❂ CHAPTER 53 ❂

13 3 0
                                    

[Addison's POV]

Nakayuko lang ako habang nakaupo dito sa kwarto ko. Iniisip ko parin ang mga nangyari kanina at kung ano na kaya ang nararamdaman ni Jace ngayon dahil sa nalaman niya tungkol sa akin.

Inangat ko ang paningin ko sa salamin at napapikit ako nang nakita ko ang sarili. Hindi ako si Addison ngayon kundi si Sapphire. Ibinuka ko ulit ang mga mata ko at napatingin ako sa suot ko.

Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at nagbihis ako. Nagsuot ako ng hoodie at ng jeans saka ako bumaba ng kwarto. Hindi ako dumaan sa lounge namin dahil alam kong magtataka sila kung bakit ganito ang ayos ko.

Nilibot ko ang paligid ng bahay namin habang nagbabakasakaling makikita ko si Jace. Alam kong pupunta siya dito ngayon. Gabi gabi siyang pumupunta dito kaya alam kong nandito siya.

Tumagal ang paghahanap ko ng ilang minuto bago ko nakita si Jace na nakaupo lang doon sa bench na nasa garden namin habang umiinom. Agad ko siyang nilapitan at babawiin ko na sana ang alak na iniinom niya pero pinigilan niya ako.

"Leave me alone, Sapphire."

Malamig na sabi niya at uminom ulit siya ng alak. Pipigilan ko sana siya ulit pero tumayo siya mula sa kinauupuan niya at inihagis niya ito sa semento kaya nabasag ito. Nagulat ako dahil sa ginawa niya pero yumuko nalang ako.

"I said leave me alone! Wag mo nga akong pakealaman!"

Sigaw niya kaya napaiyak ako. Inangat ko ulit ang paningin ko sa kanya at nakita ko siyang parang galit na galit talaga pero naiintindihan ko siya. Sino ba naman ang hindi magagalit sa ginawa kong panloloko sa kanya?

"Ang sakit Sapphire! Pinaniwala mo akong magkaibigan na tayo at magkaibang tao kayo ni Addison! Tapos ngayon malalaman ko na iisang tao lang pala kayo at ginagawa mo lang to para paglaruan ako?!"

Napatabon ako sa mukha ko at umiling iling ako. Bakit ba niya iniisip yan? Hindi ko siya pinaglalaruan! Oo dati yun ang ginagawa ko pero ngayon mahal ko na siya kaya ko yun ginagawa!

"Jace, I'm sorry. Please, let me explain."

Napangisi siya dahil sa sinabi ko at tumango tango pa siya para kunwaring naiinitindihan niya ako.

"Sige nga. Explain! Iexplain mo ang panlolokong ginawa mo!"

Sigaw niya ulit na para bang galit na galit. Gusto ko sanang magpaliwanag at mag explain sa kanya pero hindi ko yun magawa dahil pinipigilan ako ng pag iyak ako. Hindi ko kayang magsalita dahil humahagulgol na ako.

"See? You can't. Now leave me alone."

Huling sabi niya saka siya umalis sa harapan ko. Pinilit kong pinatigil ang sarili ko sa pag iyak saka ko siya sinundan sa paglalakad.

"If I will be just Addison starting for this day, will you still love me?"

Tanong ko kaya napatigil siya sa pagkalalakad. Humarap ulit siya sa akin at lumapit siya ng paunti unti habang paika ika. Alam kong lasing na lasing na siya. At naglalasing siya dahil sa akin.

Tiningnan niya ako na para bang seryosong seryoso saka niya kinuha ang hoodie na nasa ulo ko at hinawi ang buhok na nasa mukha ko. Hinawakan niya ang pisngi ko saka niya ako tinitigan.

Hahawakan ko na rin sana ang kamay niya na nasa pisngi ko pero agad niya itong hinila kaya hindi ko yun nagawa. Napangisi siya habang nakatitig parin sa akin saka niya ako inalis sa paningin niya.

"I'm sorry Sapphire, you can't."

Huling sinabi niya bago siya pumikit. Tumulo ang mga luha ko dahil sa narinig ko pero maya maya ay nagulat ako nang napansin kong unti unti siyang natutumba sa kinatatayuan niya.

Agad ko siyang sinalo bago pa naman siya matumba sa lupa kaya napayakap ako sa kanya. Sa tingin ko lasing na lasing na siya. Kailangan na niyang magpahinga. Kailangan niya munang kalimutan ang sakit na nararamdaman niya dahil sa panloloko ko.

"I'm very sorry, Jace."

____________________________

THORNS OF FLAME (LOVE+WAR SERIES #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon