[Addison's POV]
Tahimik lang akong nakaupo dito sa upuan habang nakatunganga. Wala kasi akong pwedeng gawin kundi ang tumunganga lang dito.
Napatingin ako kay Jace na nakaupo lang din doon sa bandang malayo habang nakatulala. Nang napansin niyang nakatingin ako sa kanya ay agad siyang lumingon sa akin kaya agad rin akong umiwas ng tingin.
"About what I confessed earlier. Forget it."
Sabi niya habang nakatingin parin sa akin. Tinanguan ko nalang rin siya kaya napahinga siya ng maluwag. Of course kakalimutan ko yun. Iisipin ko nalang na kalokohan lang yung sinabi niya kaninang mahal niya ako.
Maya maya ay naiinitan na siguro siya kaya hinubad niya ang leather jacket na suot suot niya. Napalingon ako sa kanya at napatingin ako sa mga tattoo niya sa braso at leeg. I really hate men with tattoos. Marumi ito sa paningin ko.
"Bakit mo dinudumihan yang balat mo?"
Tanong ko kaya napatigil siya sa ginagawa niya at napalingon siya sa akin. Napatingin siya sa mga tattoo niya at tiningnan niya ako ng seryosong seryoso.
"Are you insulting me and my tattoos?"
Sagot naman niya kaya tumango ako para maisip niyang tama siya. Agad niya akong inalis sa paningin niya at napailing iling siya.
"Are you judging me even if you still don't know me that much?"
Tumango na naman ako sa kanya bilang sagot. Tama siya. Kahit na hindi ko pa siya masyadong kilala, alam ko na kung ano siya. Siya si Jace Ralph Javier na isang warfreak na gang leader at isang estudyanteng walang respeto.
Tumayo siya sa kinauupuan niya at lumapit siya sa akin saka niya hinubad ang t- shirt niya kaya nagulat ako. What is he—— Bakit siya naghuhubad sa harapan ko?!
"Hey! Why are you taking off your clothes?! Lumayo ka!"
Sigaw ko at tinulak ko pa siya palayo pero ayaw talaga niyang lumayo. Mas lumapit pa siya sa akin at may tinuro siyang tattoo sa dibdib niya kaya napatingin ako doon.
"See that?"
Anong see that? Anong kailangan kong makita?
Napairap ako at tiningnan ko nalang din ito ng maigi saka ko napansin na may parang peklat sa pagitan ng tattoo na iyon. Napatingin rin ako sa iba pang mga tattoo niya at napansin kong meron rin itong mga peklat sa pagitan ng mga ito kaya kumunot ang noo ko.
"I hate seeing myself with these scars, so I covered it with tattoos."
Inangat ko ang paningin ko sa kanya at nakita ko siyang sobrang seryoso parin. Hindi ako nakapagsalita kaya tumahimik nalang ako at hindi rin ako umimik.
"Sinaksak ng stepdad ko ang lahat ng bahagi ng katawan ko noong bata pa ako. He thought that I already died, without knowing that I'm still alive. Itinakas ako ni mommy at pinaalaga niya ako sa bahay ampunan instead na siya ang mag alaga sa akin. Nagpapasalamat nalang nga ako at may umampon pa sa akin dahil kung wala, sigurado akong itinapon na ako sa kalye ngayon."
Natahimik ako at inalis ko siya sa paningin ko. Yumuko ako para maiwas ko sa kanya ang mga mata ko.
"My stepdad stabbed me just because he don't like me in their home. After my mom left me in the orphanage, the workers there abused me physically. Konting pagkakamali, sugat at bali sa katawan ang inaabot ko. Kaya eto, napuno ang katawan ko ng sugat at peklat."
Nakinig ako ng mabuti sa mga sinasabi niya habang hindi parin ako nakakapagsalita. May bahagi sa akin na hindi makapaniwala na ganun pala ang pinagdaanan niya dati. Hindi ko nalang siya pinansin habang tahimik na tahimik parin ako.
"Now, judge me. Husgahan mo ako. Sabihin mong marumi ako. Say all you want to say about me."
____________________________
![](https://img.wattpad.com/cover/266041581-288-k756846.jpg)
BINABASA MO ANG
THORNS OF FLAME (LOVE+WAR SERIES #6)
RomanceLOVE+WAR SERIES #6 Addison Sapphire Guevarra is the campus' mysterious student. Jace Ralph Javier is the campus' troublemaker that can harm or hurt any person anywhere and anytime if he wanted. At first, they thought that they are against each other...