❂ CHAPTER 46 ❂

15 3 0
                                    

[Addison's POV]

Tahimik lang akong nakaupo dito sa garden ng campus habang nag iisa. May ginagawa pa kasi si Carl kaya hindi siya sumama sa akin. Mabuti narin yun.

Nakatitig lang ako sa mga bulaklak habang iniisip ko si Jace. Ewan ko nga kung bakit ko siya naiisip eh wala naman siyang ginawang kabwisetan ngayong ayaw. Siguro nasanay na ako na palagi talaga niya akong ginugulo.

Tinanggal ko nalang siya sa isip ko at pinikit ko ang mga mata ko. Hindi ko siya dapat na iniisip. Dapat ko siyang kalimutan dahil alam kong sakit ng ulo lang ang makukuha ko kapag patuloy ko parin siyang iisipin.

"I'm sorry for ignoring you earlier."

Nagulat ako nang narinig ko yun kaya agad akong napalingon sa likod. Kumunot ang noo ko nang nakita ko si Jace dahil sa pagtataka. Akala ko ba titigilan na niya ako? Bakit siya nandito?

Nginitian niya ako at umupo siya sa bench na inuupuan ko rin. Tumabi siya sa akin habang nakatingin parin ako sa kanya.

"Busy staring at those flowers?"

Tanong niya habang nakatingin rin roon sa kanina ko pa tinititigan.

"Even if I didn't saw your face yet, I know that you're prettier than them."

Sabi pa niya pero tahimik na tahimik parin ako. Medyo naninibago kasi akong hindi niya ako pinagsisigawan o sinisinghalan manlang.

"I can relate to that sunflower in this garden. It's lonely and it can't even get the sunlight it needs, just like me. All my life, I'm all alone and I can't even get the kind of love I've always wanted."

Sabi niya at nakinig naman ako ng mabuti. Napalingon ulit ako sa kanya at nakita ko siyang nakatitig parin doon. Maya maya ay napatingin siya sa akin at nginitian niya ako kaya agad akong umiwas ng tingin.

"I'm like a sunflower and you're like a sun. I can't bloom without you."

Nang narinig ko yun ay biglang may kumabog sa dibdib ko kaya nagulat ako. Napahawak ako rito at pinakiramdaman ko ito habang iniiwasan ko parin siya ng tingin.

Hindi to pwede. Hindi ko to pwedeng maramdaman. Kaaway ko siya. Hindi pwedeng mahulog ang loob ko sa kanya.

"Kahit na alam kong hindi ka naman makikinig, pwede bang kwentuhan muna kita?"

Napalingon ako sa kanya at nakita ko siyang nakatingin parin sa akin.

"No, I will listen. Go ahead."

Napangiti siya nang narinig niya yun at mas lumapit siya sa kinauupuan ko. Inakbayan pa niya ako kaya nagulat ako pero pinabayaan ko nalang rin siya.

"Do you remember those time when I saw you for the first time?"

Tanong niya habang nakaakbay parin sa akin. Inaalala ko naman ng mabuti yun at tumango ako ng bahagya.

"I don't know why but in that time, I already felt this strange butterfly inside me. I think that you're really mysterious and that thing about you makes me crazy."

Napalingon ako sa kanya at palihim akong natawa. Ilang beses ko nang narinig ang mga salitang yan sa ibang mga lalake.

"You're only saying that to make me pay for your two million debt, right?"

Tanong ko kaya nagulat siya at agad siyang umiling bilang pagtanggi.

"No, of course not. Actually, I don't care about my debt. Wala akong pake kung mababayaran ko ba yun o hindi. Kung mamamatay ako, edi mamamatay. I'm already dead inside, anyways."

Napatango tango ako dahil sa sinabi niya. Wala pala siyang pake sa utang niya sa amin. So ibig sabihin nito, mahihirapan lang kami ni daddy na singilin siya.

"But I will find a way to earn two million within this month. Binigyan ako ng isang buwang palugit ng pinagkakautangan ko. Kahit na ayaw ko nang mabuhay, ayaw ko paring mamatay."

Patuloy na sagot niya kaya tumango tango naman ako. Siguraduhin lang niyang magbabayad talaga siya.

"I want to stay longer with you. Kahit na ganito lang, kahit na sa ating dalawa ako lang naman ang nagmamahal."

____________________________

THORNS OF FLAME (LOVE+WAR SERIES #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon