❂ CHAPTER 39 ❂

20 2 0
                                    

[Addison's POV]

What the heck did he just said? He loves me? Anong kabulastugan na naman ba to? Aba at——

Napatingin ulit ako sa kanya at nakita ko siyang sobrang seryosong nakatitig sa akin. Ako nalang mismo ang umiwas ng tingin dahil naiilang ako sa titig na iyon.

"Hindi ka manlang ba magsasalita?"

Tanong niya na siyang bumasag sa katahimikan naming dalawa. Napatingin ako sa pintuan at naisipan kong lumabas nalang kaya agad akong nagpumiglas mula sa kanya pero hindi ko yun magawa. Mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahawak niya sa magkabilang balikat ko kaya napairap ako.

"Hey, I just confessed to you! Hindi mo manlang ba ako papansinin?"

Napatingin ulit ako sa kanya na parang seryosong seryoso talaga at tinitigan ko siya saglit. Hindi ko alam kung paano siya papansin o kung ano ang sasabihin ko. Hindi ko inaasahan na yan pala aaminin niya.

Napairap na naman ako at tumingin ulit ako sa malayo. Bullshit. Hindi siya dapat magkagusto sa akin. Magkaaway kami. At hanggang dun lang kami.

"Bakit kasi ngayon mo lang sinabi yan?"

Tsk. I should've stayed away from him bago pa niya naramdaman yan.

"Because I know that you will reject me! I'm afraid of being rejected!"

Napatingin ulit ako sa kanya saka ako napatingin ng palihim sa pintuan. Gusto ko nang lumabas dito. Hindi ako sanay na makipag usap tungkol sa mga bagay nato.

"Hindi mo ba talaga yun nahahalata dati?"

Tanong niya kaya umiling iling ako. Wala akong nahahalata sa kanya dati. Siguro ay dahil wala lang talaga akong pake sa kanya.

"How numb. Araw araw kong pinaparamdam yun sayo pero wala lang yun para sayo?"

Parang nasasaktan niyang sabi saka niya ako binitawan. Unti unti siyang umatras sa akin at iniwasan niya ako ng tingin saka siya umupo doon sa lamesa. Napahinga ako ng maluwag dahil sa ginawa niya at napatingin ulit ako sa pintuan.

"Aalis na ako."

Tipid na sabi ko at tinanguan naman niya ako. Lumapit ako sa pintuan at aalis na nga sana ako pero napatigil ako nang napansin kong may kakaiba kay Jace ngayon. Kumunot ang noo ko at ibinaling ko ulit ang tingin ko sa kanya.

Napatingin ako sa kanya at nakita ko siyang palihim na umiiyak. Kumunot ang noo ko at parang hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Umiiyak ba talaga siya? Ngayon ko lang siya nakitang umiiyak.

"Go ahead. Leave. Don't mind me."

Sabi pa niya habang iniiwasan ako ng tingin. Hindi ko nalang din siya pinansin at bubuksan ko na sana ang pintuan pero nagtaka ako kung bakit hindi ko maikot ang doorknob nito. What the——

Kumunot ang noo ko at bubuksan ko na sana ulit ito pero hindi ko talaga yun magawa. Nilock ba to sa labas?

Napalingon ulit ako kay Jace na nakatulala parin at naisipan kong tawagin siya pero hindi ko yun ginawa. Ako nalang mismo ang pilit na nagbukas nito pero ayaw talaga nitong bumukas kaya nasuntok ko ang pintuan dahil sa inis. Bwiset!

"What's happening?"

Tanong niya habang nakayuko parin. Agad ko siyang inalis sa paningin ko at sinubukan ko ulit na buksan ang pintuan pero ayaw talaga.

"We're locked."

Sabi ko kaya agad niyang inangat ang paningin niya na para bang gulat na gulat. Tumayo at lumapit siya sa kinatatayuan ko kaya agad akong lumayo. Ayokong lalapit lapitan niya ako.

Pinihit niya ang doorknob pero hindi talaga ito bumubukas kaya sinipa na niya ito. Akala ko ay masisira ang pintuan dahil sa pagsipa niya pero sobrang tibay pala nito kaya hindi niya yun nagawa.

"I guess, dito muna tayo hanggang umaga."

Sabi niya habang iniiwasan ako ng tingin kaya nagulat ako. Siya? Makakasama ko dito? Anong kalokohan to?

"What?!"

____________________________

THORNS OF FLAME (LOVE+WAR SERIES #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon