❂ CHAPTER 5 ❂

39 4 0
                                    

[Addison's POV]

"Let me in."

Malamig na sabi ko kaya agad namang binuksan ng mga guards ang gate. Napatingin ang isang guard sa akin at sa suot ko pero pinabayaan ko nalang din siya at pumasok na ako.

Habang naglalakad ako papasok sa bahay namin ay napansin kong merong maraming tao sa guest's lounge namin kaya napangisi ako. I guess it's gambling time again.

Dali dali akong dumeretso sa kwarto at dali dali akong nagbihis. I'm too excited to go to lounge and to play with our guests. Hinubad ko ang damit ko na puno ng itim na pintura at naligo ako sa CR.

Pagkatapos ay nagsuot ako ng itim na croptop at pinaresan ko ito ng high waist na na shorts. Nagsuot din ako ng fishnet stockings at ng boots saka ako nagsuot ng fur jacket. Pagkatapos ay naglagay ako ng black lipstick at smoked eyeliner. Hinayaan kong nakalugay ang mahabang buhok ko saka ako lumaba ng kwarto.

Nang nasa taas ng hagdan na ako ay napangisi ako nang nakita ko si daddy at ang mga kaibigan niya na nagsusugal. Gambling is my hobby kaya naman gustong gusto kong gawin yun.

Bumaba na ako ng hagdan at lumapit ako sa kanila. Napalingon sa akin si daddy at napangiti siya habang nakatingin sa akin.

"My unikaiha is already here! Come here, Sapphire!"

Nakangiting pag aaya ni daddy kaya agad naman akong lumapit sa kanya. Tumayo ako sa gilid ng kinauupuan niya at napatingin ako sa kalaro niya na kanina pa rin nakatitig sa akin.

Gwapo naman ito, maskulado, at hindi rin malayo ang edad nito sa akin. Nginitian ko siya ng bahagya kaya ganun narin ang ginawa niya sa akin.

"Sapphire, this is Blake Ulysses Mendez. He's here because he wants to ask for your hand."

Oh?

Kaya pala kanina pa siya nakatitig sa akin. Gusto pala niya ako. Napangiti ako nang naisip ko yun at napansin kong tumayo siya mula sa kinauupuan niya saka siya lumapit sa akin kaya napatingin ulit ako sa kanya.

Inabot niya ang kamay niya sa akin sabay ngiti kaya napatingin ako rito.

"It's nice to meet you, Miss Addison Sapphire Guevarra. It's my pleasure to meet a goddess like you."

Napangiti ako at tinanguan ko siya. Hinawakan ko ang kamay niya habang nakangiti parin.

"It's nice to meet you too, Mr. Blake Ulysses Mendez."

Sabi ko at binitawan ko na ang kamay niya. Napatingin ulit ako kay daddy at nakita ko siyang nakangiti habang nakatingin lang sa amin.

"You two are very compatible to each other. I've chosed the right guy for my princess."

Nagulat ako sa sinabi ni daddy at lumaki ang mga mata. Anong ibig niyang sabihin?

"What do you mean, dad?"

Tanong ko kay daddy kaya natawa siya. So pinlano niya to all along nang walang sinasabi sa akin?

"He's the guy that you will gonna marry soon. He's a son of a senator."

Tumango tango ako at napatingin ulit ako sa lalaking to. Siya pala ang ipapakasal ni daddy sa akin. I don't care though. Wala akong pake kung sino ang papakasalan ko kahit na hindi ko naman talaga siya mahal. Love is just a joke to me.

Inalis ko yun sa isip ko at nginitian ko si Blake. Nang napansin kong medyo napatagal ang pagtitig niya sa akin ay ako na mismo ang umiwas ng tingin. Pinabayaan ko nalang din siyang titigan ako at ibinaling ko nalang sa ibang bagay ang atensyon ko.

Napatingin ako sa pintuan at nakakita ako ng pamilyar na grupo ng mga lalake doon kaya kumunot ang noo ko. Tiningnan ko yun ng maigi pero hindi ko talaga makita ng maayos ang mga mukha nila.

"Dad, who are they?"

Tanong ko kay daddy habang nakatingin doon kaya nabaling rin ang paningin niya sa grupo na yun. First time ko kasi silang nakita dito kaya hindi ko sila kilala.

"They are the city's number one gang group. They are the Black Phyton."

What? Black Phyton? That's the——

Napatingin ulit ako sa kanila at nang naaninag ko na ng maayos ang isa sa kanila ay biglang kumulo ang dugo ko dahil sa galit.

What is Jace Ralph Javier doing here?

____________________________

THORNS OF FLAME (LOVE+WAR SERIES #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon