❂ CHAPTER 50 ❂

12 3 0
                                    

[Addison's POV]

Bumalik na kami ni Jace sa loob ng lounge ng bahay namin. Bago ako lumayo sa kanya ay nginitian ko muna siya saglit kaya yun din naman ang ginawa niya. 

"Miss Sapphire! There you are! I'be been searching for you!"

Napatingin ako sa matandang ito at kumunot ang noo ko. Hinahanap niya ako? Bakit naman niya ako hinahanap?

"Why are you searching for me? Do you need something?"

Magalang na tanong ko kaya napangiti siya. Ayaw ko sanang makipag usap sa kanya pero wala akong choice. Mukha siyang mayaman kaya kailangan ko siya para may mahuthutan ako ng pera.

"Yes, Miss Sapphire. I want to play Blackjack with you."

Palihim akong napairap at tinanguan ko nalang rin siya. Napatingin ako sa katulong niya na may dala dalang malaking maleta kaya napangisi ako. Paniguradong pera ang laman niyan. At ang lahat ng perang yan ay mapupunta sa akin mamaya.

Umupo na kami sa upuan at hinanda na namin ang mga baraha. Nang nagsimula na kami ay tahimik na tahimik lang akong naglalaro habang siya ay sigaw ng sigaw dahil palagi siyang natatalo.

Sobrang boring ng laro namin dahil wala siyang kachallenge challenge na kalaro at madali lang sa akin siyang talunin. Pero okay narin yun, magkakapera naman ako pagkatapos ng boring na larong to.

Palihim akong napairap at maya maya ay natapos na ang laro namin kaya napahinga ako ng maluwag. Nginitian ko ng bahagya ang matandang to saka ako napatingin kay Jace na nanonood lang sa amin habang naninigarilyo.

I winked at him kaya natawa siya dahil sa ginawa ko. Hindi ko nalang rin muna siya pinansin at hinarap ko ulit ang boring na kalaro ko ngayon.

"I won. Now give me five hundred million."

Sabi ko habang nakangisi kaya napahinga ng malalim ang lalakeng kalaban ko ngayon. Tinanguan nalang rin niya ako at ibinigay na nga niya sa akin ang maletang kanina pa niya dala dala.

"Are you sure na pera ang laman nito?"

Paniniguradong tanong ko kaya agad naman niya akong tinanguan. Tiningnan ko siya ng maigi at napansin kong parang kabado at nag aalinlangan siya kaya napairap ako. May mali tungkol sa lalakeng to. Sigurado ako.

Inirapan ko siya at ako na mismo ang nagbukas ng maleta. Nang nakita ko na kung ano nga ba ang laman nito ay agad ko siyang tiningnan ng masama kaya napatayo siya mula sa kinauupuan niya.

"Does this looks like money to you?!"

Malakas na sigaw ko at hinagis ko sa sahig ang maleta niya na na puno ng damit. Napalunok siya habang nakatingin sa akin at tatakbo na sana siya palayo pero agad na lumapit sa amin si Jace para pigilan siya.

Hinawakan ni Jace ng mahigpit ang braso ng matandang ito kaya alam kong hindi na talaga siya makakawala. Pinilit ko ang sarili kong kumalma at kinausap ko nalang rin siya ng mahinahon.

"It's okay kung hindi ka pa makakapagbayad ng five hundred million ngayon. Pero, may pera ka nga ba talagang ganun kalaki?"

Tanong ko at umiling iling ito bilang sagot kaya napairap ako. Tingnan mo na nga ba.

"Wala akong perang ganun. Fifty thousand lang ang sweldo ko buwan buwan. Pero pwede ko namang unti untiin. Lahat ng sweldong makukuha ko ay ibibigay ko sayo paunti unti!"

What the f——

So bibigyan lang niya ako ng barya kada buwan?

Kinuha ko ang baril na nasa bulsa ko at itinutok ko ito sa kanya kaya lumaki ang mga mata niya dahil sa gulat. Napalunok siya at nagpumiglas siya mula kay Jace pero hindi niya yun magawa.

"Miss Sapphire, please don't——"

Ipinutok ko na ang baril sa noo niya mismo kaya kitang kita ko kung paano sumabog ang bungo niya. Binitawan na siya ni Jace kaya unti unti siyang natumba sa sahig habang duguan ang ulo.

Napatingin ako kay Jace na nakatingin lang doon sa matandang yun at nabaling rin ang tingin niya sa akin. Nginitian ko siya kaya ganun rin naman ang ginawa niya.

"Thanks for your help, Jace."

____________________________

THORNS OF FLAME (LOVE+WAR SERIES #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon