❂ CHAPTER 26 ❂

19 2 0
                                    

[Addison's POV]

"Here you are, boss."

Narinig namin ni Jace na may nagsalita sa labas ng pintuan kaya agad niya akong nilayuan habang nakangisi parin.

"Yeah. Narealize ko na hindi pa pala natin to napipirmahan. Boys, did you bring the paint?"

Tanong ni Jace habang humaharap sa kanila. Napairap ako at napailing iling. Dudumihan pala nila tong CR.

"We didn't boss. Hindi ka kasi nagsabi."

Tumango tango nalang din si Jace bago siya humarap ulit sa akin.

"I'm gonna leave you now, babygirl."

Sabi pa niya at nagtawanan silang lahat bago sila umalis. Napairap ako pero hinayaan ko nalang din silang iwan ako ng mag isa.

Nag antay muna ako ng ilang saglit bago ko naisipang lumabas. Palabas pa lang ako ng CR ay kitang kita ko na ang mga schoolmates ko na nag aabang sa akin sa labas ng pintuan kaya nagtaka ako. Bakit nila ako inaabangan?

"Hey, weirdo. Linisin mo nga yung kalat ng kasama mo!"

Sigaw nung isa na para bang inuutusan ako kaya nagtaka ako. Kasama ko? May kasama ba ako?

"Sorry, wala akong kasamang iba. Ako lang mag isa."

Mahina kong sagot kaya napairap siya at napatingin siya sa ibang mga babaeng nakapaligid sa kanya.

"Eh sino yung lalakeng buntot ng buntot sayo? Nagpapalusot ka pa eh!"

Sigaw ulit nito kaya napairap ako. Si Jace yung sinasabi nilang kasama ko. Sigurado ako.

"Hindi ko siya kasama. Kaya hindi ko lilinisan ang dumi niya."

Napairap ulit siya at nilapitan niya ako. Hinila niya ang braso ko saka niya ako pinabalik sa loob ng CR pero hinayaan ko lang siyang gawin yun.

Binuksan niya ang cubicle na ginamit ni Jace kanina saka niya ako tinaasan ng kilay.

"Clean that. Kasalanan mo kung bakit dumumi yan kaya ikaw ang maglinis niyan!"

Utos pa nito sabay dinuraan pa niya ang cubicle na yun saka siya umalis. Narinig kong nagtawanan pa yung mga pesteng mga babae sa labas kaya napairap ako.

Napatingin ako sa loob ng cubicle at nagulat ako nang nakita kong sobrang dumi nga nito. May mga sulat ng ballpen ang dingding at sobrang dami pa ng putik sa sahig.

Sinilip ko ang bowl at nang nakita kong may something na lumulutang sa loob ay napatabon ako sa bibig ko nang muntik na akong masuka. Kadiri!

"Enjoying the view?"

Nagulat ako nang may nagsalita sa likod ko kaya agad akong napalingon doon. Nakita ko na naman si Jace na nakatingin lang din sa tinitingnan ko kaya tiningnan ko siya ng masama. Siya ang may gawa nito eh!

"Anyways, I can help you cleaning that."

Niliitan ko siya ng mata at hindi ko siya pinansin. Wag niya akong pagbiruan.

"Hey, I'm serious. Pwede akong tumulong. It sucks for me seeing other people cleaning my mess."

Napalingon ulit ako sa kanya at hindi ko ulit siya pinansin. Edi wow. Ayaw daw niyang makakita ng ibang tao na nililinisan ang dumi niya eh halos araw araw nga niyang dinudumihan tong campus nato.

Nang napansin niyang parang hindi ako naniniwala sa sinabi niya at umalis na siya kaya napahinga ako ng maluwag. Akala ko ay hindi na siya babalik pero maya maya ay nakita ko siyang may dala dalang mop at iba pang panlinis kaya nagulat ako. Anong kabulastugan to?

"Just stand there. Ako ang maglilinis nito."

Sabi niya sabay nginitian pa niya ako kaya agad akong umiwas ng tingin. Unang beses ata siyang ngumiti ng ganyan sa akin.

Hinubad niya ang leather jacket niya saka niya sinimulan ang paglilinis sa loob ng cubicle habang nakatayo parin ako. Wala akong pake sa kanya. Kaya lang naman niya siguro ginagawa to ay para mabigyan ko siya ng dalawang milyon. Tsk.

"By the way, I'm sorry for those girls that treated you rudely earlier. Don't worry, tuturuan ko sila ng leksyon."

____________________________

THORNS OF FLAME (LOVE+WAR SERIES #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon