❂ CHAPTER 37 ❂

18 2 0
                                    

[Addison's POV]

"So ungreatful. Psh."

Sabi pa niya sabay iniwasan ako ng tingin at ibinalik na niya ang baril niya sa bulsa niya. Pinabayaan ko nalang rin siya at tiningnan ko nalang ulit ang mga taong pinatulog namin na duguan.

"I need to leave."

Malamig na sabi ko kaya tinanguan naman niya ako. Bahagya ko siyang inirapan bago ako bumalik sa loob ng lounge.

Pagpasok ko roon ay napansin kong sobrang ingay at sobrang nag eenjoy parin naman ang mga guests namin kaya napangiti ako. Pagkatapos ng party nato, sigurado akong maraming pera ang maiipon namin.

Napangisi ako dahil sa naisip ko at dumeretso na ako sa loob. Agad naman akong sinalubong ni daddy kaya nagtaka ako.

"Sapphire, where are the boys? Diba kasama mo lang sila kanina?"

Tanong ni daddy kaya napanganga ako. Oo nga pala. Pinatulog ko sila kanina. But anyways, hindi naman magagalit si daddy kapag malalaman niya yun.

"Umm. They're already dead. They tried to harm me so pinatay ko na sila."

Sagot ko habang nakangiti kaya nagulat si daddy at natawa siya ng mahina. Natawa narin ako sa naging reaction niya at napailing iling siya.

"You killed them? All of them?"

Tanong niya na para bang hindi makapaniwala kaya tumango naman ako.

"Yeah. Jace Ralph Javier helped me."

Sagot ko kaya tumango tango siya at sabay na kaming pumasok sa loob. Napadaan kami sa mga milyonaryong mga guests namin kaya agad akong kumaway sa kanila habang nakangiti.

"Really? He helped you?"

Hindi makapaniwalang tanong ni daddy kaya agad naman akong tumango bilang sagot.

"Yep. I guess he did that para hindi ko nalang pababayaran sa kanya ang dalawang milyong utang niya. Tsk."

Sagot ko sabay irap kaya natawa naman si daddy. Tumango tango rin naman siya na para bang sumasang ayon sa sinabi ko.

"By the way, patay na ba ang lahat ng lalakeng kasama mo kanina? Lahat sila?"

Tanong ulit ni daddy kaya kumunot ang noo ko. Inisip ko muna ang mga nangyari kanina saka ko siya sinagot.

"I'm not sure. Patayin mo nalang silang lahat dad para makasigurado tayo at linisin mo na rin ang kalat na ginawa ko. Just make it look like na nagpatayan silang lahat para hindi tayo mabisto ng mga magulang nila. Aba mahirap na yun, wala na tayong mahuhuthutan ng pera."

Sabi ko kaya tinanguan naman ako ni dad at natawa siya saka niya ginulo ang buhok ko. Natawa ako dahil sa ginawa niya at inayos ko kaagad ang nagulong buhok ko.

"My unikaiha is really smart. Mana ka sa akin. Okay, I will go out for a while."

Sagot ni daddy kaya tinanguan ko naman siya at lumabas na siya ng lounge. Nakatayo lang ako dito at maya maya ay nilapitan ako ng mga senador na mga guest ni daddy na medyo may edad na kaya nagtaka ako.

"Iha, where are our sons? I saw that you went out with them a few minutes ago."

Oh, their sons? Well, ayun. Patay na.

"The boys? Well, nagpahatid kasi sa akin sila kanina sa labas dahil naiinitan daw sila dito sa loob. So I did. Nandun sila ngayon sa garden and I guess, they are already killing each other right now. Kanina ko pa kasi napapansin na parang pinag aagawan nila ako kanina."

Sabi ko kaya nagulat silang lahat at agad silang nagsilabasan para puntahan ang mga pinakamamahal nilang mga anak. Napairap lang naman ako at dumeretso nalang ako sa paglalakad.

"Sapphire! Let's talk!"

Narinig ko ang malakas na sigaw na yun mula sa pintuan kaya kumunot ang noo ko. Napalingon ako doon at nakita ko si Jace na parang seryosong seryoso kaya nagtaka ako. Bakit niya ako sinundan dito at bakit niya ako sinisigawan?

"Bakit nandito ang bracelet nato?"

May itinaas siyang bracelet sa mga kamay niya at nang tiningnan ko na ito ng maigi ay nagulat ako. Wait, sa akin yan! Bakit nasa kanya yan!

"Answer me! Kasabwat mo ba si Addison?!"

Galit na galit na sigaw niya kaya umalingawngaw ang boses niya sa buong lounge pero hindi yun pinansin ng mga guests namin dahil abala sila sa pagsusugal.

Bakit ko nga ba kasi sinuot ang bracelet na yan ngayon dito? Bakit ba kasi palagi nalang nahuhulog yang pesteng bracelet na yan? Bwiset!

Itatanggi ko na sana ang sinasabi niya pero may naisip ako kaya palihim akong napangisi. I think it would be great kung paglalaruan ko nalang muna siya.

"Addison? Kasabwat ko? Well, maybe."

Sabi ko sabay kindat tumalikod na ako saka ako umalis. Peste yan lalaking yan.

"Wait! Ayusin mo yang sagot mo! Tinatanong kita ng maayos!!"

____________________________

THORNS OF FLAME (LOVE+WAR SERIES #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon