❂ CHAPTER 87 ❂

5 1 0
                                    

[Addison's POV]

"Pumasok kayo!"

Utos ng warden sa mga pulis na dinala niya. Pinapasok niya ang mga ito doon sa kabilang selda habang may dala dalang mga baril. Sa tingin ko naniwala talaga yung warden dito tungkol sa sinabi ko. Mabuti naman at naniwala siya.

Nanonood lang ako doon kaya kitang kita ko kung paano nagulat ang mga preso doon sa kabilang selda. Nagtaka ang mga kasamahan ko sa selda nato at nagbulungan sila habang nanonood rin doon.

"Bakit? Anong kailangan niyo?"

Taas noong tanong ng bwiset na mayora nila doon kaya napairap ako. Pakiramdam niya talaga ay ang taas taas ng posisyon niya. Ayoko talaga sa mga taong katulad niya. Yung mga taong puro yabang pero wala namang maibubuga.

"Kailangan naming halughugin tong selda niyo. May nagsumbong sa amin na meron daw kayong mga armas at patalim na tinatago dito."

Sobrang nagulat siya dahil sa narinig niya at napatingin siya sa mga kasamahan niya. Napalunok siya at kitang kita ko ang kaba sa mukha niya kaya palihim akong natawa.

"Wala kaming tinatago dito!"

Sigaw niya pero hindi siya pinansin ng mga pulis at dire diretso lang ang mga ito sa pagpasok. Sinubukan pa niya silang pigilan pero hindi niya ito nagawa.

Nilapitan ng mga pulis ang kalendaryong sinasabi ko at kinuha nila ito mula sa dingding. Sa likod nito ay nakita naming lahat ang nakakamatay na mga armas at patalim na nandoon kaya nagulat ang lahat ng mga kasamahan ko dito sa selda, maliban sa akin.

"Grabe, matagal na bang nandyan yang mga yan?"

"Kaya pala palaging sugatan ang mga preso sa selda na yan!"

"Paano kaya niya yan naipupuslit dito?"

Pagtatakang tanong ng mga kasamahan ko pero hindi ko sila pinansin. Nakatitig lang ako doon at maya maya ay napangisi ako nang napansin kong parang kinakabahan na talaga yung mayora nila habang nakatingin doon.

"Hindi sa akin yan! Sa... sa... sa kanya!"

Sigaw nito at tinuro niya yung babaeng pinahirapan niya kagabi. Napairap ako dahil sa inis. At nagawa pa talaga niyang manuro ng ibang tao?

Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at pumunta ako sa dulo ng selda para makalapit ako ng husto sa kanila kaya napatingin sila sa akin.

"Wag ka ngang magsinungaling. Kitang kita ko ang kalokohang ginawa mo kagabi. Alam kong ikaw ang nagpasok ng mga pesteng armas at patalim na yan diyan sa selda niyo. Alam mo bang sinira mo ang tulog ko kagabi ha?!"

Singhal ko kaya nagulat siya. Tiningnan niya ako ng masama at kitang kita ko kung paano niya itinikom ang mga nanginginig na kamay niya.

"At ang lakas naman ng loob mong kalabanin ako! Sino ka ba at bakit ang tapang mo?!"

Tanong niya pero napangisi lang ako at hindi ako sumagot. Sinasayang ko lang ang oras ko sa kanya.

"Sumagot ka!"

"Tama na yan! Tumabi ka na dahil kukunin na namin yang mga itinatago mo dito!"

Sigaw ng isang pulis at itinulak pa niya ang babaeng yun kaya natumba ito sa sahig. Napangisi ulit ako habang nakatingin sa kanyang walang kalaban laban.

Kinumpiska na ng mga pulis ang lahat ng armas at patalim na nandoon at inilipat mula nila dito sa selda namin yung babaeng pinahirapan ng mayora nila kagabi. Dito daw muna ikukulong yung babaeng yun sa loob ng dalawang araw. Pagkatapos ay umalis na ang mga pulis maliban sa warden dahil lumapit siya sa akin at nginitian niya ako.

"Salamat sa pagsumbong."

Sabi nito habang nakangiti saka siya umalis. Ngumiti narin ako at tumango. Nang napatingin ulit ako sa kabilang selda ay nakita ko doon ang mayora nila na nakatingin lang ng masama sa akin. Bwiset talaga yang babaeng yan.

Pinagsisigawan pa niya ako pero hindi ko siya pinakinggan at inilabas ko lang sa kabilang tenga ko ang mga sinasabi niya.

Maya maya ay naramdaman kong humawak sa balikat ko kaya nagtaka ako. Lumingon ako sa kung sino man to at nagtaka ako nang nalaman kong ito yung babaeng kakalipat lang sa selda nato.

Anong kailangan niya?

____________________________

THORNS OF FLAME (LOVE+WAR SERIES #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon