❂ CHAPTER 29 ❂

20 2 0
                                    

[Addison's POV]

"I won!"

Sigaw ko sa kalaban ko sabay tayo at tumawa pa ako ng malakas na malakas. Nagulat siya dahil sa ginawa ko at natahimik siya.

"Now give me two hundred million!"

Utos ko sa kalaban ko habang nakangisi. Tinanguan nalang din niya ako at inutusan na nga niya ang katulong niya na kunin ang mga perang inihanda niya kanina pa.

Nakikipagsugalan ako ngayon sa mga kaibigan ni daddy. Mga mahigit tatlong oras na akong nakaupo dito kaya medyo nangangalay na ako sa kinauupuan ko pero okay lang kasi enjoy na enjoy naman ako.

Maya maya ay dumating na ang katulong ng kalaro ko ngayon na may dala dalang dalawang malalaking maleta kaya napangiti ako. Siguradong pera ang mga laman nito.

"Sapphire, take care of the mansion for a while. May lalakarin lang ako."

Napalingon ako kay daddy at nakita ko siyang bihis na bihis pa. Napangiti ako at tinanguan ko siya as a response bago siya tuluyang umalis.

Nang nakaalis na siya ay itinuon ko ulit ang atensyon ko sa kalaro ko na nasa harapan ko parin. Nginisihan ko siya at napatingin ako sa maletang nasa gilid niya.

"Open it. Gusto kong makasigurado na pera talaga ang laman niyan."

Utos ko kaya natawa siya na para bang hindi makapaniwala.

"Wow miss Sapphire, ilang taon na akong naglalaro dito pero hindi mo parin ako pinagkakatiwalaan?"

Sarcastic na tanong niya kaya napatingin ulit ako sa kanya. Bahagya ko siyang tinanguan para maisip niyang tama nga siya.

"Yep. I don't trust people easily."

Nawala ang ngiti niya at napailing iling siya. Sinunod nalang din niya ang iniutos ko at binuksan nga niya ang mga maletang yun.

Nakatitig lang ako doon at nang nang nabuksan na ito ay napangiti ako nang nakita kong punong puno ito ng pera.

"Happy?"

Tanong pa niya kaya tinanguan ko siya at agad akong tumayo para hawakan ang mga ito. Sa tingin ko matutulog na naman ako ngayon sa higaan na puno ng pera!

Kumuha ako ng iilan nito at niyakap ko ito. Mahal na mahal ko talaga to. Ito lang ang bagay sa mundo na mahalaga para sa akin.

"Okay. Pwede ka nang umalis sa harapan ko. Bibilangin ko lang ang pera ko."

Sabi ko sabay ngisi kaya tumayo na nga siya at umalis na siya sa harapan ko. Nang nakalayo na siya ay napangiti ulit ako at sinimulan ko nang bilangin ang mga ito.

"Can I talk to you for a while?"

Kumunot ang noo ko nang narinig ko yun mula sa likod. Sino yun? At bakit niya gustong makipag usap sa akin?

Lumingon ako sa likod at nakita ko si Jace na parang seryosong seryoso talaga kaya natawa ako. Siya pala. Ano namang ginagawa niya dito?

"I'm sorry, I can't. I'm busy counting my money right now."

Sagot ko at inirapan ko siya. Magpapatuloy na sana ako sa pagbibilang pero bigla niyang hinila ang braso ko saka niya ako dinala sa malayo kaya nagulat ako. What is he doing?

Sinubukan kong bumitiw mula sa kanya pero sobrang lakas talaga ng paghila niya sa akin kaya hindi ko yun magawa. Peste talaga tong lalakeng to!

"Hey! My money! Hindi ko iiwanan ang pera ko!"

Sigaw ko at sinapak ko pa siya pero hindi siya nakinig. Patuloy lang ako sa pagkalas mula sa kanya at maya maya ay nagulat ako nang napansin kong nandito na pala kami sa loob ng guestroom namin.

"What are we doing here?"

Pagtatakang tanong ko habang tinataasan ko siya ng kilay. Binitawan na niya ako kaya napahinga ako ng maluwag. Mabuti naman at may balak pa pala siyang bitawan ako.

Napatingin ako sa kanya at nakita ko siyang nakatingin lang ng seryosong seryoso sa akin pero hinayaan ko lang siya saka ko siya inirapan.

"We need to talk."

____________________________

THORNS OF FLAME (LOVE+WAR SERIES #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon