❂ CHAPTER 81 ❂

4 1 0
                                    

[Addison's POV]

"Kasali ka ba sa sindikato ng mga Guevarra?"

Tanong ng isa sa mga pulis na kaharap ko ngayon kaya naiangat ko ang paningin ko sa kanila. Bahagya akong tumango bilang sagot.

"Oo. Ampon ako ng lider ng sindikato na yun."

Sabi ko kaya tumango tango naman siya. May isinulat siya doon sa notes niya habang tahimik lang akong nakaupo. Ang ibang mga kasamahan naman niya ay nagkatinginan sa isa't isa na para bang may pinag uusapan gamit ang mata.

Alam kong ilang oras nalang ay ikukulong na nila ako, pero tanggap ko na yun. Marami akong nagawang kasalanan kaya dapat ko yung pagbayaran.

"Miss Guevarra, pwede mo ba kaming matulungan na mahuli ang lahat ng kasamahan ng sindikato ng ama mo at ang mga kawani ng gobyernong pumoprotekta rito?"

Tanong niya kaya tumango ulit ako sabay ngiti ng bahagya.

"Oo."

Sagot ko habang nakangiti parin. Gusto ko nang matapos ang lahat ng sinimulan ni daddy. Gusto ko nang bumagsak ang sindikatong pinamumunuan niya dahil kapag gagawin ko yun ay tuluyan na rin akong magiging malaya.

Huminga ako ng malalim at napatingin ako sa mga kamay ko na nakaposas. Nakayuko lang ako at maya maya ay inangat ko ulit ang mga pulis na kaharap ko ngayon.

"Miss Guevarra, totoo bang ikaw ang pumatay kay Mr. Blake Ulysses Mendez, Mr. Harold Suarez, at sa iba pang mga anak ng mga senador na kasalukuyan paring nawawala?"

Diretso at matigas na tanong nito kaya bumigat ang pakiramdaman ko. Tumango ako bilang pag amin sa mga kasalanan ko at bilang sagot sa tanong na yun.

"Oo."

Tumango tango siya at napatingin ulit siya sa mga kasamahan niya na nagtitinginan parin.

"Ms. Guevarra, pwede mo bang sabihin kung bakit mo sila pinatay?"

Tanong niya ulit kaya tumango na naman ako bilang sagot.

"I did it for self defense. All of them almost harassed me. So I have no choice but to kill them kasi alam kong hindi naman ako papaniwalaan ng lahat kung magsusumbong ako."

Sagot ko kaya tumango tango ang taong kaharap ko at may inilista na naman siya. Maya maya ay lumapit sa akin ang isa sa mga pulis na kanina pa nakapaligid sa amin at sinuntok niya ang mesa kaya nagulat ako.

"Bakit parang ang dali lang para sayong aminin ang lahat ng krimeng ginawa mo? May binabalak ka ba?!"

Galit na galit at pasigaw na tanong nito kaya agad akong umiling bilang pagtanggi.

"Wala! Wala akong binabalak!"

Sagot ko pero tinitingnan niya parin ako ng masama na para bang hindi naniniwala sa sinasabi ko.

"Kung ganun, bakit parang ang dali dali lang para sayong talikuran ang sindikatong kinabibilangan mo pati narin ang sariling ama mo?"

Tanong niya na parang nagtataka. Yun pala ang dahilan kung bakit niya ako pinaghihinalaan.

"Kasi wala na namang silbi kung ipagtatanggol ko pa ang sindikatong yun. Patay na ang dad ko, at ayoko naring bumalik pa sa pamamahay namin. Gusto ko nang magbagong buhay, at sisimulan ko yun sa pagbabayad sa mga kasalanan ko."

Sagot ko kaya nilayuan na niya ako. Napahinga ako ng maluwag at napatingin siya sa pulis na kaharap ko ngayon.


Nilapitan niya ito at may ibinulong siya sa kanya pero hindi ko nalang rin sila pinakealamanan. Nakatingin lang ako sa kanila habang tahimik na tahimik.

Napayuko ako habang nakaupo. Ilang saglit ay naalala ko si Jace kaya naiangat ko ulit ang ulo ko. Nakalimutan ko nga pala siyang kausapin o kamustahin manlang kanina. Alam kong kailangang kailangan niya ng taong makikinig sa kanya ngayon, pero wala ako sa tabi niya.

Napatulala ako habang iniisip ko parin siya. Sana hindi niya iniisip na iniwan ko na siya. Sana hindi ko siya nasaktan dahil sa ginawa kong pag iwan sa kanya sa kulungan kanina.

____________________________

THORNS OF FLAME (LOVE+WAR SERIES #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon