❂ CHAPTER 88 ❂

5 1 0
                                    

[Addison's POV]

"Kailangan mo?"

Tanong ko habang tinataasan siya ng kilay. Tiningnan ko siya ng maigi at napaisip ako. Sa tingin ko ay magkapareha lang kami ng edad. Napansin ko rin na medyo pamilyar ang mukha niya sa akin kaya nagtaka ako. Magkakilala ba kami?

"Gusto ko lang na magpasalamat."

Sabi niya kaya tumango nalang rin ako. Yun pala ang sasabihin niya.

"Tsk. Hindi mo na yan kailangang gawin. Kaya ko sinumbong yung mayora niyo para wala nang magiging sagabal sa pagtulog ko dito hindi para iligtas kita."

Sagot ko pero nginitian lang niya ako saka niya tinapik ulit ang balikat ko.

"But I still need to thank you. So, thank you."

Sabi pa niya kaya lumingon ulit ako sa kanya at tumango nalang rin ako. Gusto kasi talaga niyang magpasalamat kaya tatanggapin ko nalang.

"You're Addison, right?"

Nagtaka ako at napatingin ulit ako sa kanya. Kilala niya ako? Bakit? Paano?

"Bakit mo ako kilala?"

Tanong ko habang nagtataka parin. Nginitian ulit niya ako saka siya sumagot.

"I'm Sarah Patterson. Jace's cousin."

Wait, what? Magpinsan sila ni Jace?

Napanganga ako at tumango tango. So kaya pala medyo pamilyar ang hitsura niya. She's Jace's cousin.

"I'm going to tell you that the man you are dating is a traitor."

Sabi niya na para bang nagagalit kaya nagtaka ako. Umiwas siya ng tingin habang galit na galit parin.

"No, I'm sorry. Were not dating. By the way, paano mo naman nasabing traydor siya?"

Tanong ko kaya napalingon ulit siya sa akin. Pilit niyang pinakalma ang sarili niya bago siya sumagot.

"We're partner in crimes. Naging magkasama kaming dalawa sa mga pagnanakaw at krimeng ginagawa namin. Akala ko hindi niya ako ilalalglag, pero ginawa niya yun."

Sabi niya kaya napatulala ako. Naging magnanakaw at kriminal nga pala si Jace pagkatapos ko siyang palayain.

Kasalanan ko to. Sana hindi ko nalang siya pwersahang pinaalis. Sana pala hindi ko siya pinabayaan. Bakit ko nga ba kasi siya pinalabas sa gate ng bahay namin sa araw na yun? Dapat tinago ko nalang siya!

"Tinraydor niya ako. Isinumbong niya ako sa mga pulis para makuha niya ang reward money na ibibigay ng kapatid niya sa taong makapagtuturo sa akin. O sa amin."

Patuloy niya kaya nagtaka ako. Kumunot ang noo dahil naguguluhan na ako.

"Ginawa niya yun? Para saan? Saan niya gagastusin ang ganun kalaking pera?"

Napalingon ulit siya sa akin at tinaasan niya ako ng kilay.

"Hindi mo ba talaga alam?"

Parang naguguluhan na tanong niya at umiling iling naman ako.

"He did that para makabayad siya sa utang niya sa inyo. Yung reward money sana ang gagamitin niyang pambayad pero hindi niya yun nakuha dahil nakilala kaagad siya ng mga pulis."

Natahimik ako dahil sa narinig ko. So ginawa pala niya yun para mabayaran ang utang niya.

Ako ang dahilan kung bakit gumulo ang lahat. Ako ang nag ayang makipagsugalan sa kanya kaya siya nabaon sa utang. At dahil sa utang niya ay naging malapit ako sa kanya dahil yun ang utos ng daddy ko. At dahil naging malapit ako sa kanya ay tuluyan akong nahulog sa kanya at nagkandaleche leche na ang lahat.

Pero kapag hindi nangyari ang lahat ng yun, wala rin naman siya sa buhay ko ngayon. Isa lang ang pinagsisisihan ko, at yun ay ang naging epekto nito sa buhay ni Jace.

Napatulala ako dahil sa naisip ko. Maya maya ay napalingon ulit ako sa babaeng to at nakita ko siya na parang galit na galit parin.

"Wag kang magtiwala sa pinsan ko. Ako nga na pinsan niya ay tinraydor niya, ikaw pa kaya?"

Sabi niya pero hindi ko siya pinansin. Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at lumipat ako ng ibang pwesto.

Alam kong napilitan lang si Jace na traydurin ang pinsan niya. Napilitan lang siya. At dahil yun sa gulong sinimulan ko.

____________________________

THORNS OF FLAME (LOVE+WAR SERIES #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon