❂ CHAPTER 47 ❂

10 2 0
                                    

[Addison's POV]

"By the way, breaktime na ngayon diba? Pwede ba tayong lumabas ng campus? Kumain tayo doon sa café na pinuntahan natin dati."

Napalingon ako sa kanya at nakita ko siyang nginingitian pa ako para pumayag ako. Nag isip isip pa ako saglit saka ko siya tinanguan.

"Sige."

Tipid na sagot ko kaya tumayo na siya sa kinatatayuan niya at hinila niya rin ako patayo. Naglakad kami palabas ng campus habang nakayuko parin ako.

Nang nasa labas na kami ng campus ay saka pa niya ako inakbayan. Napalingon ako sa kanya at nginitian niya ako ng bahagya pero agad kong inalis sa kanya ang paningin ko. Alam ko kung bakit ngayon lang niya ako inakbayan.

Mas importante pa sa kanya ang image niya dito sa campus kaysa sa sinasabi niyang pagmamahal niya sa akin. Pero ano bang pake ko? Ayos lang naman sa akin yun. Hindi ko naman siya mahal.

Sana nga, hindi pagmamahal tong nararamdam ko.


Palihim akong lumingon sa kanya at napatingin ako sa mga tattoo niya sa leeg. Tinitigan ko ito ng maigi at nakakita ako ng peklat dito na natatabunan ng itim na tinta.

Nang napansin niyang nakatingin lang ako sa kanya ay napalingon siya sa akin kaya agad rin akong umiwas ng tingin. Natawa siya ng mahina dahil sa ginawa ko at hinila niya ako para mas mapalapit pa sa kanya.

"We're here."

Nakangiti paring sabi niya saka niya binuksan ang pintuan ng café nato. Tumingin ako sa paligid at nang nakita kong wala gaanong tao dito ay napahinga ako ng maluwag.

Ayokong pagchichismisan na naman ako ng mga malisyosang schoolmates ko kagaya ng nangyari noong ilang araw. Hanggang ngayon ay kalat na kalay parin ang rumor tungkol sa amin si Jace at siguro ay hindi pa niya ang alam ang tungkol doon. Dahil alam kong kapag malalaman niya yun, lalayuan na niya ako dahil mapapahiya siya.

"Umupo ka doon sa bandang gilid."

Sabi niya habang nakaturo doon sa isang upuan kaya tinanguan ko naman siya. Nilapitan ko ang pwestong yun at doon nga ako umupo habang nag oorder pa si Jace ng maiinom namin.

Naghintay ako saglit at maya maya ay dumating na siya dala dala ang mga kape namin kaya umayos na ako sa pagkakaupo. Umupo siya sa harapan ng kinauupuan ko saka niya ako nginitian.

"Eto oh."

Sabi niya at inihapag na niya sa harapan ko ang isa sa mga basong dala dala niya. Tinanguan ko lang siya ng bahagya saka ko ito kinuha. Iinumin ko na sana ito pero nagulat ako nang inayos ni Jace ang hoodie ko. Itinabon niya ito sa mukha ko kaya napatigil ako sa ginagawa ko.

"Nakikita ang mukha mo. Ayaw mong ipakita sa ibang tao ang mukha mo diba?"

Nakangiting sabi niya at uminom narin siya ng kape. Yun nalang din ang ginawa ko at humigop nalang ako ng kapeng ibinigay niya sa akin.

Ilang minuto kaming hindi nagsasalita at tahimik na tahimik pero maya maya ay biglang may pumasok na grupo sa loob ng café nato. Napatingin ako sa banda roon at napag alaman kong ang mga kasamahan pala yun ni Jace.

Lumapit ang mga ito sa amin kaya napatigil rin si Jace sa ginagawa niya at inangat niya ang paningin niya. Kitang kita ko kung paano siya nagulat nang nakita niya ang mga kasamahan niya. Alam ko ang gagawin niya. Didistansya na naman siya sa akin.

"Boss, ganitong babae pala ang mga type mo? Hahaha! Wala ka palang taste boss?"

Natatawa pang sabi nung isa sa kanya kaya napatayo kaagad si Jace mula sa kinauupuan niya. Naghintay ako kung anong gagawin niya at maya maya ay naramdaman kong may mainit siyang ibinuhos sa ulo ko kaya napayuko ako.

Alam ko ang ginagawa ni Jace. Binubuhusan niya ng kape ang ulo ko para sabihin ng mga kasamahan niya na pinagkakatuwaan lang niya ako.

Pagkatapos ng ginagawa niya ay nagtawanan silang lahat kaya napairap ako. Napatingin ako sa buhok kong basang basa na ng kape pero hindi ko nalang rin ito pinansin.

"Epic yun boss ah! Angas mo talaga! Hahaha!"

Sigaw nung isa sa mga kasamahan niya kaya napairap na naman ako. Hindi ko nalang rin sila pinansin at hindi nalang rin ako kumibo sa kinauupuan ko.

____________________________

THORNS OF FLAME (LOVE+WAR SERIES #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon