❂ CHAPTER 38 ❂

21 2 0
                                    

[Addison's POV]

Tahimik lang akong nakaupo sa classroom habang nakayuko. Hinihintay lang ng mga classmates ko ang buzzer para uwian habang tahimik na tahimik kami. 

May exam kasi kami kanina at ninety percent yun ng magiging grade namin kaya no choice kami kundi ang ayusin ang test na yun. Wala kasi sa amin ang niisang gustong bumagsak at magpaiwan sa nakakabwiset na school year nato.

Nakakabwiset din kasi yung bagong professor namin. Terror na terror. Ang gusto niya talaga ang masusunod. Napairap ako dahil sa naisip ko pero hindi nila yun nakita dahil sa buhok na nakatabon sa mukha ko.

Maya maya ay napansin kong may bumato ng papel sa likod ko kaya nagtaka ako. Napalingon ako doon at nakita ko si Jace na nakatitig lang sa akin na para bang hindi nakikikinig sa discussion ni prof kaya napairap ako.

Hindi ko nalang rin siya pinansin at ibinalik ko nalang ang paningin ko sa board kahit na nabobored na ako sa kakatitig doon at nabobored narin ako sa discussion ng prof naming panot.


"Okay class! Open your textbook and——"

Hindi natuloy ni prof ang gusto niyang sabihin nang biglang nagbuzzer. Napatayo ang mga kaklase ko maliban sa akin at agad silang nagsilabasan ng classroom kahit na wala pang sinasabi si prof na pwede na kaming umuwi.

"Wait students! Wala pa akong sinasabing——"

"Goodbye prof!"

Natawa ako habang nakatingin kay prof na sinusubukan pang pabalikin ang mga classmates ko sa mga kinauupuan nila pero hindi niya yun magawa.

Hinintay ko munang makaalis ang lahat ng mga classmates ko bago ako tumayo sa kinauupuan ko. Ayokong makipagsiksikan sa hallway kaya nagpahuli na ako.

"Halika."

Nagulat ako nang may humila sa braso ko palabas ng classroom nato kaya lumaki ang dalawang mga mata ko. Anong——

Tiningnan ko kung sino ito at nakita ko si Jace na para bang seryosong seryoso kaya nagtaka ako. Bakit niya ako hinihila? Saan niya ako balak dalhin? Aba put——

"Bitawan mo ako!"

Sigaw ko at nagpumiglas pa ako sa kanya pero hindi ko talaga kayang makawala mula sa kanya dahil sobrang higpit ng pagkakahawak niya. Bwiset!

"May kailangan akong malaman tungkol sayo!"

Singhal niya at pumasok kami doon sa bakanteng classroom. Lalabas na sana ako mula rito para makalayo sa kanya pero bigla niyang nilock ang pintuan nito kaya nagulat ako. Bakit niya yun nilock? Anong gagawin namin dito sa loob?!

"Let's talk!"

Bigla niyang hinawakan ang dalawang balikat ko at ibinangga niya ang likod ko sa pader kaya napapikit ako dahil sa sakit. Ano bang ginagawa niya? Ano bang kailangan naming pag usapan?

"Get off me! Ano ba!"

Sigaw ko at nagpumiglas pa ako mula sa kanya pero mas lalo pa niyang hinigpitan ang paghawak sa dalawang balikat ko. Aba bwiset to ah!

"May kailangan tayong pag usapan. Addison."

Mahinahong sabi niya kaya nagtaka ulit ako. Ano nga ba kasi yang kailangan naming pag usapan? Napatingin ulit ako sa kanya at nakita ko siyang seryosong seryoso habang nakatitig lang sa akin. Agad ko namang tinabunan ng maayos ng hoodie at buhok ang mukha ko para hindi niya ito makita.

May kinuha siya mula sa bulsa niya kaya tiningnan ko naman ito ng maigi. Nang nakita kong yun pala ang bracelet ko na nahulog ko a day ago ay nagulat ako at lumaki ang mga mata ko.

"Sayo bato? At kung sayo nga to, bakit nasa mansyon to ng mga Guevarra? Anong ginagawa mo doon at bakit ka nandoon?!"

Tanong niya na parang galit na galit habang hindi parin niya binibitawan ang balikat ko. Sinubukan ko ulit na pumiglas mula sa kanya pero hindi ko talaga yun magawa kaya napairap ako. Tong bwiset na lalakeng to!

"Bakit ba?! Ano bang pake mo sa akin?! Bakit ba ang dami dami kong tanong sa akin?! At bakit araw araw mo nalang akong ginugulo?!"

Singhal ko sa kanya at sisigawan ko na naman sana siya pero nagulat ako nang bigla niyang inilapit ang mukha niya sa akin. Para akong naestatwa sa kinatatayuan ko at itataboy ko na sana siya pero napatigil ako dahil sa sunod na sinabi niya.

"Because I love you, you bitch!"

____________________________

THORNS OF FLAME (LOVE+WAR SERIES #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon