. Pwede bang alisin mo muna yang buhok at hoodie mo sa mukha mo? Gagamutin ko lang ang sugat mo sa noo."

Inangat ko ang paningin ko sa kanya at nagsimula na akong kabahan. Baka kasi makilala niya ako kapag makita niya ang mukha ko. Tapos malalagay pa ako sa alanganin kapag mangyayari yun.

"Kilala mo ba si Sapphire?"

Paninigurado kong tanong. Baka kasi kilala niya ang secret identity ko na kumakalat na sa campus nato. Napatingin ulit ako sa kanya at nakita ko siyang nakakunot ang noo.

"Hindi eh. Sorry. Bakit?"

Napahinga ako ng maluwag dahil sa sagot niya. Mabuti naman. Pwede ko palang ipakita ang mukha ko sa kanya.

"Wala. Tinatanong ko lang."

Sagot ko kaya napangiti siya at tumango tango nalang din siya.

"By the way nga pala, muntik ko nang makalimutang sabihin ang pangalan ko. Ako nga pala si Carl Juarez. Ikaw?"

Pagpapakilala niya kaya napatingin ulit ako sa kanya na nakangiti lang habang hawak hawak parin ang alcohol at bulak.

"Addison Guevarra."

Tipid na sagot ko kaya napangiti siya. Yumuko ulit ako saka niya ako nilapitan at tiningnan ng maigi ang mukha ko.

"Pwede bang alisin ko muna ang buhok mo sa mukha mo? Promise, ibabalik ko pagkatapos."

Nakangiting sabi niya kaya napaisip ako. Pwede ko naman sigurong ipakita sa kanya ang mukha ko dahil unang una, hindi naman niya kilala at hindi nga siya pamilyar sa pangalan ko na Sapphire. At pangalawa, sa tingin ko ay mabait naman siya at kaya naman siguro niyang magtago ng sekreto kung sakaling malalaman niya.

Tinanguan ko nalang siya kaya napangiti siya ulit. Dahan dahan kong inangat ang mga kamay ko at tinanggal ko ang hoodie ko saka ko hinawi ang buhok ko.

Pagkatapos ay napatingin ulit ako sa kanya na nakanganga na para bang hindi makapaniwala aa nakita niya.

"Ito ang mukha ko. Ikaw ang pinakaunang tao dito sa campus na nakakita nito."

____________________________

THORNS OF FLAME (LOVE+WAR SERIES #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon