❂ CHAPTER 82 ❂

9 2 0
                                    

[Jace's POV]

Nakatulala lang ako habang nakaupo dito sa gilid ng rehas. Nagbabakasakali akong dumating si Addison kahit na alam kong malalim na ang gabi.

Nakayakap ako sa tuhod ko habang nakatingin sa labas. Napalingon ako sa mga kasamahan kong tulog na pero hindi ko sila pinansin.

"Hoy. Hindi ka pa ba matutulog? Hindi ako nakakatulog kapag may kasama akong gising."

Napalingon ulit ako sa likod at kumunot ang noo ko nang napansin kong gising parin pala ang isa sa mga kasama ko rito. Hindi ko siya sinagot at iiwasan ko na sana siya ng tingin pero bigla siyang bumangon mula sa kinahihigaan niya kaya nagtaka ako.

"Anong gagawin mo?"

Pagtatakang tanong ko pero nginitian lang niya ako kaya nakaramdam ako ng pagkairita.

"Edi tatabihan kita. Hindi ako natutulog kapag alam kong may kasama akong gising na gising. Natatakot ako na baka patayin ako habang tulog."

Natatawang sagot niya pero hindi ako natawa. Tumango tango ako at tumabi na siya sa tabi ng kinauupuan ko.

"Bakit hindi ka pa natutulog? May iniisip ka ba?"

Tanong niya kaya kumunot ang noo ko. Bakit ba pinapakealaman niya ako? Dapat ay matulog na siya hindi tong nanggugulo pa siya.

"Wala."

Tipid na sagot ko pero nginitian lang niya ako na para bang nang aasar.

"Anong wala? Alam kong hanggang ngayon ay hinihintay mo parin yung magandang babaeng dinalaw ka dito sa kulungan. Akala ko nga artista yung babaeng yun eh."

Pang aasar pa niya kaya napalingon ako sa kanya at natawa ako ng mahina. Alam kong si Addison ang tinutukoy niya. Tumango nalang rin ako bilang sagot.

"Oo, hinihintay ko siya. Alam kong dadating siya ngayon."

Sagot ko at ibinalik ko ang paningin ko sa labas ng selda.  Napailing iling siya dahil sa sinagot ko kaya nagtaka ako.

"Bukas pa siguro yun babalik. Sobrang lalim na ng gabi oh. Matulog ka nalang."

Sabi niya sabay bahagyang ngumiti. Napatingin ako sa kanya at kumunot ang ulo ko. Sa paraan kasi ng pakikipag usap niya o pakikipatungo niya sa ibang tao ay hindi mo talaga mahahalata na kriminal siya.

"Anong kaso mo? Bakit ka nakulong?"

Tanong ko kaya nawala ang ngiti siya at naging malungkot ang mukha niya. Napayakap siya sa tuhod niya na para bang may malalim na iniisip.

"Kaso ko? Murder."

Tumango tango ako habang nakatingin parin sa kanya. Hindi talaga halata na kaya pala niyang pumatay ng tao. Sa mukha palang kasi niya ay masasabi mong mukha siyang masayahin at walang pinoproblema.

"Pero hindi ako ang gumawa ng krimen na ipinaratang nila sa akin. Pinagbintangan lang ako."

Patuloy niya kaya kumunot ang noo ko. Nakulong siya dahil sa kasalanang hindi naman siya ang gumawa?

"Teka, ipinakulong ka kahit na wala ka namang kasalanan? At ayos lang yun sayo?"

Tanong ko kaya napalingon siya sa akin at bahagya niya akong tinanguan.

"Oo. Mayaman kasi yung kalaban namin sa kaso kaya wala kaming kalaban laban. Binayaran nila ang judge para manalo sila. Wala kaming pera kaya pumayag nalang akong magpakulong kaysa naman sa pamilya ko ang mapahamak."

Sabi niya habang nakayuko parin. Napailing iling ako dahil sa narinig ko. Hindi dapat siya nandito, at hindi rin dapat na nakukulong ang iba pang tao na wala namang kasalanan.

"Hindi porket mahirap ka ay pagbabayaran mo narin ang kasalanang hindi mo naman ginawa. Dapat lumaban ka."

Umiling siya dahil sa sinabi ko babang nakayuko parin.

"Eh paano nga? Wala kaming pera. Mahirap lang kami at mayaman ang kalaban namin. Talo kami."

Napailing iling ulit ako. Hindi ako makapaniwala. Hindi dapat nangyayari to. Dapat pantay pantay lang ang lahat pagdating sa hustisya.

Napalingon ulit ako sa kanya at tinapik ko ang balikat niya. Inangat niya ang paningin niya sa akin at bahagya ko siyang nginitian.

"Wag kang mag alala. Binabalak ko nang baguhin ang buhay ko kaya paglabas ko dito, mag aaral ako para maging abogado. At ikaw ang unang taong papalayain at tutulungan ko."

____________________________

THORNS OF FLAME (LOVE+WAR SERIES #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon