❂ CHAPTER 45 ❂

17 2 0
                                    

[Addison's POV]

Nakatingin lang ako sa pintuan ng classroom habang nakaupo. Tahimik na tahimik ko itong tinititigan habang hindi parin ako kumikibo. Ewan ko kasi sa sarili ko, para bang may hinihintay akong dumating.

Maya maya ay dumating na si Carl pero hindi ko siya pinansin. Hinayaan ko nalang din siyang umupo sa tabi ko kahit na ayaw ko sanang may katabi.

"Kamusta Addison?"

Tanong niya habang nakangiti pa kaya pilit ko nalang rin siyang nginitian. Tinanguan ko siya bilang sagot na okay lang ako saka ako umiwas ng tingin. Tinabunan ko ulit ng maayos ang mukha ko ng buhok at hoodie dahil medyo nakikita ito.

"Parang kanina mo pa ako hinihintay ah. May kailangan ka ba sa akin?"

Siya? Hinihintay ko? Assumero.

Hindi siya ang hinihintay ko. Iba. Hindi ko alam kung sino.

"Huy tinatanong kita. May kailangan ka ba?"

Lumingon ako sa kanya at umiling iling nalang ako bilang sagot. Ang kulit niya kasi. Tanong ng tanong.

"Wala. Wala akong kailangan."

Tipid na sagot ko sa kanya at tumango tango naman siya. Mabuti naman at mukhang titigil na siya.

Maya maya ay narinig ako ng maingay sa labas kaya napatingin ulit ako doon. Ilang saglit ay bumukas ulit ang pintuan at nakita ko si Jace na papasok ng classroom kasama ang mga kasamahan niya.

As usual, nagkukwentuhan at nagmumurahan sila, maliban kay Jace. Tahimik na tahimik lang siyang naglalakad patungo sa upuan niya.

"Boss, ayan boss oh! Yang babaeng yan ang bumugbog sa amin noong isang araw! Siya yun!"

Sigaw nung isang kasamahan niya habang nakaturo pa sa akin kaya napairap ako. Natatandaan pa pala nila ako at yung ginawa ko sa kanila. Akala ko ay titingin na si Jace sa akin pero hindi, nakatulala parin siya at napapansin kong parang iniiwasan na niya ako ng tingin.

"Boss. Tapusin na natin yan."

Sabi naman nung isa sabay kinablit pa nito si Jace. Tumingin si Jace sa akin pero agad din niya akong iniwasan ng tingin na para bang ayaw na ayaw niya akong tingnan.

"Pabayaan niyo nalang siya. Atsaka, kalalake niyong tao natalo kayo ng isang babae? Ang hihina niyo. Tsk."

Sagot niya sa mga kasamahan niya kaya natahimik ang mga ito. Medyo nagtaka ako sa inaasal niya ngayon pero pinabayaan ko nalang rin siya.

Nilampasan nila ako at umupo na sila sa bandang likod ko. Hindi ko nalang sila pinansin at palihim kong tiningnan si Jace na kanina pa iwas ng iwas ng tingin sa akin.

Agad ko siyang inalis sa paningin ko at tumingin nalang ako sa board. Kung iniiwasan na nga niya ako, mabuti naman. Wala na akong kaiinisan at kaiinitan ng ulo.

"Mukhang tinigilan ka na ng Black Phyton ngayon ah. Mabuti naman."

Bulong ni Carl sa akin kaya napalingon ako sa kanya. Hinawi ko ng bahagya ang buhok ko para makita niya ang mukha saka ko siya nginitian. Nginitian din naman niya ako at umiwas na siya ng tingin.

Ibinalik ko sa dating ayos ang mukha ko saka ulit ako tumitig sa board. Wala naman akong ibang lugar na pwedeng tingnan kundi doon lang.

"Boss, wala ka ba talagang planong patumbahain yan?"

Bulong ng isa sa mga kasamahan ng Black Phyton pero rinig na rinig ko naman yun. Napairap ako at nakinig naman ako ng mabuti habang hindi ko yun ipinapahata.

"Wala. Pabayaan nalang natin siya."

Sagot ni Jace kaya nagtaka ako. Bakit wala na siyang balak na guluhin ako? Akala ko ba gustong gusto niya akong asarin?

Napalingon ako sa kanya sa likod kaya napatingin rin siya sa akin. Nang nagtama ang mga paningin namin ay agad akong umiwas ng tingin at ganun rin naman ang ginawa niya.

Well. Kung iniiwasan na niya ako, mabuti narin yun. Makakapag aral at makakagraduate ako ng maayos. Makakaalis narin ako sa pesteng eskwelahan nato at magiging pinuno na ako ng sindikato namin.

"Pero boss——"

"Hayaan niyo nalang siya. Wag na wag niyo siyang gagalawin."

____________________________

THORNS OF FLAME (LOVE+WAR SERIES #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon