❂ CHAPTER 70 ❂

10 1 0
                                    

[Addison's POV]

Napaiyak ulit ako at napaluhod ako sa semento. Hindi. Hindi ko siya kayang patayin. Mahal na mahal ko siya.

Inangat ko ang paningin ko at nakita ko si daddy na papalayo na at papasok na sa lounge ng bahay namin. Napapikit ako saglit saka ko ulit tiningnan si Jace na nakatitig lang din sa akin.

"Are you alright?"

Tanong niya kaya umiling ako. No, I'm not okay. Tumayo ako mula sa pagkakaluhod ko at lumapit ako sa kanya.

"You should kill me within this day. I preferred to be killed by you than to be killed by your dad."

Sabi niya habang nakangiti pero alam kong pinipilit lang niyang gawin yun para hindi ako mag alala. Napayuko ulit ako at mas hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa armas ko.

Napatingin ako sa paligid at nakita ko ang mga taong nakabantay sa amin ngayon. Tiningnan ko sila isa isa at napaisip ako. May balak ako.

"Kayong lahat, magsialisan sayo. Maliban sayo."

Utos ko at itinuro ko ang daliri ko doon sa isang utusan namin na lalaki. Nagtaka silang lahat dahil sa utos ko pero sumunod nalang rin sila. Umalis na sila sa paligid namin kaya alam kong kaming tatlo nalang ni Jace at ng isang utusan namin.

"Lumapit ka dito."

Utos ko doon sa utusan namin at lumapit naman ito. Nang nakalapit na siya sa akin ay yumuko siya bilang paggalang pero hindi ko siya pinansin.

Kumuha ako ng matalim at mahaba na kutsilyo mula sa bulsa ko at itinutok ko ito kay Jace kaya napalunok siya. Kahit na alam kong kinakabahan na siya ay pilit parin niya akong nginitian na para bang tanggap na niya ang gagawin ko sa kanya.

"Go ahead. It's okay, Addison."

Sabi niya pero hindi ko siya pinansin. Humugot ako ng lakas para gawin ang dapat kong gawin kaya pumikit narin siya.

Pinutol ko ang mga lubid na nakatali sa kanya pati narin ang mga torture devices na nasa katawan niya. Pagkatapos kong gawin yun ay saka ko buong lakas na pinutol ang ulo ng isa sa mga utusan namin na tahimik lang na nakatayo. Tumalsik sa damit ko ang dugo niya pero hindi ko ito pinansin habang kalmadong kalmado lang akong nakatayo.

Binuksan ni Jace ang mga mata niya at nagulat siya nang nakita niya ang ginawa ko. Napatingin kaming dalawa sa lalaking pinugutan ko ng ulo na unti unti nang natutumba sa lupa.

"Addison, anong ginawa mo?!"

Gulat na gulat na tanong niya kaya napalingon ako sa kanya. Lumapit ulit ako sa kanya at tinanggal ko ang mga natitirang torture devices at lubid na nasa katawan niya.

Kahit na nagtataka pa siya dahil sa ginagawa ko ay hinayaan lang niya ako sa ginagawa ko. Maya maya ay inilapit ko ang mukha ko sa kanya at inilapat ko ang labi ko sa labi niya habang nakapikit. Nagulat siya sa ginawa ko pero hinayaan nalang rin niya ako at pumikit narin siya saka niya hinawakan niya ang likod ko.

Ito na ang huling beses na magagawa ko to. Dahil pagkatapos nito, papakawalan ko na siya.

Maya maya ay binitawan ko na siya at tiningnan ko siya na para bang walang nangyari. Nagtaka siya dahil sa ginawa ko pero agad ko siyang binitawan at iniwasan ng tingin.

"Leave."

Malamig na sabi ko habang malayo parin sa kanya ang paningin ko. Alam kong nagulat at naguguluhan siya dahil sa sinabi ko pero hindi ko parin siya tinitingnan.

"What? No! Hindi kita iiwanan dito! Paano kung sasaktan ka ng dad——"

"Don't worry about me. Just leave."

Pinutol ko ang gusto niyang sabihin habang hindi ko parin nililipat sa kanya ang paningin ko. Napatingin ako sa ulong pinutol ko at napahinga ako ng maluwag. Pagkatapos ng araw nato, matatapos narin ang lahat ng gulong sinimulan ko.

"Addison's please——"

"I said leave! I'm doing this for you!"

Sigaw ko at napatingin ako sa kanya kaya saka ko lang din napansin na umiiyak na pala siya. Tutulo narin sana ang mga luha ko pero agad ko yung pinigilan.

"Please just leave for now, my sunflower. Don't worry about me. Even if you can't see me, I will still shine my light on you."

Sabi ko habang pinipilit kong wag patuluin ang mga luha ko. Inangat ko ang paningin ko sa kanya at hinawakan ko ang pisngi niya.

"Please don't do this. You are my sun. You're my only source of strength."

Umiling ako at binitawan ko na ang pisngi niya. Hindi nalang rin ako sumagot at ako na mismo ang humila sa kanya palabas ng gate ng mansyon namin. Nagtaka siya sa ginawa ko pero hinayaan lang niya ako.

Itinulak ko siya palabas ng gate kaya nagulat siya. Babalik na sana siya sa loob pero agad ko itong isinarado at nilock para hindi siya makapasok.

"Addison! Open this gate! Please!"

Sigaw niya kaya hindi ko na talaga napigilan ang mga luha ko. Umiiyak akong lumayo sa gate at pinabayaan ko siya sa labas na sumisigaw at umiiyak.

I'm sorry Jace, I have to do this for you.

____________________________

THORNS OF FLAME (LOVE+WAR SERIES #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon