❂ CHAPTER 74 ❂

8 1 0
                                    

[Addison's POV]

"No! Harold my son! Why did you do this? Why?!"

Umiiyak na sigaw ng ina ni Harold habang nakatingala sa bangkay ng anak niyang nakabitin sa kisame.

Napatingin ako sa kanya pati narin sa ama ni Harold na umiiyak din habang nakatingin doon. Palihim akong napairap at tumingin nalang rin ako sa bangkay ni Harold na ibinababa ng mga utusan ni daddy.

Napayakap sila sa isa't isa habang nakatingala doon na mas lalo pang nagpairita sa akin. Hindi ko nalang rin sila pinakelaman at umarte nalang ako na parang naiiyak at nalulungkot rin.

"I never expected this to happen to him. I just noticed that he looks so sad and depressed while he's in my room."

Sabi ko habang nagpapanggap na nalulungkot. Napatingin sa akin ang mga magulang niya na puno parin ng kalungkutan kaya napalingon narin ako sa kanila.

"He said last night that he can't sleep in my room so I gave him another room. I noticed that he's always carrying that pen with him all the time which makes me confused. I guess, he really had a hard time so he decided to end his own life."

Sabi ko habang nagpapanggap na naiiyak. Tumulo ang mga luha ng mga magulang niya dahil sa narinig nila. Napatingin ako kay Harold na tuluyan nang naibaba ng mga utusan ni daddy mula sa kisame at napatingin ako sa ballpen na nakatusok sa dibdib niya.

Palihim akong napangisi habang nakatingin doon. Sinadya kong palitan ng ballpen niya ang nakatusok sa sugat na yun para masabi nilang hindi niya pinaghandaan ang kunwaring pagpapakamatay niya. Kapag kutsilyo ang itinusok ko doon ay magdududa lang sila kung saan niya nakuha iyon.

"Harold! My son! Why did you do this to yourself?!"

Sigaw ng mga magulang niya at dali dali nilang nilapitan ang bangkay ni Harold. Napairap ulit ako habang nakatingin sa kanila pero hindi ko parin itinigil ang pagpapanggap ko.

"He's always talking about his deceased cousin last night. He said that he feels empty and lonely without him. I tried to comfort him, but he didn't let me."

Sabi ko habang nagpapanggap parin. Napatingin sa akin ang ina niya at nginitian niya ako ng pilit.

"We know that. Since Blake died because of an accident, he always looks gloomy and sad. All we know is that he is still grieving for his death but we didn't expect that he will do this to himself!"

Sagot nito kaya tumango nalang rin ako para mapapaniwala ko siyang sincere at nag aalala ako para sa pesteng anak niya.

"I'm really sor——"

"Don't apologize, Miss Guevarra. You did nothing wrong."

Sabi pa nito kaya napangiti ako at palihim na napangisi. Napatingin ulit ako kay Harold na wala nang buhay habang niyayakap parin ng ina at ng ama niya.

"Serves right for a jerk like you."

Bulong ko sa sarili ko habang nakatingin doon. Napairap ako at napalingon ako kay dad na nakatingin lang din doon.

"What a great acting, Sapphire."

Sabi ni dad kaya nagulat ako at lumaki ang mga mata ko. Paano——

"How did you——"

"I know what you did last night, you bitch."

Sagot niya na mas lalo ko pang ikinagulat. No, it can't be. Paano niya nalaman?

"You did that because you don't want him to be your husband right? And because you still love with that damn Jace Ralph Javier?"

Napanganga ako dahil sa narinig ko at agad akong umiwas ng tingin. Hindi niya pwedeng idamay si Jace dito. Kaya ko nga siya pinaalis sa buhay ko para maprotektahan ko siya.

"But dad, he's already dead! Why would I——"

"I know that he's not. That head that you gave to me is not his head. You can't fool me."

____________________________

THORNS OF FLAME (LOVE+WAR SERIES #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon