❂ CHAPTER 23 ❂

20 2 0
                                    

[Addison's POV]

Napatigil ako sa pag inom ng kape ko at palihim akong napairap. Kaya pala bumait. Mangungutang pala.

Napaisip ako ng malalim habang nakatingin parin sa kanya. Sigurado akong kaya siya humihiram ng pera sa akin ngayon ay para makabayad siya sa utang niya sa sugalan namin.

Naalala ko ang mahigit tatlong daang milyong pera ko na nasa bahay at napangisi ako ng palihim. Ayokong makabayad siya sa utang niya. Gusto ko muna siyang paglaruan ng paglaruan.

"Wala akong ganung kalaking pera."

Pagsisinungaling ko habang blangko ang ekspresyon sa mukha ko. Dahil sa sinagot ko ay sa tingin ko ay nainis siya kaya agad niya akong inalis sa paningin niya.

Napatayo siya sa kinauupuan niya at sinuntok pa niya ang mesa kaya nagulat ang mga tao sa paligid pero palihim lang akong napairap. Kung sa tingin niya ay natatakot na ako sa ginagawa niya at pahihiramin ko siya ng pera, pwes nagkakamali siya.

"You sure? O ayaw mo lang talaga akong pautangin?"

Parang inis na inis na tanong niya kaya naiangat ulit ang paningin ko sa kanya. Hindi ako sumagot at iinom na naman sana ako pero kinuha niya ang baso ng kape sa kamay ko.

"Tsk. Wala naman palang silbi tong ginagawa ko. Wala kang silbi!"

Sigaw niya kaya napalingon ulit sa amin ang mga tao dito. Napatingin siya sa baso ng kape na dala dala niya at hinagis niya ito sa sahig kaya nagulat ang mga tao. Palihim lang ulit akong napairap pero hindi ko nalang rin siya pinakealaman.

Feeling matapang talaga. Eh alam ko namang duwag talaga siya at kaya lang mataas ang tingin sa kanya ng mga tao ay dahil sa jejemon na gang na pinamumunuan niya.

"Hindi mo ba talaga ako pahihiramin ng pera? Ha?!"

Tanong niya habang tinututukan pa ako ng kamao niya pero kalmadong kalmado parin ako. Sigurado naman akong hindi niya ako papatayin dito dahil maraming tao ang nakapaligid.

Umiling iling lang ako bilang sagot kaya mas lalo pang uminit ang ulo niya. Ibinaba nalang niya ang kamao niya at umalis nalang siya habang halatang galit na galit.

Palihim akong napangisi habang nakatingin sa kanyang para bang galit na galit habang naglalakad palabas ng café. Iniexpect niya talaga sigurong matatakot ako at bibigyan ko siya ng dalawang milyon. Pasensya nalang sa kanya kasi hindi ko gagawin yun.

Napatingin ako sa basag na baso na nasa sahig at tumayo ako. Lumapit ako sa worker dito at kumuha ako ng twenty thousand mula sa bag ko. Inabot ko ito sa kanya kaya nagulat siya.

"Is this enough for the damage?"

Tanong ko sa kanya habang siya naman ay nakatingin lang sa perang inaabot ko sa kanya.

"Yes. But miss, that's actually too mu——"

"Keep the change."

Sabi ko at inilagay ko ang pera sa harapan niya mismo. Tumango nalang rin siya at kinuha na niya ito kaya napangiti ako. Inayos ko ang bag ko saka ako lumabas ng café

Nang binuksan ko na ang pintuan ng café ay napatigil ako nang may humarang sa akin na lalake. Inangat ko ang paningin ko at nakita ko na naman si Jace na nakatitig lang sa akin kaya napairap ako. Hindi pa ba talaga niya ako titigilan?

"I saw what you did."

Oh. So nakita pala niya akong nagbigay ng twenty thousand dun sa worker? Okay. Wala akong pake.

Lalampasan ko nalang sana siya pero hinawakan niya ang braso ko kaya napatigil ako. Hinarap ko siya ulit at nakita ko siyang tinitingnan ako ng masama.

"Give me two million right now! Alam mong mayroon kang maraming pera! Wag kang magpanggap!"

Tiningnan ko ng masama at hinila ko ang braso ko mula sa kamay niya. Wag niya akong hahawak hawakan.

"I'm sorry. I won't."

____________________________

THORNS OF FLAME (LOVE+WAR SERIES #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon