❂ CHAPTER 83 ❂

6 1 0
                                    

[Addison's POV]

"Pasok."

Itinulak ako ng isa sa mga pulis sa loob ng selda kaya muntik na akong matumba. Napairap ako pero hindi ko nalang din yun inalintana. Pumasok nalang din ako ng tuluyan sa selda at tinanggal na ng pulis ang posas ko. 

Inilock ng pulis ang selda pero hindi ko yun pinansin. Tumingin ako sa paligid at nakita ko ang iba pang mga preso dito na nakatitig lang sa akin. Medyo nairita ako dahil sa akin nakatuon ang lahat ng atensiyon nila pero hindi nalang rin ako umimik.

Napatingin ako sa kabilang selda na nasa tabi lang nito at nakita ko yung isang babae na parang ang sama sama pa ng tingin sa akin. Napansin ko rin na pinapaypayan at minamasahe pa siya ng mga kasamahan niya pero iniwasan ko nalang rin siya ng tingin.

Nang tapos na ang pulis sa ginagawa niya ay umalis na siya kaya lumayo narin ako sa selda. Napatingin ulit ako sa mga kasamahan ko at nakita ko silang nakatitig parin sa akin.

"Alam mo babae, swerte ka."

Pabulong na sabi nung isa kaya napalingon ako sa kanya. Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya. Swerte? Paano ako naging swerte eh nakakulong na nga ako?

Hindi ko nalang rin siya pinansin pero maya maya ay bigla niyang hinawakan ang balikat ko kaya nagulat ako.

"Bakit ka ba nanghahawak bigla?! Sino ka ba?!"

Iritadong tanong ko kaya agad niyang inalis ang kamay niya. Napairap ako at iniwasan ko nalang rin siya ng tingin para hindi ako gaanong mabwiset.

"Sorry. Gusto ko lang naman sanang sabihin na maswerte ka at ditong selda ka napunta. Hindi doon sa kabila."

Sabi niya kaya nagtaka ako. Napatingin ulit ako sa kanya at nakita ko siyang palihim na tinitingnan yung preso sa kabilang selda na sinusuntok at pinagbubugbog ang mga kasamahan niya.

"Kapag diyan ka napunta, siguradong magiging impyerno ang buhay mo."

Patuloy pa niya kaya napalingon ulit ako sa kanya. Tumango tango ako at napatingin ulit ako doon sa kabilang selda. Yun pala ang ibig sabihin niya.

"Sigurado akong madadagdagan na naman ng ilang taon ang sentensya nila."

Sabi niya pero hindi ko siya pinakinggan. Nakatingin lang ako doon habang pinapanood ang palabas na nasa harapan ng kinauupuan ko.

Inobserbaran ko ng maigi ang paraan ng pakikipaglaban nung babaeng bumubugbog sa kanila at napairap ako.

"Tsk. Wala pa nga siya sa kalingkingan ng galing ko. Sana pala doon ako napunta para naman hindi ako masyadong mababagot."

Sabi ko habang nakangisi kaya napalingon sa akin ang taong katabi ko ngayon na para bang gulat na gulat dahil sa narinig niya.

"Huy, wag mo siyang maliitin. Makapangyarihan siya. Kayang kaya ka niyang patayin kapag maririnig niya yang sinasabi mo."

Napairap ako at hindi ko nalang rin siya pinansin. Maya maya ay may dumating na mga pulis at agad nilang pinasok ang selda kung saan nandoon ang mga preso na nag aaway. Inawat nila ang mga ito habang tahimik lang akong nanonood sa kanila.

"Ayan na, ayan na ang mga pulis. Ilang beses na nilang inawat yang mga yan pero mag aaway lang rin naman sila ulit."

Sabi pa niya sabay iling iling. Hindi ako umimik at ibinaling ko nalang ang atensyon ko doon.

"Lider ng sikat sindikato na si Jaime Guevarra, patay na. Mga kawani ng gobyerno na nagpoprotekta sa sindikatong pinamumunuan niya, nahuli na."

Napatigil ako dahil sa narinig ko at napatingin ako sa TV sa may di kalayuan. Doon ko nakitang tinatakpan ng tela ang katawan ni daddy at nakaposas narin ang mga kamay ng mga taong kasabwat namin dati.

Habang nakatingin ako doon ay napaisip ako. Tapos na ang lahat. Wala nang gulo. At pagkatapos kong pagbayaran ang lahat kasalanan ko dito, mababago ko na ang buhay ko.

____________________________

THORNS OF FLAME (LOVE+WAR SERIES #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon