❂ CHAPTER 43 ❂

17 2 0
                                    

[Addison's POV]

"Talo ka! Akin na ang labinlimang milyon ko!"

Sigaw ko habang nagsusugal. Nginisihan lang ako ng kalaro ko at kaagad siyang kumuha ng dalawang bag mula sa ilalim ng mesa kaya napangiti ako. Sigurado akong pera yun.

"Here you go. Fifteen million."

Napangisi ako at kinuha ko kaagad ang mga bag na ito saka ko binuksan at hinalungkat. Napangiti ako nang nalaman kong pera pala talaga ang mga laman noon at niyakap ko pa ito.

"Thanks for the great game, Ms. Guevarra."

Pagpapasalamat nito kaya tinanguan ko naman siya. Kinuha ko na ang mga pera ko at aakyat na sana ako sa kwarto ko pero napatigil ako nang nakita ko si Jace sa may pintuan. Kumunot ang noo dahil sa pagtataka. Anong ginagawa niya dito?

Inilagay ko muna ang pera ko sa ibabaw ng mesa bago ko siya nilapitan. Nang nakita na niya ako ay agad niya akong nilapitan na para bang seryosong seryoso kaya nagtaka ako.

"Hello there, Jace Ralph Javier."

Bati ko sabay lapit sa kanya pero agad niya akong hinila palabas ng mansion. Aba at-- Anong ginagawa ng lalakeng to?

"Saan mo ba ako dadalhin? Bitawan mo nga ako!"

Sigaw ko kaya binitawan naman niya ako kaagad. Mabuti naman.

"Nasaan si Addison? Ilabas mo si Addison!"

Whut?

Natawa ako dahil sa sinabi niya kaya nagtaka siya. Hindi niya alam na yung taong hinahanap niya ay nasa harapan lang niya pala. Napakatanga.

"Walang Addison dito. Sorry."

Sagot ko habang tinataasan ko siya ng kilay. Napangisi lang naman siya na para bang hindi siya naniniwala at nilapitan niya ako.

"Eh paano napunta tong bracelet ni Addison dito? Ha?!"

Singhal niya at itinaas pa niya ang bracelet ko na kanina pa niya hawak hawak. Inirapan ko lang siya at tinaasan ko siya ulit ng kilay.

"Sigurado ka bang kay Addison mo yan? Maraming kapareha ang bracelet na yan. Wag kang pakakasigurado. Tsss."

Sagot ko kaya ibinaba na niya ang bracelet at napatango tango siya. Mabuti naman. Ayokong malaman niya ang totoong pagkatao ni Addison. O ang totoong pagkatao ko.

"Tama ka. Baka nga hindi sa kanya to."

Inilagay na niya sa bulsa niya ang bracelet ko na kanina pa niya hawak hawak kaya napahinga ako ng maluwag. Sana naman hindi na niya ako guguluhin tungkol doon.

"By the way, gusto kong magpatulong sayo."

Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya. Magpatulong? Sa akin? Nag iisip ba siya?

"Bakit ka magpapatulong sa akin eh hindi ka pa nga nakakabayad sa utang mo diba?"

Pagtataray ko pa kaya natahimik siya. Hindi siya nakapagsalita ng ilang saglit habang nakatingin parin sa akin.

"No, hindi materyal na bagay ang kailangan ko. I need advice."

Whut the-- Advice? At bakit siya sa akin humihingi ng advice?

"Please, I don't have anyone to talk with. Ikaw lang ang babaeng kakilala at medyo close sa akin kaya ikaw lang din ang pwede kong makausap."

Napairap ako saka ulit ako napatingin sa kanya. Is he joking or what?

"Why don't you talk to that Addison? Diba palagi mo pa nga siyang sinasamahan sa campus niyo?"

Tanong ko pa na para talagang hindi talaga ako ang tinutukoy ko.

"Hindi ko siya pwedeng kwentuhan tungkol dito. Dahil tungkol sa kanya ang gusto kong pag usapan natin."

Ah. Kaya pala. At bakit naman siguro niya ako gustong pag usapan? May balak ba siyang patayin ako?

"Please. Just a few minutes. We will just talk for a few minutes."

Napatingin ulit ako sa kanya at nakita ko siyang nagpapuppy eyes pa kaya napairap ako. Bakit niya ginagawa yan? Hindi bagay sa kanya.

Hindi ko nalang rin siya pinansin at tumango nalang ako. Wala namang mawawala kapag makipag usap ako sa kanya.

"Okay then. Let's go inside."

____________________________

THORNS OF FLAME (LOVE+WAR SERIES #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon