❂ CHAPTER 32 ❂

23 2 0
                                    

[Addison's POV]

Natahimik siya saglit at hinintay niya akong matapos. Maya maya ay nagtaka ako kung bakit hindi pa siya umaalis sa harapan ko pero pinabayaan ko nalang rin siya. Humarap ako sa salamin at doon ko pinunasan ang buhok ko pati narin ang hoodie ko na basang basa.

"Bakit mo nga pala palaging tinatabunan ang mukha mo?"

Napalingon ako sa kanya at nakita ko siyang nakatitig lang sa akin habang nakakunot ang noo. Inayos ko ang hoodie at buhok ko saka ko tinabunan ng maayos ang mukha ko para hindi niya ito makita.

"Bakit mo tinatanong yan?"

Tanong ko habang iniiba ko ang tono ng boses ko. Hindi niya pwedeng marinig ang totoong boses ko dahil baka makilala niya ako.

"Wala lang. I'm just curious."

Sagot naman niya pero hindi ko siya pinakealaman. Hindi nalang rin siya ulit nagsalita kaya tahimik na tahimik lang kami habang nakatayo dito sa CR.

Maya maya ay narinig naming nagbuzzer na pala kaya palihim akong napairap. Ang tagal ko palang nalate, naabutan na tuloy ako ng buzzer.

Peste kasi yang si Jace at yang Black Phyton na yan eh. Kung hindi lang sana nila ako ginulo edi sana nakapasok ako ng mas maaga.

"Are you mad at me?"

Tanong ulit ni Jace kaya napatigil ako sa ginagawa ko. Humarap ako sa kanya at nakita ko siyang seryosong seryoso kaya nagtaka ako.

"Oo."

Tipid na sagot ko kaya natahimik siya ulit. Maya maya ay may hinalungkat siya doon sa bag niya kaya kumunot ang noo ko. Anong hinahalungkat niya doon?

Ilang saglit ay may kinuha siyang bracelet mula sa loob nito kaya nagulat ako. Yan ang bracelet ko na nawawala! Yung mayroong hugis araw na logo ng pamilya namin!

"Sayo ba to?"

Tanong niya habang seryosong seryoso parin. Aangkinin ko na sana ito pero naisip ko na baka alam niya kung anong ibig sabihin ng bracelet nato kaya napatigil ako.

"Hindi. Hindi sa akin yan."

Pagtanggi ko pa kahit na alam kong sa akin nga yun. Kumunot ang noo niya at napatingin ulit siya sa bracelet na hawak hawak niya. 

"Really? Nakita ko kasi to dating suot suot mo."

Sabi niya kaya napatingin ako sa bracelet ko na hinahawakan niya. Napatingin rin ako kay Jace na nagtataka parin pero agad ko siyang inalis sa paningin ko.

"Alam mo ba ang ibig sabihin ng bracelet na yan?"

Tanong ko sa kanya kaya napatingin ulit siya sa akin. Kailangan kong itanong yun para makasigurado akong hindi niya malalaman ang tungkol sa akin at sa pagkatao ko.

Napatingin siya ulit sa bracelet na hawak hawak niya at tiningnan niya ito ng maigi saka siya umiling iling.

"No. Hindi ko alam."

Napahinga ako ng maluwag dahil sa narinig ko. Mabuti naman at hindi pala niya alam ang logo ng pamilya namin. Kukunin ko na sana mula sa kanya ang bracelet pero nagulat ako nang sinalubong ng kamay niya ang kamay ko. Anong——

Napatingin ako sa mga kamay namin na magkahawak at hihilahin ko na sana ito pero mahigpit talaga ang pagkakahawak niya dito kaya hindi ko yun magawa.

Maya maya ay napalingon ako sa pintuan at napansin kong nandito na pala ang mga kagrupo ni Jace. Hinila ko ulit ang kamay ko pero hindi talaga niya ito binibitawan kaya napairap ako. Napatingin ako kay Jace at nakita ko siyang nakatitig lang sa akin kaya agad akong umiwas ng tingin.

"Here you are boss! We've been searching for yo—— Man, are you holding that ugly girl's hand?"

Gulat na gulat na lumingon si Jace sa kanila at agad niyang binitawan ang kamay ko. Binigay na niya sa akin ang bracelet na kanina pa niya hawak hawak saka niya ako nilayuan at nilapitan ang mga kasamahan niya.

"Me? Holding her hand? Hell no! Why would I do that? Tsk."

Nakangisi pang sabi ni Jace habang umaarteng tumatawa kaya natawa narin ang mga kasamahan niya. Hindi ko nalang rin siya pinansin at sinuot ko nalang ang bracelet ko.

"Let's go boys. Where should we vandalize next? Maybe sa classroom?"

Sabi ni Jace sa mga kasamahan niya saka sila umalis. Lumabas na silang lahat ng CR kaya ako nalang mag isa ang nandito. Napahinga ako ng maluwag at inayos ko ulit ang hoodie at ang buhok ko. 

Maya maya ay napansin kong may nakatayo sa gilid ng pintuan kaya kumunot ang noo ko. Napalingon ako roon at nakita ko si Jace na nakatayo doon kaya nagtaka ako. Bakit nandito pa siya? Akala ko ba sumama na siya sa mga kasamahan niya?

"Addison, let's see each other next time."

____________________________

THORNS OF FLAME (LOVE+WAR SERIES #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon