❂ CHAPTER 100 ❂

18 1 0
                                    

[Jace's POV]

Papasok na kami sa venue habang nakangiti at magkakahawak ang mga kamay. Napalingon ako kay Addison at nakita ko siyang nakatitig pala sa akin kaya mas lalo pa akong napangiti.

"I can't believe that this is happening."

Sabi ko sa kanya at tumango naman siya. Mas hinigpitan pa niya ang pagkakahawak niya sa kamay ko at nginitian rin niya ako.

"Right. Dati, binubugbog mo lang ako. Tapos ngayon, asawa mo na ako. How ironic is that? This time ako naman ang bubugbog sayo kapag may gagawin kang kalokohan."

Natawa ako dahil sa sinabi niya. Oo nga. Hindi ko inaakalang sa babaeng binubugbog at sinasakal ko lang dati pala mahahanap ang totoong pagmamahal na matagal ko nang hinahanap.

"Anyways, let's get inside. I have a lot of visitors there."

Sabi niya kaya tumango ako. Tuluyan na kaming pumasok at nawala ang ngiti ko dahil sa naabutan ko. Sobrang dilim ng paligid at wala pang katao kaya kumunot ang noo ko.

"Addison, where are they?"

Tanong ko pero nginitian lang niya ako at tumingin siya sa paligid.

"Nandito lang sila. Guys! Magpakita na nga kayo!"

Sigaw niya kaya kumunot ulit ang noo ko dahil sa pagtataka. Maya maya ay biglang umilaw ang paligid at nakakita ako ng grupo ng mga tao kaya mas lalo pa akong nagtaka.

"CONGRATULATIONS MR. AND MRS. JAVIER!!!"

Napatingin ako sa isa sa mga taong yun at nabitawan ko ang kamay ni Addison nang nakilala ko na kung sino ito. Napalingon ako sa kanya at nakita ko siyang nagtataka sa naging reaksyon ko.

"Why Jace? Is there something wrong?"

Tanong niya pero hindi ako nakasagot dahil sa kaba ko. Napaatras ako sa kinatatayuan ko dahil sobra na akong kinakabahan habang nakatingin kay Altheah, ang kapatid ko.

Naramdaman kong nanunuyo na ang lalamunan ko at agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya pati narin kay Aiken na siyang asawa niya.

"It's been a while, kuya."

Nagulat ako dahil sa narinig ko kaya napatingin ulit ako sa kapatid ko. Nakita ko siya na nakangiti sa akin habang hawak hawak ang kamay ng isang batang babae, siguro anak nila yun ni Aiken.

Muntik na akong maluha dahil sa saya nang tinawag akong "kuya" ng nakababatang kapatid ko. Para bang hindi ako makapaniwala na kahit na sobrang laki ng kasalanan ko ay natanggap pa pala niya ako bilang kapatid niya. Akala ko, nakalimutan na niyang may kuya pala siya.

"Kuya, balita ko abogado ka na ngayon. Ang laki na ng pinagbago mo."

Nagulat ako nang lumapit sa akin si Aiken na siyang asawa ng kapatid ko at tinapik niya ang balikat ko para pakalmahin ako. Inangat ko ang paningin ko sa kanya at tuluyan nang tumulo ang mga luha ko nang nakita ko siyang nakangiti sa akin ganun narin si Altheah, na para bang nakalimutan na nila ang lahat ng kasamaang ginawa ko dati sa buhay nila. 

"Couz, pasensya nga pala noong dinawit kita sa mga krimeng ginagawa ako dati ah. Akala ko kasi matutulungan kita kapag gagawin ko yun. Dahil sa ginawa kong yun ay parehong nasira ang mga buhay natin, pero buti nalang nakabangon pa tayo."

Natigilan ako nang narinig ko yun at napalingon ulit ako sa likod ni Altheah. Nakita ko doon si Sarah na siyang pinsan ko kaya naiyak na naman ako. Nandito pala siya.

THORNS OF FLAME (LOVE+WAR SERIES #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon