❂ CHAPTER 11 ❂

30 2 0
                                    

[Addison's POV]

Tahimik lang akong naglalakad sa parking lot ng eskwelahan namin. Patungo na ako sa classroom ko pero hindi ako nagmamadali at kalmado lang ako sa paglalakad. Napatingin ako sa orasan ko at nakita kong late na pala ako ng thirty minutes pero wala akong pake.

Tinabunan ko na ang mukha ko gamit ang buhok at hoodie ko saka ako yumuko. Mahirap na kung makita ng ibang tao ang mukha ko, baka may makakilala pa sa akin.

Ayoko na sanang bumalik sa campus nato at mas lalong ayoko na sanang mag aral pero hindi pwede. Pinipilit ako ni daddy na mag aral kasi kakailanganin ko raw ang diploma kapag naging pinuno narin ako ng sindikato katulad niya.

Ewan ko ba sa kanya. Eh pwede namang gawan nalang niya ako ng pekeng diploma. Marami naman sana siyang pera. Tss.

Nakayuko lang ako habang naglalakad pero maya maya ay napatigil ako nang napansin kong may mga tao sa dinadaanan ko. Dahan dahan kong inangat ang paningin ko at nakita ko sina Jace kasama ang mga minions niya kaya palihim akong natawa. Ano na naman bang kayabangan to?

"Kunin niyo nga yang babaeng yan. Dalhin niyo sa teritoryo natin."

Taas noo pang utos ni Jace sa mga kasamahan niya kaya natawa na naman ako. Feeling superior talaga. Akala niya ang taas taas niya eh may utang naman na dalawang milyon.

Dali dali akong nilapitan ng mga kasamahan niya pero hindi nalang din ako umangal. Mabuti nga at dadalhin nila ako sa teritoryo nila dahil matutunton ko na kung nasaan siya kapag kailangan ko na siyang singilin sa utang niya.

Tinabunan nila ng itim na tela ang ulo ko pero hinayaan ko lang silang gawin yun. Maya maya ay naramdaman kong hinihila na nila ako patungo sa kung saan pero hindi ako umimik o nagsalita man lang. Isinakay nila ako sa kotse nila habang hindi ko parin nakikita kung ano na bang nangyayari sa paligid ko.

"Posasan niyo nga yan. Takpan niyo narin ang bibig kasi baka mag ingay pa."

Utos ulit ni Jace sa kanila kaya agad naman silang sumunod. Inalis nila ang itim na telang nakatabon sa ulo ko at lalagyan na sana nila ng tape ang bibig ko pero pinigilan ko sila.

Kung sila ang maglalagay nun, baka makita pa nila ang mukha ko at makikilala nila ako.

"Akin na ang tape. Ako na ang magtatabon sa bibig ko."

Utos ko at sinadya ko pang ibahin ang tono ng boses ko para hindi talaga nila ako makilala. Nagulat ang taong siya sanang magtatabon ng bibig ko dahil sa sinabi ko pero tumango nalang rin siya.

Kagaya ng sinabi ko, binigyan nila ako ng tape at ako mismo ang naglagay nito sa bibig ko habang tinatabunan ko parin ang mukha ko. Maya maya ay nilagyan naman nila ng posas ang mga kamay ko pero hindi ko pinansin yun.

Hindi na nila kailangang gawin ang mga to dahil hindi naman talaga ako tatakas. Actually willing pa nga akong sumama sa kanila para matunton ko ang lugar na pinagtataguan nila.

Napatingin ako sa labas ng bintana habang inaayos pa ng mga tauhan ni Jace ang posas ko. Hinigpitan nila ito ng todo para makasigurado raw sila na hindi talaga ako makakatakas.

Habang nakatingin ako sa labas ng bintana ay sinaulo ko ang mga dinadaanan namin para makabalik ulit ako dito. Binasa ko ng maigi ang pangalan ng mga tindahan at mga kabahayan at tinandaan ko ito ng mabuti.

Maya maya ay napatingin ako sa harapan ng kotse at nakita ko roon si Jace na nakatitig lang sa akin mula sa front mirror. Pinabayaan ko nalang din siya at hindi ko siya pinansin saka nila ulit tinabunan ng itim na tela ang ulo ko.

____________________________

THORNS OF FLAME (LOVE+WAR SERIES #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon