❂ CHAPTER 76 ❂

6 1 0
                                    

[Addison's POV]

"Pinatay mo na ba?"

"Hindi pa pwede boss. Maraming nakabantay na mga pulis."

Kumunot ang noo ko habang palihim akong nakikinig sa kanila. Sinong pinag uusapan nila?

Palihim akong napatingin sa kanila at nagtaka ulit ako. Maya maya ay napatingin ako sa utusan ni daddy at nakita ko siyang may dala dalang envelope. Binasa ko ng mabuti ang nakasulat doon kahit na malayo yun mula sa akin.

"Javier Files"

Nagulat ako dahil sa nabasa ko. Javier, yan ang apilyedo ni Jace. Hindi ako pwedeng magkamali.

Dali dali akong tumayo at lumabas sa lugar nato. Hinanda ko ang baril na dala dala ko saka ako nagtago sa gilid ng pintuan. Aabangan kong lumabas ang utusan na yun ni daddy. May kailangan akong malaman.

Nag abang ako rito ng ilang minuto bago ako nakarinig ng mga yapak. Ilang saglit at napansin kong lumabas na ito kaya agad ko siyang hinila at ibinangga ko ang likod niya sa pader. Nagpumiglas siya mula sa akin kaya hinawakan ko ang leeg niya para hindi siya makawala.

Napahawak siya sa kamay kong nakasakal sa kanya habang nagsusumikap na makahinga. Tiningnan ko siya ng masama bago ko siya tinutukan ng baril sa ulo kaya nagulat siya.

"Ano ang mga nalalaman mo tungkol kay Jace?"

Diretsong tanong ko habang tinututukan ko parin siya ng baril. Umiling siya bilang pagtanggi kaya mas hinigpitan ko pa ang pagkakahawak sa baril ko at mas idiniin ko ito sa ulo niya.

"Wala akong——"

"Wag kang magsinungaling. Alam kong meron kang nalalaman tungkol sa kanya at may plano kayo ng daddy ko na ikapapahamak niya!"

Singhal ko kaya napapikit siya dahil sa kaba. Naghintay ako ng ilang saglit at maya maya ay nagsalita na siya kaya nakinig ako ng mabuti.

"Oo, meron akong nalalaman tungkol sa kanya. Nasa bilangguan siya ngayon, nakulong siya dahil sa pagpatay ng sariling mga magulang niya at sa iba pang mga pinagnakawan niya. Naging magnanakaw siya at ng pinsan niya sa loob ng ilang buwan bago niya nagawa yun."

Sagot niya kaya nagulat ako at nabitawan ko siya. Napatulala ako saglit dahil sa nalaman ko. Nakakakulong si Jace dahil pinatay niya ang sariling mga magulang niya?

Alam ko kung bakit niya ginawa yun. Ang mga magulang niya mismo ang sumira sa buhay niya kaya malaki ang galit niya sa kanila. Kung ako ang nasa posisyon niya, siguro ganun din ang gagawin ko.

Sobrang laki ng kasalanan na nagawa ni Jace. Pero hindi ko siya masisisi, alam ko ang naging nakaraan niya sa kamay ng sariling mga magulang niya. Hindi madali ang pinagdaanan niya.

Nakaramdam ako ng pag aalala at pagkalungkot. Gusto ko siyang puntahan. Gusto ko siyang kamustahin. Pero hindi pwede. Mapapahamak lang siya dahil sa akin.

Pero, mas mapapahamak lang siya kung wala akong gagawin. Paniguradong alam na ni daddy ang tungkol sa mga nalaman ko ngayon kaya kailangan ko siyang protektahan.

Napairap ako at napatingin ako sa taong kaharap ko ngayon. Tiningnan ko ulit siya ng masama kaya napalunok siya dahil sa takot.

"Alam mo ba kung nasaan siya ngayon?"

Matigas na tanong ko kaya agad siyang tumango at dali dali niyang kinuha ang envelope na nasa bulsa niya. Inabot niya ito sa akin kaya agad ko naman itong kinuha at itinago sa bulsa ko. Hindi ko ito pwedeng maiwala.

"Nandyan ang lahat ng nalaman ko tungkol kay Jace. Duplicate yan ng mga files na ibinigay ko sa ama mo."

Sabi niya na halatang kinakabahan parin. Tumango ako at aalis na sana ako pero naramdaman ko na parang may malamig na metal na nakatutok sa ulo ko. Lumingon ako at nakita ko si daddy na tinututukan ako ng baril.

"You little brat."

____________________________

THORNS OF FLAME (LOVE+WAR SERIES #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon