❂ CHAPTER 58 ❂

9 2 0
                                    

[Addison's POV]

"Sapphire, we need to talk. About Jace Ralph Javier."

Napalingon ako sa taas ng hagdan at nakita ko si dad na parang galit na galit at seryosong seryoso. Tinanguan ko naman siya kaya bumaba na siya para makapag usap kami ng maayos.

"Totoo bang may namamagitan ba sa inyong dalawa ng lalakeng yun?"

Nagulat ako sa tanong na yun pero pinilit ko ang sarili kong wag yun ipahalata. Agad akong umiling iling bilang pagtanggi sabay ngiti pa.

Hindi niya pwedeng malaman ang tungkol sa amin ni Jace. Dahil kapag mangyayari yun, malalagay si Jace sa panganib. At ayokong mangyari yun sa kanya.

"Of course not! Bakit ko naman papatulan ang cheap na katulad niya?"

Sabi ko pa habang umaarte na para bang natatawa. Napatingin ako kay daddy na para bang hindi naniniwala sa sagot ko pero maya maya ay tumango nalang rin siya. Mabuti naman at sa tingin ko ay napaniwala ko siya.

"Mabuti naman. Dahil sa oras na malalaman ko na may namamagitan nga sa inyo, hindi na kita kikilalanin pang anak."

Sagot ni daddy na para bang nagbabanta. Tumango nalang rin ako habang nakangiti habang itinatago ko ang totoong nararamdaman ko. Umalis na siya sa harapan ko kaya napahinga ako ng maluwag.

Hinintay ko muna siyang makalayo bago ako lumabas ng lounge at umupo ako sa bench. Napatingin ako sa araw na nasa silangan at napangiti ako.

Isa lang ang naalala ko kapag nakikita ko ang araw. Si Jace.

Napalingon ako sa tabi ko na walang nakaupo at nakaramdam ako ng lungkot. Dito kami umuupo dati noong maayos pa ang lahat. Noong hindi pa niya nalalaman ang totoong pagkatao ko bilang si Addison.

Napayuko ako nang naisip ko yun. Kung gusto niyang maging si Addison nalang ako habang buhay at kakalimutan ko na ang pagiging Sapphire, gagawin ko yun. Para sa kanya.

Maya maya ay napansin kong may humintong sasakyan sa bandang malayo kaya napalingon ako doon. Napag alaman kong mga utusan pala namin yun kaya agad akong tumayo at sinalubong ko sila.

Sila ang inutusan ko para alamin kung nasaan na ba si Jace ngayon. Umalis siya kahapon sa umaga at hanggang ngayon ay hindi parin siya nagpaparamdam kaya nag aalala na ako.

"Miss Sapphire."

Tawag sa akin nito saka siya tumayo ng tuwid. Habang lumalapit ako sa kanya ay napatingin ako sa dala dala niyang brown envelope at alam ko kung ano ang laman nito.

"Nagawa mo ba ang inutos ko?"

Tanong ko saka ako huminto sa harapan niya. Tinanguan naman niya ako at iniabot niya sa akin ang bitbit bitbit niyang brown envelope kaya tinanggap ko naman ito.

Binuksan ko ito at nagulat ako dahil sa nakita ko. Nakita ko si Jace na naglalasing sa bar habang may kasamang babae. Napairap ako pero bago pa uminit ang ulo ko ay nagsalita ang lalakeng nasa harapan ko ngayon kaya nabaling ang atensyon ko sa kanya.

"Nasa Country's Bar kagabi si Jace Ralph Javier habang kasama niya ang pinsan niya."

Kumalma ako dahil sa narinig ko at napahinga ako ng maluwag. Mabuti naman at pinsan lang pala niya yun. Kung sino mang babae ang lalapit sa kanya ay hindi ako magdadalawang isip na ibaon siya sa hukay ng buhay.

"Really? Good. Ngayon ko lang nalaman na may pinsan pala siya. By the way, mamaya ko na ibibigay ang sweldo mo. Nasa kwarto ko pa ang pera."

Sabi ko kaya tumango naman siya kaagad. Napatingin ako sa loob ng kotseng sinasakyan niya at nakakita ako doon ng mga torturing devices kaya kumunot ang noo ko. Wala naman akong iniutos na bumili siya ng ganyan ah.

"Who told you to buy that stuffs?"

Tanong ko habang nakaturo doon. Napatingin din naman siya sa tinuturo ko at humarap ulit siya sa akin para sagutin ang tanong ko.

"Mr. Guevarra told me to buy that for Jace Ralph Javier. He's planning to torture him."

____________________________

THORNS OF FLAME (LOVE+WAR SERIES #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon