❂ CHAPTER 14 ❂

21 1 0
                                    

[Addison's POV]

"Luh anong nangyari sa kanya?"

"Bakit ganyan ang mukha niya?"

"May bumugbog ba sa kanya?"

Marinig kong pinagbubulungan na ako ng mga kaklase ko habang papasok ako ng classroom. Hindi ko nalang rin sila pinansin at patuloy lang ako sa paglalakad patungo sa upuan ko.

Nakasunod lang sa akin sina Jace at ang mga kasamahan niya pero hindi ko sila nililingon. Wala akong pake sa kanila dahil ang mahalaga pa ra sa akin ay pinalabas na nila ako sa teritoryo nila. Natakot kasi si Jace sa sinabi kong sisirain ko ang reputasyon niya bilang leader ng isang sikat na gang kaya pinalabas nalang niya ako.

Umupo ako sa upuan ko at ganun rin naman ang ginawa nila ni Jace. Umupo sila sa likod ng kinauupuan ko habang nagtatawanan at nagmumurahan pa. As always naman.

Kanina pa tahimik ang buong classroom at walang niisang naglakas loob na lakasan ang mga boses nila dahil sa pagdating ng gang na Black Phyton. Sila kasi ang kinatatakutan ng lahat ng mga estudyante at maging ng mga guro sa eskwelahan nato kaya ganun talaga. Ako lang siguro ang niisang tao sa campus nato na hindi natatakot sa kanila.

Maya maya ay napansin kong hindi ako nalate ngayon kaya kumunot ang noo ko. Araw araw kasi akong nalelate kaya medyo nasanay na ako roon. Napatingin ako sa orasan ko at nakita kong alas nuwebe na sa umaga kaya nagtaka ulit ako. Bakit wala pa si prof?

"Kawawa talaga si ser no. Nagquit siya sa trabaho niya dahil sa atin. Hahaha!"

"Mabuti nga yun para wala na tayong prof na panira at boring magturo!"

Narinig ko ang pinag uusapan ng mga kaklase ko kaya tumango tango ako. Ganun pala. Mabuti naman at naisipan ni prof na magquit.

Tahimik lang akong nakaupo pero maya maya ay naramdaman ko na parang may bumato sa akin mula sa likod kaya napalingon ako roon. Nakita ko sila ni Jace at ang mga kasamahan niya na may bitbit bitbit na mga kinusot na papel kaya palihim akong napairap.

Hindi ko nalang sila pinakealaman at bumalik nalang ako sa pagkakaharap sa board. Maya maya ay  naramdaman kong pinagbabato na nila ako ng papel pero hindi ko nalang yun pinansin. Tinabunan ko nalang ng maayos ang mukha ko gamit ang buhok at hoodie ko.

Hindi pa siguro sila nakontento kaya dinuraan pa nila ako at pinaghahampas nila ako ng kung ano ano mula sa likod. Hindi ko nalang ulit sila pinakealaman at diretso parin akong nakatitig sa board.

Akala ko ay titigilan nalang nila ako kapag hindi ko sila papakealaman pero hindi pala. Tuloy tuloy lang sila sa ginagawa nila kaya nawawalan na talaga ako ng pasensya.

Napalingon ako sa mga tao sa likod at timing naman na sumalpak sa mukha ko ang bakal na pencil case na ibinato nila. Naramdaman kong sobrang sakit na ng noo ko at napahawak ako rito kaya nagtawanan naman silang lahat.

"Tama na nga yan!"

Natahimik silang lahat at napatigil sila sa kakatawa at kakamura nila. Napatingin ako sa kung sino ang sumigaw nun at nakita ko ang isa sa mga classmate namin na nakatayo sa harapan kaya nagulat ako.

"Tigilan niyo na si Ms. Guevarra."

Utos nito sa kanila pero sa halip na sumunod sila ay  nagtawanan ulit silang lahat. Hindi yun inalintana ng classmate namin at nilapitan niya ako.

Hahawakan na sana niya ang braso ko pero hinila siya ni Jace palayo sa akin kaya napatigil siya. Tiningnan siya ng masama ni Jace pero hindi siya nagpatinag sa kanya at tuloy tuloy lang sila sa paglapit sa akin saka niya tuluyang hinawakan ang braso ko.

"Saan mo siya dadalhin?"

Parang galit na galit na tanong ni Jace sa classmate ko na siyang nakahawak sa braso ko ngayon kaya napalingon ulit kami sa kanya.

"Sa clinic."

Tipid na sagot ng classmate ko na hindi ko kilala kaya tumahimik nalang rin ako. Napatingin ulit ako kay Jace na nakatitig lang sa akin at agad ko siyang inalis sa paningin ko.

Natahimik siya saglit habang nakatitig parin sa akin pero maya maya ay tinigilan na niya ang kakatitig niya kaya napahinga ako ng maluwag.

"Sige. Pero magtutuos tayo mamaya. Tandaan mo yan."

____________________________

THORNS OF FLAME (LOVE+WAR SERIES #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon