❂ CHAPTER 69 ❂

6 1 0
                                    

[Jace's POV]

Anong——

Napatingin ulit ako kay Addison na nakayuko lang habang hawak hawak parin ang armas niya. Lumingon siya sa akin pero hindi niya ako pinansin at ibinaling niya ulit ang atensyon niya sa ama niya.

"Anong sinabi mo Sapphire? Hindi mo kayang patayin ang lalakeng to?"

Parang nagagalit na tanong ng daddy niya sa kanya habang nanonood kang ako sa kanila. Umiling si Addison bilang sagot na siyang mas lalo pang nagpainit ng ulo sa ama niya.

"You useless piece of shit!"

Nagulat ako nang sinampal ni Mr. Guevarra kaya lumaki ang mga mata ko. Napatingin ulit ako kay Addison na tumutulo na ang mga luha at pipiglas na sana ako mula sa pagkakatali ko pero hindi ko yun kaya.

"Simple lang naman ang utos ko sayo! Patayin mo yang lalakeng yan!"

Sigaw ulit nito habang hindi parin inaangat ni Addison ang ulo niya. Pumikit ako at huminga ako ng malalim bago ako nagsalita.

"Addison, sundin mo ang dad mo. Kill me."

Napalingon siya sa akin na parang gulat na gulat pero nginitian ko lang siya para pagaanin ang loob niya.

"But Jace——"

"Don't worry about me. Besides, everything will be better if I'm already dead."

Sagot ko habang nakangiti parin ng pilit. Napatingin siya sa bat na hawak hawak niya at tumulo ulit ang mga luha niya kaya agad ko siyang inalis sa paningin ko. I hate seeing her crying.

"Sapphire! Kill him already para matapos nato!"

Sigaw ulit ni Mr. Guevarra kaya pumikit na ako. Handa ko nang tanggapin ang kamatayan ko.

"But dad, I can't!"

Sagot ni Addison kaya nagulat ako. What is she—— Kailangan niyang gawin to! Ayokong siya ang mapahamak sa aming dalawa!

"I can't kill him! Bakit ba pinipilit niyo akong gawin to! He said that he will pay for his debt next month kaya hindi pa natin siya pwedeng patayin!"

Mas lalo pang uminit ang ulo ni Mr. Guevarra dahil sa sinabi ni Addison kaya nag alala na ako. Alam kong hindi biro kung magalit si Mr. Guevarra. Ayokong saktan niya si Addison.

"Sapphire, this is not about his debt! This is about you!"

Namuo ang pagtataka sa mga mukha namin dahil sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin?

"I'm doing this para malaman ko kung loyal ka ba talaga sa akin na ama mo at para malaman ko kung may namamagitan ba sa inyo ng bwiset na lalakeng to!"

Sigaw niya kaya napayuko ako. Kasalanan ko to. Kung hindi ako dumating si buhay ni Addison, maayos pa sana ang lahat ngayon.

Natahimik si Addison dahil sa sinabi ng dad niya at napalingon siya sa akin. Tinitigan niya ako saglit habang bitbit bitbit parin ang armas niya. Ang armas niya na siyang gagamitin niya sa pagpatay sa akin.

"Now to prove yourself to me, kill him! Patayin mo siya!"

Sigaw ni Mr. Guevarra pero hindi siya pinakinggan ni Addison. Nakatitig parin siya sa akin kaya ako na mismo ang umiwas ng tingin.

"Sapphire I said——"

"I can't! I love him!"

Dahil sa sagot ni Addison ay sinampal siya ng ilang beses ng ama niya. Nagpumiglas ako para makawala mula sa pagkakatali sa akin para sana pigilan ang daddy niya pero hindi ko yun kaya.

Napatingin ako kay Addison na parang nahihirapan na talaga at tiningnan ko ng masama ang daddy niya. Hindi ako papayag na gaganyanin lang niya si Addison.

"Tama na!"

Sigaw ko kaya napatigil siya sa pananakit niya kay Addison. Napalingon siya sa akin at tiningnan niya ako ng masama. Lumapit siya sa akin at sasaktan na sana niya ako pero hindi niya yun itinuloy. Napatingin siya kay Addison na umiiyak parin saka niya ibinaling ulit sa akin ang paningin niya.

"Sapphire whether you like it or not, you must bring me his head within this day. But if you will fail again, ako na mismo ang pupugot sa ulo nitong pesteng lalakeng kinahuhumalingan mo ngayon. Understood?"

____________________________

THORNS OF FLAME (LOVE+WAR SERIES #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon