❂ CHAPTER 51 ❂

9 3 0
                                    

[Addison's POV]

"Uy mare alam mo ba yung chismis ngayon?"

"Ano yun mare kwento mo naman!"

"Mare may classmate daw tayo na buntis!"

"Hala! Sino mare!"

"Halika bulong ko dali!"

Napairap ako habang palihim na nanonood sa mga classmates kong chismosa. Hindi ko nalang rin sila pinakealaman at iniwas ko nalang ang paningin ko sa kanila.

Napatingin ako sa paligid at napansin kong kakaunti pa pala kami dito sa classroom. Masyado atang napaaga ang pagpasok ko ngayon. Mabuti narin yun kaysa naman sa malelate na naman ako.

Hinanap ko sa paligid si Carl pero hindi ko siya nakita kaya naisip ko na baka hindi pa siya dumadating. Napahinga ako ng maluwag at umupo ako ng maayos sa upuan ko.

"At eto pa mare! Diba narinig ko yung chismis nila ni Jace at yung weirdo na babae? Sabi nila pinagkakatuwaan lang daw talaga ng Black Phyton yung babaeng yun! Kawawa mare! Binuhusan siya ng mainit na kape sa ulo doon sa café na nasa labas ng campus! Hahaha!"

"Wow talaga mare! Epic yun! Sana nakita natin!"

"Sana nga mare! Kawawa daw talaga yung weirdo na babae! Basang basa! Buti nga sa kanya!"

Narinig kong pinag uusapan pa nila kami ni Jace kaya napairap ulit ako. Ano bang pake nila sa mga buhay namin? Patayin ko yang dalawang yan eh.

Maya maya ay napansin siguro nilang nanonood lang pala ako sa kanilang dalawa kaya napatingin sila sa akin. Nagtawanan pa sila saglit habang pinagbubulungan ako kaya napairap ulit ako pero hindi ko nalang rin sila pinansin. Bwiset yang dalawang yan.

"Addison..."

Narinig ko yun mula sa pintuan kaya napalingon ako roon. Nakita ko si Jace na nag iisa at parang disenteng disente ang ayos kaya kumunot ang noo ko.

Nakapolo kasi talaga siya at nakasapatos rin. Dati kasi palagi nalang siyang naka leather jacket at naka tshirt ng kulay itim. Maayos rin ang pagkakasuklay buhok niya at naka- ID pa siya. Ano bang nakain nitong lalakeng to at bakit ganyan ang ayos niya ngayon? May sanib ba to?

"O-M-G Ang gwapo mare!"

"Oo nga mare!"

Napatingin ulit ako sa mga babaeng yun at napairap ulit ako. Hindi ko nalang rin sila pinansin at yumuko nalang ako para maalis ko ang mga pagmumukha nila sa paningin ko.

"Addison, tabi tayo."

Inangat ko ulit ang noo ko kay Jace at nakita ko siyang nakangiti pa na para bang nagpapacute. Natawa ako ng mahina at tinanguan ko nalang rin siya para tumigil na siya.

"Seryoso ba siya? Tatabihan niya yang weirdong yan?"

"Eww! Hindi no! Baka pagtitripan lang niya ulit yang babaeng yan!"

Napairap ulit ako at tiningnan ko sila ng masama. Napatingin ako kay Jace na nakatayo parin sa harapan ko at napansin kong pinakikinggan niya rin pala ang sinasabi ng mga babaeng yun.

"Sa likod nalang pala ako uupo. Diyan nga pala nakaupo si Carl sa tabi mo."

Sabi pa niya at umalis na siya sa harapan ko. Siguradong nasabi niya yun dahil sa narinig niyang usapan ng dalawang chismosa dito sa classroom namin. Kilala ko siya. Mahalaga para sa kanya ang imahe niya dito sa campus.

"Oh diba? Sabi ko naman sayo eh! Hindi niya tatabihan yang weirdo na yan!"

"Oo nga naman mare. Yang weirdong babae yan tatabihan ni Jace?"

Napairap ako at palihim ko ulit silang tiningnan ng masama. Pwede bang patayin ko nalang sila ngayon mismo? Nakakaubos ng pasenysa eh!

Pinigilan ko nalang rin ang sarili ko at palihim ko nalang na tiningnan si Jace na nasa likod ko. Nahuli ko siyang nakatitig lang sa akin kaya agad siyang umiwas ng tingin at tumingin siya sa malayo.

Kapag kaming dalawa lang, hindi siya nahihiyang lumapit sa akin at sinasabihan pa niya akong mahal daw niya ako. Pero kapag may ibang taong nakapaligid sa amin, iniiwasan niya ako na para bang nandidiri siya sa akin.

Mas inportante pa pala sa kanya ang imahe niya kaysa sa akin.

____________________________

THORNS OF FLAME (LOVE+WAR SERIES #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon