❂ CHAPTER 13 ❂

23 3 0
                                    

[Addison's POV]

Dahil sa sinabi ni Jace ay agad namang hinanda ng mga kasamahan niya ang mga kamao nila. Alam kong bubugbugin na nila ako ngayon pero hindi parin ako kumikibo sa kinatatayuan ko.

Hindi ako natatakot na bugbugin. Sanay na akong magkaroon ng mga sugat at mga pasa kaya ayos lang sa akin yun.

Agad nila akong nilapitan at tinabunan nila ulit ng itim ng tela ang ulo ko saka nila ako sinimulang saktan. Sinuntok nila ako ng sinuntok at ipinalo nila ako ng pinalo gamit ang mga kahoy na kanina pa nila bitbit bitbit.

Sobrang sakit ng pagpapalo at pagbubugbog nila sa buong katawan ko pero hindi ko yun inalintana. Pinilit ko parin ang mga binti kong tumayo ng tuwid at hindi ko ipinahalata na nasasaktan na ako.

Maya maya ay naramdaman kong may pumalo ng kahoy sa binti ko kaya tuluyan na nga akong nawalan ng lakas at natumba ako sa sahig. Napahiga ako sa semento pero hindi parin nila tinitigilan ang pananakit nila sa akin.

Nararamdam kong parang nadudurog na ang balat at mga buto ko kaya napapikit ako dahil sa sakit pero hindi ako nanlaban. Gaganti nalang ako sa kanila sa susunod. At ang igaganti ko sa kanila ay mas malala pa sa ginagawa nila sa akin ngayon. 

"Stop boys. Wag niyo muna yang patayin. Kakailanganin pa natin siya kapag mabobored na naman tayo. Lumabas muna kayo."

Natatawang utos ni Jace sa mga minions niya kahit na wala naman talagang nakakatawa tungkol dun. Agad rin namang sumunod ang mga ito at nilayuan na nga nila ako. Mabuti naman.

"Masakit ba, baby girl?"

Pang aasar pa ni Jace sa akin kaya napairap ako. Maya maya ay naririnig ko na ang tunog ng takong ng mga sapatos niya na para bang papalapit sa akin kaya napatingin ako kung saan galing ang tunog na yun. Hindi ko kasi siya nakikita dahil sa itim na telang nakatabon sa mukha ko.

Ilang saglit ay naramdaman kong inalis niya ang tela na nasa ulo ko kaya agad kong sinuot ang hoodie ko at tinabunan ko ang mukha ko. Pipigilan pa sana niya akong gawin yun pero agad kong inilayo ang kamay niya mula sa mukha ko kaya hindi niya yun nagawa. 

"Hoy babae. Paano mo nalaman ang tungkol sa dalawang milyong utang ko? Bakit parang ang dami mong alam tungkol sa akin? At bakit mo palaging tinatago ang mukha mo? Sino ka ba talaga ha?!"

Parang inis na inis at magkakasunod na mga tanong niya kaya napairap ulit ako.

"Pwede bang isa isahin mo yang mga tanong mo? Wag lang atat."

Sagot ko kaya kitang kita ko kung paano siya nainis at nawalan ng pasensya. Umupo siya sa harapan ng mukha ko para makausap niya ako ng maayos pero agad ko siyang iniwasan ng tingin.

"At may lakas ng loob ka pang sagutin ako ng ganyan? Anong klaseng tao ka ba at bakit parang ang tapang mo?"

Galit na galit na tanong niya kaya natawa ako ng mahina. Kaawa awa siya. Wala siyang kaalam alam na nasa harapan na niya ang taong dapat na pagtaguan niya.

"Alamin mo."

Nakangisi kong sagot kaya nawalan na talaga siya ng pasensya. Sasaktan na naman sana niya ako pero hindi niya yun itinuloy kaya napahinga ako ng maluwag.

"Malalaman mo yan kapag magbabayad ka na ng dalawang milyong utang mo."

Nagulat siya dahil sa sinabi ko kaya natawa na naman ako.

"Bakit mo alam ang tungkol sa utang ko? May balak ka bang ipagkalat yun para masira ang reputasyon ko? HA?!"

Tanong niya ulit na para bang galit na galit na talaga kaya natawa ulit ako ng mahina.

"Bakit? Ayaw mo bang may makaalam na may malaking utang ang isang kataas taasan at kagalang galangang lider na katulad mo?"

Pang aasar ko kaya agad niya akong nilayuan at tumayo siya para maalis niya ang paningin niya sa mukha ko. Maya maya ay may naisip akong paraan para makaalis ako dito kaya palihim akong napangisi.

"Wag kang mag alala, hindi ko ipagkakalat ang pagkakautang mo na siyang posibleng dahilan ng pagkabagsak ng imahe mo pati narin ng buong gang mo. Yan ay kung...... palalabasin mo ako dito ngayon mismo."

____________________________

THORNS OF FLAME (LOVE+WAR SERIES #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon